Martes, Hulyo 15, 2014

TOO NGA BANG BANAL ANG SIMBAHANG KATOLIKO ?

TANONG : Kung ang tawag sa simbahang Katoliko ay Holy Catholic Church, at ang sabi ni Kristo ay siya ang Ulo ng Iglesya at ang simbahan ay siya niyang katawan, (Col. 1:18) di ba dapat ,kung ano ang ulo ay ganoon rin ang katawan, na kung banal ang ulo di ba dapat banal rin ang katawan ? Pero bakit maraming katoliko sa bilanguan, sa sabungan, sa mga bahay aliwan, sa mga pasugalan at may mga pari pa kayong may mga kinakasama, at pina-aanakan ? ayan ba ang banal na Iglesya ?
SAGOT : Totoo po na ang Iglesya itinatag ni Kristo ay isang banal na Iglesya dahil siya nga po ang Ulo nito. Ito basa...1 Cor. 14:33-For God is not the author confusion, but of peace, as in all churches of the saints.(KJV). Sa tagalog naman, Ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan kundi ng kapayapaan.Gaya ng lahat ng Iglesya ng mga binanal (LBI).
At totoo rin po, ang sinasabi niyong maraming mga tiwaling Katoliko at kasama na po riyan iyong iilang tiwaling pari.
Ganito po iyon, Iyon kasing simbahan ang siyang tinatawag na House of God and the pillar and ground of the truth, (1 Tim.3:15) Kasi po sinasabi ni Kristo na sasamahan niya ito hanggang sa katapusan ng mundo (mat. 28:20.) kaya dito po manggagaling ang ikabubuti at ika- babanal ng every member of the church. Meaning, it was the church who was commission to preach the words of God, starting from the apostles down to their successors para sa ikabubuti at ikababanal ng isang tao, (Mat.28:19-20)
Pero hindi po lahat, but only to those who properly observe and remain faithful christian.
Kasi ganito po ang paghahalin-tulad ni Kristo sa Kanyang Igesya, basa...
Mat. 13:47-48- Ang kaharian ng langit ay tulad rin ng isang lambat na inihagis sa dagat at nakahuli ng lahat ng klase ng isda.Nang mapuno na ang lambat ito ay hinila ng mga tao sa tabing- dagat. Naupo sila at kinuha ang lahat na makakaing isda at itinapon ang iba.
Kaya tulad ng isang paaralan, ito po ang kailangan nating pasukan, upang makatapos sa kursong gusto mong kunin, pero hindi po ibig sabihin na kumo naroroon at nag-aaral ka nga ay sigurado na na makakatapos ka.Dahil alam naman po natin na marami rin ang pumapasok ngunit hindi rin nagtapos. Pero ang katotohanang malaki ang posibilidad na makakatapos ka kaysa hindi ka papasok ng paaralan.
Kaya sa tanong niyo na bakit may mga katolikong tiwali, ang masasabi ko lang, sila iyong natutulad ng mga estudyate na pinapag-aral ng kanilang mga magulang ngunit naroroon sa billiaran at sa mga inuman, kawawa po ang mga tulad nila pagdating ng araw.
Na kahit ako, kahit Obispo o sino mang pari, hindi pa nakatitiyak ng kaligtasan, Dahil ang sabi ni Kristo, maliligtas lang iyong mananatili hanggang wakas.(Mat.24:13)
At ang sabi naman ni San Pablo, "Hindi ko sinasabing natamo ko na iyon.
Hindi pa ako ganap. Subalit nagpatuloy ako upang matamo ko iyon.dahil ako'y kay Kristo na ngayon " (Fil.3:12)
Pero kung tumiwalag kayo, pagkatapos ng marinig niyo ang mga salita ng Dios, mula sa kanyang Simbahan malayo na para sa iyo ang kaligtasan.
(1 Juan 2:18-19)
Dahil talagang natutupad ang hula na may roon talagang titiwalag, at nagtuturo ng kasinungalingan. (Gawa 20:30-31 / Mat.24:23-24 )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento