Martes, Hulyo 15, 2014

SI SATANAS BA AT SI KRISTO AY PARIHONG KATOLIKO ?

Tanong:Kung ang ibig sabihin ng katoliko, Catholic, ay Universal o sa tagalog, ay pandaigdig, o nakakakilos o nakakapangyari sa buong daigdig, kung gayon ang yawa ay Katoliko rin, at kasama ng mga
Katoliko ?
SAGOT : Kung ibabase po natin sa pakahulugan ng salitang Katoliko ang katangian ng Demonyo, Ang sagot nito ay hindi na nangangailangan ng verse mula sa bibliya. Simpling OO lang po, sa puntong kung ang yawa ay katoliko rin ba.
Pero sa puntong kasama naming mga Katoliko ang demonyo, lilinawin lang po natin ano ?
Iba po ang nakakasama o kaya lumalapit at sumama, kaysa kasama. halimbawa, umuulan may payong kang dala, tapos may lumapit sa iyo at nakikiusap na sana pasusukubin mo siya sa payong na iyong dala, kaya nakakasama mo rin siya pero sa pagkakataon lng na iyon dahil iba naman talaga iyong kasama, tulad halimbawa kasama niyo sa bahay o kaya kasama niyo sa opisina, na kahit hindi niyo ito nakakasabay ay tuwirang ito ay iyong kasama.Tulad nalang halimbawa ng pagiging Pilipino, na kahit nasaan tayo, ang kapuwa natin pilipino ay kasama nating Pilipino.
Isa pang halimbawa, si Pedro tinawag ng Panginoong Hesus na satanas (Mat. 16:23).Pero si pedro ba talaga ang satanas, hindi po, ang tinutukoy ni Kristo ay iyong satanas na lumapit at nanukso kay Pedro. Na sa pagkakataong iyon ay kasama ni Pedro.
Ngayon tungkol naman sa salitang katoliko, na si satanas ay isang Katoliko, o sige pagpalagay na nating katoliko rin si satanas dahil taglay rin niya ang katangian o hiyas ng isang Katoliko, Pero hindi po siya kasama naming mga Katoliko. Dahil, kung katoliko man si satanas ang dapat na tawag sa kanya ay satanismong katoliko, samantalang kami ay banal na Katoliko o holy catholic church. Siguro naman maliwanag na po iyan.
Na kahit kailan hindi maging banal iyan si satanas, kaya hindi pweding sabihin niyo na siya ay kaisa namin bilang isang Katoiko. Ang hirap sa inyo, pinag -sama niyo ang asin at asukal, tapos sasabihin niyong pareho, dahil sa ito ay pareho ang gamit bilang isang uri ng panimpla. Dapat pong tandaan, na ang asin at asukal ay tamang parehong panimpla, subalit iba ang panimplang matamis kaysa sa panimplang maalat. Kahit po kailan ay hindi magkapareho ang tama at mali, ngunit tama pong sabihin na kapuwa ito pang-uri.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento