Miyerkules, Disyembre 18, 2013

SINO ANG KASAMA NG AMA NG LALANGIN ANG TAO?

Anghel ba ang kasama ng Dios ng likhain Niya ang tao ?

Suriin nating mabuti, ang Gen. 1:26 - Then God said: Let us make man in our image,
after our likeness. Let them have dominion over the fish of the sea,the birds of the air, and the cattle, and over all the wild animals and all the creatures that crawl on the ground.

1) ang sabi ng Dios gawin Natin ang tao na kawangis natin.. na ka-gaya o kahalintulad natin....

Ang tanong sino ba ang gagawa ?

ang maliwanag na sagot po ay sila.. hindi po pweding Siya lang ( na ibig sabihin ang Ama lang ). dahil sa salitang natin.. ( gawin natin ang tao.. )

sa madaling salita, may-kasama Siya ( AMA ) sa pag-gawa..

ngayon sino ba ang nakakasama niya ng sabihin niya ito ? ( Gen. 1:26 )

hindi,pa po natin alam, pero, ang sigurado ay kawangis ng AMA o magkawangis Sila.

dahil sa salitang, kawangis Natin.. (gawin Natin ang tao na kawangis Natin..)

dito, maliwanag, na katuwang Niya sa pag-gawa, iyong kinaka-usap Niya na kawangis Niya.. ( KAWANGIS NG AMA. )

ngayon kung sasabihin nating anghel ang kasama niya, may mababasa ba sa bibliya na katuwang nga ng AMA ang anghel sa pag-gawa.

at mababasa rin ba natin sa bibliya na iyong anghel, ay ang kawangis Niya,
( NG AMA..) ?

kahit alin sa dalawa, kawangis man o katuwang Niya ( AMA ) sa pag-gawa ay wala tayong mababasa sa bibliya.

dahil ang anghel, kahit kailan ay hindi magiging creator o co-creator..

ngayon, ang tanong kung hindi ang anghel, sino?

unahin natin ang salitang, GAWIN NATIN..

JUAN 5:17 - " ang Aking Ama'y patuloy na gumagawa hanggang ngayon, kaya gumagwa rin Ako.. ,19- wala akong ginagawa na aking sarili, ang ginagawa Ko lng ay iyong nakikita Kong ginagawa ng Ama,ang ginagawa ng Ama ay ginagawa rin ng Anak..

Kaya, dito maintindihan na natin, na bawat ginagawa ng Ama ay ginagawa rin ng Anak, kaya dalawa sila ng Anak ang gumagawa..

Iyon namang salitang kawangis Natin:

dahil iyon nga ang pagbabasihan sa pag-gawa Nila ng tao, di ba?

Col. 1:15 - si Kristo ang tunay na larawan ng di nakikitang Dios.

di ngayon, maiintindihan na narin, na tama ang sinabi ng Dios na tayo ay kawangis Nila.. bakit, dahil maliwanag na sinabi sa colosas 1:15 na si kristo ang kawangis o larawan ng Dios na di nakkikita. eh di maliwanag na magkawangis nga sila. Ang Anak at Ama..

at ng sabihin ng Ama na gagawin natin ang tao na kawangis NATIN ito ay tungkol sa larawan nilang dalawa, ni Kristo at ng Ama, na, magkawangis nga.

at maliwanag na ang Anak ang kausap at kasama ng Ama sa pag-gawa ng tao
at ito nga ( ang tao )ay ginawa Nila na kawangis Nila..

1 komento: