Linggo, Disyembre 1, 2013

SI KRISTO, PINALITAN BA?

To friend Swabe de Calibre :

Nabasa ko iyong tanong mo sa akin,sorry di agad nasagot.

Susubukan ko lng na sagutin ano, ayon sa paniwalang Katoliko.

una, mapapansin natin sa bibliya, ang naging unang basihan ng Dios sa Kanyang pagbibigay ng kanyang mga kautusan ay para lang sa isang pamilya. ( bukod  ito  kay Adan at Eva )

parang isang relihiyon na para  lang sa isang pamilya  o pang-pamilyang relihiyon.

doon lang sa  pamilya niAbram ( ngayon ay Abraham na )

Gen, 12 1-3 - sabi Niya kay Abram," iwanan mo iyang bayan mo, pumunta ka roon sa ibibigay kung lupain at pararamihin ko ang lahi mo. at magigi-kang panalangin para sa iba.

Sa Gen. 17:1-2,7 - ng si Abram ay 99 taong gulang na, kina-usap siya ng Dios at sinabi sa kanya na dapat maging masunurin siya Nito at wag gagawa ng ano mang kasalanan sa buhay niya. 2-at gumawa Siya ng tipan, para sa kanilang dalaw. 7- na itoy, dapat sundin ng magiging lahi niya..

Nakita kasi ng Dios, how dreadful people is, ( Gen. 6:5) sobra na ang kanilang kasamaan..

Kaya, ginawa ng Dios ang mag-buklod ng isang matinong pamilya, na siyang panggagalingan ng mabubuting tao para sa kanyang, mga ipagagawa.
 
Subalit, ng dumami na ang kanyang lahi, ang nangyayari naman ngayon ay nagkakaroon na ng isang relihiyong, pang-bayan o relihiyong, para lng sa isang bayan, ang nasud ng Israel..

Ito naman ang naging tipan nila:

Ang sa Dios ay nasa Exo. 19:5 at ang sagot ng tao ay nasa kasunod Exo. 19:8
at dito nabuo ang 10 utos ng Dios na para lng talaga sa kanila (Israel)

Ito iyong mga texto bilang patunay na hindi tayo o sino mang tao sa mundong ito, nakakasali sa kautusang iyon, na iyon ay para lng sa mga Israelita.

Exo. 31:17 - na ito ay para lng sa mga Hudiyo.

Sal. 147:18-19 - na ang batas Niya ay para lng sa mga hudiyo, at ito ay hindi niya ibinigay sa ibang bayan..

Ito naman ang patunay ni Pablo:

Gal. 1:13 - sinabi Pablo na inu-usig niya ang Iglesya ng Dios ng siya ay nasa relihiyon pa ng mga Hudiyo.

Epeso 2:12- Hiwalay kayo noon kay Kristo at hindi kabilang sa Israel.Wala kayong bahagi sa tipan at pangako ng Dios sa kanila. Wala kayong Dios o pag-asa sa kaligtasan.

Pero, patuloy pa rin ang kasamaan ng tao. Exo.32:22-24 - ang kwento ng "THE TEN COMMANDMENTS"

kaya sa bandang huli, ginawa na ng Dios ang isang relihiyon na pang kalahatan na. na tayong lahat ay kasali na. hindi na pang-pamilya, hindi narin para lng sa isang piling bayan, kundi pang sanglibutan na, o universal o Katolika.

At ang lahat na ito ay pawang nasa bibliya. ayon sa hula hanggang sa matupad na.

hula: Isa.66:18-19 - PHIL. BIBLE SOCIETY -( Pero kahit anong salin pwede,) na lahat na ng tao sa buong mundo ay kasali na at ang iba ay mapupunta sa ibat-ibang lugar (UNIVERSAL ) kasama na ang Espanya.

Isa.11:12 - na ito ay para na sa lahat ng kanasuran at mag-mula na sa apat na sulok ng sanlibutan..

Daniel 2:44 - na darating ang panahon na ang Dios ay magtatag ng Kanyang kaharian na pang-habang buhay, everlasting.

kaya nga naitanong nila minsan kay Kristo na ayon sa kasulatan ang Mesiyas ay hindi raw namamatay. John 12:34

Bukod sa kanilang kaalaman  na  ito ay natupad na dahil si Kristo ay sadyang  hindi napapatay, liban na lng kung  itoy kagustuhan Niya.. John 10:18.,
Katuparan sa  pagtatag ng Universal na Iglesya:

Mat.16:18-19 - ng si kristo ay nagtatag ng Iglesya.. 19- na kahit ang pinto ng kamatayan ay hindi mananaig nito.

Luk. 16:16 - na ang mga sulat ni moses at ang mga hula ng mga propeta ay hanggang kay Juan bautista lng magkakabisa at mula noon ang kaharian ng Dios ay pinangangaral na.

Luc.17:20-21 - hindi nakikita ang kaharian ng Dios, dahil itoy nasa kalagitnaan natin.. nasa tao o puso ng tao..

Mat,12: 28 / Luc. 11:20 - ang Dios ay may patunay na,na siya ay naghahari na dito sa atin.

Mar.11:17 - at ang dating Simbahan na sana para lng sa Israel, ngayon ay para na sa sanglibutan, o sa lahat ng tao. UNIVERSAL O KATOLIKO..

Ngayon sa tanong mo na ang salitang KATOLIKO ay noon lng 110 AD nagsimula.
 
SAGOT : maraming mga pagtatalo na ang mundo ay flat o bilog. huli na ng mapatunayan na ang mundo  ay bilog talaga.. nang-mapatunayan na ang mundo ay bilog, ibig bang sabihin na noon palang bumilog ang mundo mula ng itoy mapatunayan? Hindi itoy, bilog na  dati, huli lang ng madiskubre..

Ngayon, ng unang tawagin ang mga kasapi sa Iglesya na KRISTOHANON ay nangyayari sa ANTIOCH. Gawa 11:26..

At ang sulat ni Lukas sa GAWA ( ACTS OF THE APOSTLES ) ay nasulat lng sa pagitan ng 62 to 70 AD.

Ibig bang sabihin, na noon lng naging KRISTIANO ang bawat miembro ng Iglesya? hindi dati na silang kristiano, noon lng nakilala o kinilala..

 Dapat tandaan na si Ignasius ay Obispo rin diyan sa Antioch sa mga panahon na iyon,  at doon rin sa kanila nagmula ang pag-kakakilanlan sa salitang Kristiano, bakit buong pusong tinatanggap natin ang salitang Kristiano \? Ngunit  hindi ang salitang KATOLIKO?

Ngayon, ang salitang universal ay nakakatakot ba dahil ang demonyo ay universal rin, hindi ang demonyo lang ang nakakatakot hindi ang universal dahil si kristo ay universal rin. EFESO 4:10.

Col. 3:11- si KRISTO ang lahat at naroon sa lahat..

Sa tanong bakit APOSTOLIC?

Dahil mula kay Kristo itoy sinunod ng kangyang mga apostoles na siyang dahilan ng Kangyang (KRISTO) mga pag-tuturo sa kanila, upang sila na naman ang mangaral ng kanyang  mga  turo, para sa sanlibutan Mat. 28:19-20.. / EPESO 2:20..

Ng sabihin ni Jesus na humayo kayo sa buong mundo (Mat.28:19-20) hindi niya sinabi na wag niyong isama iyong Pilipinas, dahil may itinalaga na ako roon.. Na naroon na  si  Manalo, si Soriano ,si Ruben Ecleo, si Buloy, si Agapay ang Rizalian, si Master Tomas, at iba-iba pa..
Dapat  ring  tandaan, na  sa  bibliya ang SUGO NG DIOS ay nagsusulat ng  mga  utos ng  DIOS hindi nag-aaral  ng  bilbiya.. 
Dahil kapag nag-aaral  ka  ng  pangsarili ay  may  disgrsya ka.. 2 PED. 1:20 / 2 PED.3:16 / GAWA 8;31 - na dapat may roong  magtuturo  sa  iyo tungkol sa  kung  ano  ang  iyong  binabasa.. Dahil ang  totoong  SUGO ay  hindi na  nag-aaral  sa  bibliya,  bagkus  sila  ang  sumusulat sa ipinasusulat  sa  kanila..

Sa tanong na bakit pinalitan ang Kristo na dapat nakakabit ang pangalan na ito sa Iglesya?

SAGOT : Hindi pinalitan si Kristo,Siya pa rin ang  nagtatag ng  KATOLIKO.sa grolier ency. vol.5 page 106.. sinasbi rito na si KRISTO ang nagtatag ng katoliko... hindi pinalitan ng sino mang tao.. ( PWEDE NINYONG TINGNAN ANG IBANG STANDARD NA  REPRENSIYA TULAD NG INTERNATIONAL ENCY., AMERICAN ENCY. )

Kaya sa Antioch itoy tinawag na KRISTIANO AT KATOLIKO dahil mula sa pangaral ni Kristo kaya KRISTIANO at KATOLIKO naman dahil si kristo ay Katoliko o universal rin ang being niya.. EPESO 4:10 / JOHN 16:30..

KUNG PAANONG TINAWAG ANG IGLESYA ?

ROM. 16:16 - IGLESYA NI KRISTO

GAWA 20 28 - IGLESYA NG DIOS

1 COR.14:32-33 - CHURCH OF THE SAINTS O IGLESYA NG MGA BANAL

GAWA 11:30 IGLESYA SA JERUSALEM

GAL. 1:13- IGLESYA SA DIOS

3 JUAN 6- IGLESYA RITO

3 JUAN 9- IGLESYA

MAPAPANSIN PO NATIN NA MARAMING TAWAG ANG IGLESYA, PERO HINDI NANGANGAHULUGAN NA IYON NA NGA ANG PANGALAN NG IGLESYA. DAHIL WALA MANG-SINONG TAO NA PINAGBILINAN NI KRISTO UPANG PANGALANAN ANG KANYANG IGLESYA..

ANG IGLESYA MAN AY TINATAWAG RING DAAN :

GAWA 22:4 ; 24:14 ; 26;11; 24;26; 11;26,  2 PEDRO 2:15 - DITO ILANG BESES INUULIT-ULIT NI PABLO
NA ANG IGLESYA AY DAAN... MAGING  SI PEDRO..

KAYA SABI NI SORIANO "ANG DATING DAAN" SABI NAMAN NG INC "ANG TAMANG DAAN"

SAL. 25:12 ANG MASUNURIN SA DIOS AY TUTUROAN NIYA SA TAMANG DAAN.

JER. 31:21 ANG DAAN AY LALAGYAN NG MGA TANDA. (NOTE MGA TANDA )

1SA.66:19 SILA MAN AY MAY PAGKAKAKILANLAN O MAY TANDA

KAYA ANG IGLESYA AY KINIKILALA SA PAMAMAGIAN NG TANDA SA PAGIGI-NIYANG DAAN.

THE MARK OF THE TRUE CHURCH;

ONE - ISA LNG ANG IGLESYA AT MAYPAGKAKAISA- JOHN 17:21

HOLY - DAHIL ANG NAGTAYO AY BANAL, LUC. I:35 , ROM. 6:22-NAGBUNGA NG KABANALAN..

CATHOLIC- MAR. 11:17/ ROM 1;8 / MAT. 28:19-20 / ISA.11:12

APOSTOLIC- MAT.28:19-20 / EPESO 2:20

CHURCH - 3 JUAN 9 / MAT. 16;18

Idagdag ko na ang roma;

LUC. 4:24- HINDI SIYA (KRISTO) TATANGGAPIN SA SARILING BAYAN

MAT. 21:43 KUKUNIN SA KANILA ( MGA HUDIYO) AT ILILIPAT SA IBANG BANSA (NASUD) NA MAMUMUNGA..

GAWA 22:15,17,21; 23: 11 - WAG KANG MATAKOT, GAYA NG PATOTOO MO SA AKIN DITO SA JERUSALEM AY GAYON KA RIN SA AKIN SA ROMA.

ROMA 1;8- ANG KANILANG PANINIWALA AY TANYAG NA SA BUONG MUNDO O UNIVERSAL.

NGAYON ANG DAPAT NATING MATOTOHAN... SI KRISTO AY PUMUNTA RITO SA LUPA, NAGTAYO NG IGLESYA. AT NAGPAKAMATAY PARA SA ATIN AT NG PARA SA IGLESYA. DAHIL KUNG HINDI SIYA MAMATAY PAANONG PAWAWALANG ANG ATING SALA, ANG KANYANG GELESYA NA SIYA NIYANG KATAWAN COL.1:18 / EPESO 5:23..

NGAYON AKO NAMAN ANG MAGTATANONG, SIMPLING TANONG LNG,

KUNG NAWALA NA ANG IGLESYANG ITO.. O HINDI NA NAGPAPATULOY 'IKA  NGA....

AT MAY TAONG NAGSASABI NA ITO AY  MULING ITINAYO NILA...

ANG TANONG HIGIT PA BA SIYA KAY KRISTO?

O NAWALAN NA LNG BA NG SAYSAY ANG PAGTAYO NI KRISTO NG IGLESYA?DAHIL MAWAWALA RIN LANG NAMAN ANG ITINAYO  NIYANG (KRISTO) IGLESYA, AT MAY MAG-TATAYO NAMAN PALANG IBA. NA MAS MATATAG PA KAYSA NAITAYO  NA NIYA (KRISTO )?

PAANO BA ANG SINASABI NIYANG KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG HADES AY HINDI  MAKAPANAIG SA KANYANG IGLESYA. MAT. 16:18-19.. AT ITO AY KANYANG SASAMAHAN HANGGANG SA KATAPUSAN NG MUNDO.. MAT.28:20.. ?

BAKIT NATATAPOS NA BA ANG MUNDO?

IBIG SABIHIN BA NAGSISINUNGALING ANG KRISTO AT SIYA ANG NAGSASABI NG TOTOO?

ANG DAPAT NATING GAWIN AY HANAPIN ANG NATAYO NA AT DOON SUMALI, HINDI ANG MAGTATAG NG SARILI NATING IGLESYA..

BAKIT PANG 100 PA LANG NG IGLESYA NIYO NGAYON, DI BA DAPAT ANG PARANGAL NA IYAN AY DOON SA TOTOONG NAGTAYO NG IGLESYA ? AT  HINDI  KAY  MANALO DAHIL KAY  KRISTO KAMO IYANG  IGLESYA  NIYA?, AT HINDI SA KANYA ?NA HINDI LNG ISANG DAAN TAON PA.. ?

KAIBIGAN WAG KANG MAGAGALIT, GAYA NG SINABI KO MABUTI KANG TAO, NAGTANONG KA NAGTATANONG RIN LNG AKO... SUBUKAN MO  RING  ITOY, PAG-ARALAN..
Like · · Unfollow Post · 6 hours ago near Dipolog City

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento