Miyerkules, Hulyo 23, 2014

APOSTASY

NAGKAROON RAW NG APOSTASY, O TAHASANG PAGTALIKOD ANG NAUNANG IGLESYA NA ITINATAG NI KRISTO ANG KATOLIKO..

Ito ang isa sa mga ginagawang panglilinglang ng INC ni Manalo sa mga walang alam na katoliko.

PAG-AARALAN PO NATIN ANG MGA AKUSASYON NILA, MGA KATUWIRAN, KASAMA NA ANG MGA TEXTO SA BIBLIA NA KANILANG GINAGAMIT ANO PO.

UNA: Ang 2 thess.2:3-Let no one seduce you, no matter how since the mass apostasy... (. sa biblia na katoliko.)

2 Thess.2:3-Let no one in any way deceive you, for it will not come unless the apostasy comes first, and the man of lawlessness is revealed, the son of destruction, (NAS )

2 Thessalonians 2:3King James Version (KJV)

3 Let no man deceive you by any means: for that day shall not come, except there come a falling away first, and that man of sin be revealed, the son of perdition;

2 Tes. 2:3 Ang Salita ng buhay ( LBI )

Huwag kayong magpadaya sa kanino man, sapagkat hindi darating ang araw na iyon hangga't hindi pa darating ang huling paghihimagsik laban sa Dios, at hangga't hindi lumilitaw ang masamang tao na itinalaga para sa pagkapahamak.

2 Tes.2:3 ASD ( BIBLICA )

Huwag kayong magpadaya sa kanila sa anumang paraan.Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hangga't hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Dios, at hindi pa dumarating ang masamang tao na itinalaga sa walang hanggang kaparusahan.

ITO NAMAN PO ANG PANGALAWANG TEXTO NA GAMIT NILA PARA PATUNAYANG NAGKAROON NGA NG TOTAL APOSTASY O ANG BUONG PAGKAWALA NG KAWAN (IGLESYA ) NI KRISTO NOON.

DANIEL 9:11 ( Sa kahit anong version )

Ang lahat Israelita ay sumuway ng inyong kautusan ; ayaw nilang sundin ang sinasabi ninyo. At dahil sa aming pagsuway, dumating sa amin ang sumpa na nakasulat sa kautusan ni moises na inyong lingkod.

NGAYON BAGO NATIN TALAKAYIN IYANG MGA BINIBIGAY NILANG KADAHILANAN, MARARAPAT SIGURONG ALAMIN NATIN ANG APOSTASY..ANO BA ANG APOSTASY ?

The Mirriam Webster Dictionary

APOSTASY -a renunciation or abandonment of former loyalty (as to a religion )

APOSTASYA-Sa tagalog po ay ang hindi na pagsunod o pagtalikod sa mga kautusan ng Dios o sa Dios.

Ngayon, kung ang kahulugan na iyan ang pagbabasihan natin, tama pong sabihin na mayroong nangyayari na apostasy. Dahil sinabi na iyan ni Kristo noon at dapat lang na magkatotoo, diyan sa kanyang Iglesya.

Gawa 20:28-Ingatan niyo ang iyong sarili at ang buong kawan na pinamahalaan sa inyo ng Espiritu Santo,sapagkat ginawa niya kayong mga tagapag-alaga ng Iglesya ng Dios na binili Niya ng sarili Niyang dugo.

29-alam ko na kapag wala na ako ay papasukin kayo ng mga ganid na lobo at sisikaping lapain ang mga tupa.

30-Ang ilan na rin sa inyo ay magsisikap na pilipitin ang katotohanan upang makakuha ng mga alagad na susunod sa kanila.

NGAYON ANG PALIWANAG NILA NA ANG MGA LOBO NA ITO AY ANG MGA KATOLIKO NGA, NA IBA NA RAW ANG ITINUTURO AT WALA NA SA BIBLIA. KUNG MAY PANAHON PA AKO SASAGUTIN RIN NATIN IYAN, DITO MUNA TAYO SA APOSTASY...

Ngayon, ang sabi po sa talatang 28 ay pinapag-ingat sila at pangangalagaan ang Igesya ng Dios na binili Niya ng Kanyang sariling Dugo, hindi itinatag sa Pilipinas. At walang Iglesya sa biblia na binili ng Dugo dito sa pilipinas.

Sa 30 naman ang pagkakasabi ay mayroong iilan sa inyo. iyong salitang iilan ay iba po sa salitang lahat. Tandaan po natin ano, na kung may aalis sa grupo ay naroroon pa iyong grupong pinanggagalingan. Dahil kung wala na iyong pinangagalingan ay hindi na pwede ang salitang umalis.

ITO NAMAN PO ANG IBANG GAMIT NILA;

Mat.24:4-Sumagot si Jesus, Huwag kayong magpalinglang.
5-Sapagkat marami ang darating at magpanggap na Kristo,At marami ang kanilang mililigaw.
6-Makakabalita kayo ng mga digmaan subalit 'wag kayong mabahala. Mangyayari ang mga iyan pero hindi pa iyon ang wakas.
9-Pahihirapan kayo ng maraming tao,at papatayin.Mamumuhi sa inyo ang lahat ng bansa dahil taglay niyo ang Aking pangalan.
10-Marami ang tatalikod sa pananampalataya. isusuplong nila ang isat-isa at mapopoot sila sa isa't isa.
11- lilitaw ang maraming palsong propeta at marami ang kanilang maililigaw.
12-Dahil sa paglaganap ng kasamaan, manlalamig ang pag-ibig ng karamihan.
13- Subalit malilitas ang mananatili hanggang wakas.

NGAYON PO PAG-ARALAN NATIN KUNG MAYROON BANG APOSTASYA NA NAGANAP RITO.

Ang sabi po sa 4- wag kayong magpalinglang,dito maliwanag na binabalaan na sila ni Kristo sa maaring darating at huwag silang magpalinglang. Ngayon sa talatang 5-naman, may roon raw darating at magpanggap na Kristo, samatuwid hindi mula sa kanila o sa Iglesya, ito ay darating at magpanggap. sa 6-naman sinabi lang ni Kristo na talagang magkakaroon ng digmaan, pero sinabi rin sa kanila na 'wag silang mabahala. sa 9-po tayo, dito dahil sa taglay nila ang Pangalan o aral ni Kristo ay kamumuhian sila at papatayin, at iyon nga ay nangyayari naman talaga kay Pedro kay Pablo, at sa iba pang Apostoles.Sa 10- po tayo, Ang sabi rito dahil sa mga pagpapahirap at mga pagpatay ay marami ang tatalikod. bweno tama na mayroong tatalikod.
Bibigyan ko kayo ng halimbawa: Ako ay isang katoliko.. pero halimbawang napunta ako ng Arabia at nahuli ako tapos sasabihin sa akin na kung katoliko ka pugutan ka ng ulo,pero kung kasama sa mga pilipino na nag balik muslim pakakawalan ka. Palagay niyo ano ang gagawin ko. Ako hindi ko talaga alam kayo na lang ang huhusga..
Pero po maliwanag sa verse na ito ang salita ay marami ang tatalikod hindi nawala ang Iglesya.sa 11 at 12 naman po tayo,dito sinasabi lang naman na marami ang lilitaw na palsong propeta at ulit ang salitang marami, ng sabihin rito na marami ang manglalamig sa pananampalataya. hindi po nangangahulugang nawala na ang Iglesya dahil sa salitang marami, wala pong nawawalang Iglesya, o naglalaho na ang Iglesya.At ang pinakamaganda po itong verse 13- dahil madalas hindi na nila pinapaabot dito ang kanilang mga turo, dahil sa 13 ay sinasabing maliligtas ang mananatili.. ang tanong may maliligtas ba ? sagot mayroon iyong nananatili.Tanong naman uli may nananatili ba ? (baka lng iyon ang itanong nila dahil ang turo nila ay nawala na nga ang Iglesya noon )
Kung walang mananatili hindi sasabihin ni Kristo na iyon ay maliligtas, dahil ano pa ang ililigtas kung wala ng nanatili. he..he...

NGAYON DITO NAMAN TAYO SA DANIEL 9:11 NA MADALAS NILANG IPANGATUWIRAN NA KAHIT RAW ANG DIOS NA AMA ANG HUMIRANG SA BAYANG ESRAEL NA KANYANG SARILING BAYAN AY TUMALIKOD RAW, AT HINDI LANG BASTA TALIKOD NG ILAN KUNDI LAHAT PO..

Ang tanong, totoo po bang tumalikod lahat, ayon sa paliwanag nila dahil sa ito ang nakasulat sa Daniel 9:11- ? Tama po ang nakasulat mali po ang paliwanag nila. Unang sagot ko po. Si daniel ay kasapi po sa bayan ng Esrael, at si Daniel po ang siyang nanalangin sa Dios para sa kapatawaran ng mga nagkasalang Esraelita ( mababasa niyo iyan sa mga naunang texto na ibinigay nila bago ang 11 ) ay kasama doon sa sinasabi nilang lahat ay tumalikod ? hindi po diba? kaya dito palang mali na sila..

Hindi ko naman po sinasabing hindi nila alam ang HERMENUETICS sa pag-aaral ng bilbia. magaling nga sila kahit hebrew.Pero bakit sadyang sala ang mga pangangaral at paliwanag nila?

Hindi po ibig sabihin na ang isang batas ay naipasa na sa congreso at nagiging batas na ng bayan ito ay ipinasa ng lahat na congresista.Pero pwede pong sabihin na ipinasa ito ng mga congresista o ng congreso.Pero kung ang batayan ng tao na kumo gamit ang salitang buong kongreso, lahat po ng kongresista ang siyang nagpasar nito, Mali po iyon, marami po sa mga congresista ang ang nag-oppose niyan tulad halimbawa ng RH BILL.nagkataon lang na dinaig sila ng numbers.

Balik tayo, kumo ba sinabi sa dan. 9:11 ang salitang buong o lahat ng Esraelita ay nagkasala o sabihin nating tumalikod ay nawala na ang bayan ng Dios na kanyang hinirang Niya?Hindi po totoong nawala, iyan ay malinaw na kasinungalingan.

Kung nawala pa, eh di wala na rin ito sa panahon ni Kristo, Ito basahin natin,
Lukas 1:5-Noong si Herodes ang hari sa Judea, May isang saserdoteng ang pangalan ay zacarias, na kabilang sa pangkat ni Abias.
6-Matuwid sina Zacarias at Elisabet sa harap ng Dios. Maingat nilang sinusunod ang lahat ng utos at alituntunin ng Dios.

O di ba maliwanag na may roon pang bayan ang Dios, at dito nakasapi si Zacarias at Elisabet. Bakit sabihin nilang nawala na.?

Ito pa, Isa.4:3-4-Tatawaging banal ang natitirang buhay sa Zion,ang lungsod ng Jerusalem. Sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan,hahatulan Niya at lilinisin ang kasamaan ng mga babae sa Jerusalem at ang mga patayan doon.

Ayan, maliwanag na po na may matitirang mabuti naman tulad ni Daniel Zacarias at Elisabet at iba pa, na inaari pa naman Niyang Kanyang lungsud.(Isa, 4:3 )

Ang hirap sa inyo ( INC NI MANALO ) nakakabasa lang kayo ng lahat sa lumang tugon ay isinali na ninyo sa bagong tugon, pero kahit pagsamasamahin pa niyo lahat ng texto hindi talaga maaring mawawala ang toong Iglesya at papalitan lang ng Iglesya sa Pilipinas sa 1914.

Hindi lahat ng nababasa na lahat, ay nangangahulugang ay ang kabuohan. Ganito bibigyan ko kayo ng halimbawa..

Matt.27:22 (KJV)-Pilate saith unto them,What shall I do with Jesus which called Christ? They all say unto him, let Him be crucified.
25-Then answered all the people and said, His blood be on us and our children.

Ngayon, kumo ba nababasa na lahat sila sumagot na ipako siya sa krus, totoong lahat talaga na naroroon ang nagsasabi noon dahil iyon ang nababasa ? At gayon rin ang nababasa sa 25 na sinabi ng buong katawhan na sila ang managot at ang kanilang anak sa Kanyang kamatayan ay toong lahat na naroroon ang nagsasalita noon.? Mali po dahil may mga tao pong nanatili na nagmamahal kay Kristo tulad ng kangyang ina, mga kamag-anak at mga apostol, na maaring naroroon sa araw na siya ay lilitisin sa harap ng maraming tao.

Kaya tigilan na niyo ang pangloloko sa mga katoliko na wala pang alam, at tuloy ang nalaman nila ay ang inyong kabulaanan..

Hindi ba kayo nangingilabot sa inyong sugo na patuloy niyong pinagtanggol, sa kabila ng maliwanag na katotohanan ?

Ang maliwanag na apostsy sa bilbia ay naroroon, iyon ay pagtalikod sa Dios ng iilan, o sabihin nating marami, pero ang hilain niyo ang tao sa apostasyang gusto niyo na nawala ang tinatag ni Kristo na Iglesya ay malinaw na kabuluaanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento