Pag-uusapan po natin ang tungkol sa BINYAG O BAUTISMO :
Ano ba talaga ang binyag, at ang buong kahulugan nito sa buhay ng tao ?
Ganito po iyon :
Ang sabi ng Pannginoong Hesus," Maliban kung kayo'y ipanganak na muli
ang isang tao, hindi niya makikita ang Kaharian ng Dios." Juan 3:3.
Ano ba ang ibig sabihin ng salitang "BORN AGAIN ?" O IPANGANAK MULI ?
Juan 3:5-7 - Sumagot si Jesus,"buong taimtim na sinabi Ko sa
inyo,malibang ipanganak sa tubig at sa Espiritu ang isang tao,hindi siya
makakapasok sa Kaharian ng Dios.
6- tao ang isinilang sa tao,at espiritu ang isinilang ng Espiritu."
7 - Huwag kayong magtaka dahil sinabi Kong kailangang ipanganak kayong muli.
Papaano ba tayong isisilang muli? ang sabi ni kristo sa pamamagitan ng tubig at Espiritu..
mat. 3:11 - Binabawtismuhan ko kayo sa tubig kung nagsisi kayo.Ngunit
may isa pang darating na higit pang-mataas kaysa akin - hindi ako
karapatdapat na maging alipin man lamang Niya - Babawtismuhan Niya kayo
sa Espiritu at sa apoy..
Dito nalalaman natin, na bago tayo maging bagong tao ( born again ) ay dapat mababawtismuhan tayo sa tubig at sa Espirito..
Dahil ang bautismo o binyag ay isang uri ng seremonyas sa paglilinis ng tao Juan 3:25
Na ang tao ay kinakailangan linisin,bago natin maibihis si Kristo, Gal.
3:27, o mapasali sa Iglesya na siyang katawan ni Kristo, col. 1:18.
Paraan ng binyag:
Ang sabi ng mga Protestante, ang salita raw na binyag o bautismo ay
mula sa salitang griego na baptizo, na ang ibig sabihin ay immersion na
nangangahulugang
to dip or ilulubog..
Kaya sa binyag ay kailangang ilubog ang taong bibinyagan sa tubig.
Na kapag-ang binyag ay hindi ilulubog sa tubig, ito ay hindi balido dahil ito nga ang kahulugan ng binyag, ang pag-lubog..
Gaano ba katotoo ang panukala nilang ito?
Balikan natin ang nauna ko ng sinabi, nasa Mat.3:11 na ang binyag ni
juan gamit ay tubig.. dito pwede mong ilubog ang tao dahil gamit nga ay
tubig .
Subalit ang binyag naman ni Kristo ay sa pamamagitan ng Espiritu ? pwede mo bang ilubog ang tao sa Espiritu ?
Tingnan natin ang ibat -ibang binyag o bautismo:
Una ang kay Kristo :
Mat. 3:16 - ng mabawtismuhan na si Jesus, umahon Siya agad mula sa
tubig. Nabuksan ang Langit at Nakita Niya ang Espiritu ng Dios na bumaba
sa Kanya sa anyong salampati. 17-Nagsalita ang isang tinig mula sa
Langit;"Ito ang minahal Kong Anak; Lubos Akong nalulugod sa Kanya..
Dito, walang sinabi kung inilubog ba si Kristo o hindi ng binyagan
Siya.Ang sabi rito na Siya'y umahon, pagkatapos niyang binyagan.. ang
salitang ahon ay hindi patunay na inilubog nga siya.. dahil pwede ka
namang umahon mula sa tubig kahit ang tubig ay naroroon lang sa iyong
talampakan..
Pangalawa :
Gawa 9:15-19 - At biglang
parang may mga kaliskis na naalis sa mata ni Saulo, at siya'y nakakitang
muli. Nagtindig siya at nag-pabawtismo. 19 - Pagkakain niya ,
nanumbalik ang kanyang lakas...
Dito nakikita natin na si Saulo ay bulag na nakahiga sa bahay, at ng
mapangaralan siya ni Ananias, siya ay tumayo mula sa pagkakahiga at
bina-utismuhan. at pagkatapos kumain na siya at nanumbalik ang kanyang
lakas.
Malinaw po na walang ilog doon sa bahay at wala ring
swimming poll. kaya paano siyang ilulubog ng siya ay tumayo at
binautismuhan?
Pangatlo :
Gawa 16:33 - Ng oras ding
iyon,hinugasan niya ang kanilang mga sugat.Pagkatapos nag-pabawtismo
siya kasama ang buo niyang pamilya. 34 - isinama niya sila sa kanilang
bahay at masaya sila....
Dito ang pangyayari ay naganap sa loob
ng kulungan, o sa lugar na pinagkulungan nina Pablo. wala ring ilog
roon sa kulungan at wala ring swimming poll.
Marami pa po pero
sa tatlong halimbawa ko ay sapat na kahit hindi ko pa isali ang binyag
ng Yunoko. na hindi mo rin makikitaan ang salitang inilubog.
Ang binyag po ng Katoliko ay pweding ilubog, buhusan o kaya sabuyan ng
tubig, basta't may gamit na tubig..wala kaming problema roon..
Bakit, ano ba ang ibig sabihin ng binyag ng Katoliko ?
Gaya ng nasabi ko na, ito ay isang seremonyas ng paglilinis ( Juan
3:25 ) para ang tao ay isilang muli ( Juan 3:3,5 ) at ng maging bahagi
kay kristo Gal. 3:27 o mapasali sa Iglesya ng Dios na si Kristo mismo
ang ulo. Col.1:18
At ang salitang baptizo, para sa katoliko ay nagkakahulugan ng to purify :
Na sa bautismo, John purified man with the used of water while Jesus is through Holy Spirit..
Ngayon sa bata po tayo:
Unahin natin ito, Mar. 16:15-16 - " Humayo kayo sa buong mundo at
ipangaral niyo ang Ebanghelyo sa lahat ng nilikha. 16 - Maliligtas ang
lahat na sumampalataya at magpabutismo...
Tama po iyon, dahil
alangan namang pumunta lng kayo sa bahay ng may bahay at hilain sila
upang mag-pabautismo.. dapat talaga na malaman muna nila kung bakit
kinakailangan ito. malinaw naman po iyon..
Pero, nangangahulugan ba ito na hindi kasali ang bata dahil hindi naunawaan ang Ebanghelyo?
Diyan kayo ( protestante ) mali.. Dahil ang sabi ng Dios, ang tao ay
hindi makakakita at hindi makakapasok sa kaharian ng dios kung hindi
mabinyagan o isisilang muli. Juan 3:3, 5...
Ngayon ang bata ba na kasisilang lang, naisilang nabang muli ? syempre hindi pa liban na lang kung siya ay binyagan.
Halimbawa :
Ang isang patay na kapatid natin na Subanin, na nakatira sa bundok, ay
dinadala ang patay sa simbahang Katoliko, para sa basbas nito bago
ilibing..
Tatanungin ng pari, ito ba ay bininyagan na sa
simbahan? Ang sagot ng mga kasama ay hindi namin tiyak Father,
parang hindi pa dahil wala naman itong birth certificate..
Ito ay bibinyagan ng Pari, bago naman basbasan ang kanyang kamatayan..
Isa pa : kung ang bata ay kasisilang lang, ay namatay kaagad, at
dadalhin sa simbahang katoliko, para sa kanyang basbas sa paglilibing,
ito rin ay binyagan ng pari bago basbasan ng para sa patay..
Ngayon, nasa bibliya ba ito? ito basa...1 Cor. 15:29 - may mga taong nagpapabinyag, para sa namatay na..
At ang patay ay hindi na nakakaintindi at hindi na rin sumasagot di ba ?
Pero, binibinyagan pa rin, gaya ng ginawa ng pari, pero ito ay mga special cases lang.
Ang punto rito, alin ba ang magandang binyagan iyon bang batang buhay o iyong patay?
Ngayon nasa Jer. 44: 7 na kapag nagagalit ang Dios sa mga kagagawan ng
magulang pinapatay lahat pati bata. gaya ng lunop, sudoma at gumura..
ngayon ikaw alam mong ang binyag ay nakakaligtas sa iyo..ililigtas mo
lang ba ang sarili mo at hindi mo isama ang iyong anak?
Ito ang isa sa mga katuwiran nila. na ang bata raw ay mapa sa langit na.. sige tingnan natin.
Lukas 18:16 - subalit tinawag ni Jesus ang mga bata, at sinabi niya sa
alagad,Hayaan ninyong lumapit sa Akin ang mga bata. Huwag niyo silang
hadlangan, sa pagkat ang kaharian ng Dios ay para sa mga tulad nila. 17 -
Tapat na sinabi Ko sa inyo, ang ayaw tumanggap sa kaharian ng Dios na
gaya ng isang maliit na bata ay hindi makapasok doon.
Ang konklusyon ba rito ay ang bata ay sigurado na sa langit?
Mali po.. ang sabi ni kristo wag hadlangan, na pumunta sa kanya, at ang
binyag ay pagpunta kay kristo. at ang sabi niya uli. na ang bata ay
tumatanggap sa Kanya, na walang ano-anong tanong. kaya sabi niya
tumulad tayo sa bata..
At ng lumapit sa Kanya ang bata ito ang
una niyang nabasbasan.. ng ipatong niya ang kanyang kamay para sa
Kanyang panalangin Mat. 19:15 - Kaya ang bata ang unang naka tanggap ng
Espiritu.. ( ayun sa komentaryo ni St. jerome )
At sa bibliya,
marami na po ang binyag na nagaganap sa isang buong pamilya na ibig
sabihin kasali ang bata.
GAWA 16:15 / 16: 33...
Dahil kong ikaw ay nakakaalam na ang binyag ay importante sa tao at nagpabinyag ka, tapos iyong anak mo ay hindi mo pinabinyagan, nagkakasala ka. Dahil hindi mo ginawa ang narararapat. Santiago 4:17..
Ngayon iyong
binyag po ni Kristo ay isa lang basihan upang ang tao ay kailangang
binyagan. Dahil si Kristo ay hindi kilangang linisan ng sala dahil wala
siyang sala. 1 juan 3:5.. ang binyag ay pagbibihis kay kristo o
pakikiisa kay Kristo, si Kristo ay Hindi na kailangang maki-isa sa
Kanya. Ang binyag ni Kristo ay pagpapatunay ng pagkakaisa ng tatlong
persona sa iisang Dios.. 1 juan 5:7-8. KJV..
Ngayon doon sa
nagbibinyag na gumagamit sa salitang ito " tinatanggap mo ba na si
Kristo ay iyong personal na tagapagligtas o ano pa", iyan ay tahasang
hindi nagyayari sa binyag ni Kristo na sinasabi nilang dapat sundin
bilang halimbawa.
Dahil, paanong sabihin ni Kristo na tinatanggap ko ako na taga-pagligtas ko.. ngyek..
At kahit saan sa anong talata sa bibliya iyan po ay wala. sabihin niyo
sa kin kung mali ako.. Ang sabi lang ni Kristo humayo kayo at
mangaral at binyagan sila sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu...
tapos...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento