Linggo, Hulyo 27, 2014

1 TIM. 4:1-3, TRICKY QUESTION

Magandang umaga po sa lahat ng friends dito. Pag-usapan po natin ngayon ang mga kakaunting deskarte ng Inc ni Manalo, sa mga nakaraang debate.....
Una: isa kanilang tanong ( during cross examination ) ay ganito, Iyon bang mga taong tumalikod ay napasunod na o sumusunod na sa doktrina ng demonyo ? Very tricky po ang tanong na ito. Dahil, pag sinagot mo ng OO, ay may follow-up question sila, na ang 1 Tim. 4:1-3 ganito po ng nakasaad " ( KJV )
1-Now the spirit speaketh expressly, that in the latter times, some will depart from the faith,giving heed to the seducing Spirits, and doctrines of devils.
2-speaking lies in hypocrisy; having their conscience seared with a hot iron.
3-Forbidding to marry, and commanding to abstain from meats, which God had created to be received with thanksgiving to them which believe and know the truth.
Na maliwanag raw sa talatang ito, na ipina-uuna na ng Dios,na sa darating na panahon may mga turo na magmumula mismo sa mga kapanalig ng demonyo o ng demonyo kansang konsinsiya ay sirado na sa mga aral ng Dios, at magsi-pagturo na bawal ang pag-aasawa at ang kumain ng karne.
Tapos sasabihin na nila na di ba Katoliko lang naman ang may ganitong
utos ? Ang pagbabawalan ang isang tao na makapag-asawa? ( Pari ) at ang pagbabawal sa pagkain ng Karne tuwing Biernes-Santo ? Kaya maliwanag na tayong mga Katoliko raw ang tinutukoy sa mga panahong ito na napunta na at sumusunod sa mga aral ng demonyo..
Nakakapangalisag nga naman ng balahibo ano? Isipin mo na lang na isa kang Katoliko na walang alam sa aral na Katoliko, kundi ang mag-simba, minsan hindi na nga alam kung kamakailan lang ba sila nakapagsimba,? ang masama iyong mga katoliko na talaga namang lubusang naniniwala sa Dios tapos pasukan mo ng ganito, aba babaligtad nga iyon dahil matatakot na iyong inaakala nilang tama ay kanya pala sa demonyo..
Tama ba ? At Totoo ang mga aral na ito ng INC ni Manalo o deretsahan kung sasabihin na IGLESYA NI MANALO ?
Iyan ay isang tahasan na panluluko, doon sa mga kawawang Katoliko na hindi pa tagos ang tama at totoong aral ng Katoliko.
Dahil ang paratang na iyon, ay napakadling sagutin kahit hindi mo na kailangan gumamit ng texto sa biblia.
Unang sagot, bakit mo sasabihin na utos iyan ng Katoliko, ang ipinagbabawal ang pag-aasawa ? Gayong may sacramento kami ng kasal.. At dapat kung iyan ang naging turo ng Katoliko, dapat mula noon hanggang ngayon wala ng katoliko, dahil ang pagbabawal ng pag-aasawa ay ang pagbabawal rin ng pakikipagtalik o pagtatalik ng babae at lalaki, na iyon naman talaga ang totoong turo diyan sa 1 Tim. 4:1-3.. Di ba ang mangyayari, na iyong may doktrina na gayon ay mauubos ang kanilang lahi ?Dahil hindi na kailan sila magkakaroon ng anak para dumami ang lahi O grupo nila. Di ba ? Dios me naman , kahit naman walang texto, kayang sagutin iyang mga paratang na iyan..
Iyon namang bawal kumain ng karne, asusuuusss... napakaliwanag na marami tayong nagagawang debate laban sa mga SDA o Sabadista dahil malakas raw kumain ang katoliko ng baboy na ipinagbabawal ng Dios. At hindi lang karning baboy kahit anong makakain na karne, kahit karne pa ng demonyo,
( ahas ) biro lang, ay kinakain namin..
Kaya, maliwanag na iyong mga tirada nila ay puro panglilinglang...
Ngayon tungkol naman sa pagbabawal raw sa pari na makapag-asawa, asus, tadtad na ang isyo na iyan at matagal na, naming sinasagot ang isyu na iyan dito.. ito na lang ang ibibigay ko. Rev. 14: 4- Sila ang mga lalaking hindi nadungisan sa mga babae; malinis sila. samadaling salita may mga tao na sadyang hindi nagsisipag-asawa kagaya ng mga pari. dahil ang pag-aasawa ay mabuti gawain, pero ang hindi pag-aasawa dahil sa kaharian ng Dios ay isang gawain na mas-mabuti, Mat. 19:11-12 / 1 Cor . 7:38 .
Ngayon balik tayo sa tanong na iyong 1 Tim 4:1-3 na itinuturing na turo ng demonyo, ito ba ay turo ng Katoliko ? Abay magising na kayo sa mga kasinungalingan at panglilinglang ng mga Ministro ng IGLESYA NI MANALO...
Singa pala, dahil ba sa sinasabi ng mga pari na tuwing araw ng biernes-Santo ay bawas-bawasan natin ang pagkakain ng masasarap na pagkain tulad ng karne, upang makikiisa tayo sa mga pasakit ni Kristo sa araw na iyon, iyan ba ay turo ng demonyo ? Ibig sabihin tuwing biernes-Santo lang nagtuturo ng aral ng demonyo ang mga katoliko, at pagkatapos noon nagtuturo na naman ng aral ng Dios dahil kakain na naman uli ng karne? asusuuuss.....
Ganito ang sinabi ni Kristo..Lukas 5:33-Sinabi nila sa Kanya, "Ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo ay madalas mag-ayuno ( fasting ) at manalangin.
Bakit ang mga alagad mo ay palainom at palakain?
34-Sumagot si Jesus,"Maari bang pag-aayunin ang mga kaibigan ng lalaking bagong kasal habang siya ay kasama nila ?
35-Darating ang araw na kukunin sa kanila ang lalaking bagong kasal; at saka sila mag-ayuno.."
Ngayon dahil wala na sa amin ( in Person ) si Kristo , kaya may mga ginagawa na kami na pag-aayuno tuwing mahal na araw na siyang pag-gunita kung papaano namatay si Kristo para sa buong sanlibutan..
Pero hindi namin ipinagbawal ang kumain ng karne, baka hindi niyo alam ang salitang ayuno? iyong ayuno po para malaman niyo ay ang pag-iiwas o sa madaling salita ay ang pagbabawal mo na sa pagkain ng masasarap na pagkain tulad ng karne habang nakikiisa tayo sa mga paghihirap ni Kristo.Naintindihan niyo po ba?
NAWA TUMIGIL NA ANG MGA IGLESYA NI MANALO...SA GINAWA NILANG PANGLILINGLANG SA IBA NATIN KASAMAHAN NA KULANG PA ANG ALAM SA MGA ARAL NA KATOLIKO..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento