Lunes, Disyembre 2, 2013

BAKIT BA ? NOYNOY ...

ORTHOPEDIC HOSPITAL, PRIBADO NA ! SAAN NA MAGPAPAGAMOT ANG MGA MAHIHIRAP NA MAY SAKIT SA BUTO ? SA MGA MANGHIHILOT ? While public’s attention is on relief efforts, Aquino approves privatization of Orthopedic “What greater blow can an insensitive government give to the suffering people than privatizing the only public orthopedic hospital where the poor run for treatment?” – Emma Manuel, Alliance of Health Workers Salbahe talaga itong si Noynoy. Sinamantala niya ang atensyon ng mamamayan sa delubyong "Yolanda" sa pag-apruba sa pagsasapribado ng Orthopedic Hospital at nag-news blackout pa dito ang Malacanang na talagang iisipin mong may maitim na balakin, dahil nilihim sa mamamayan, buti na lang ay naamoy ng mga health workers ang pirmahan dito. Nag-iisa na nga lang iyang Orthopedic Hospital na ospital ng mahihirap na mamamayan na may sakit sa buto, isinapribado pa !!! Eh saan na magpapagamot ang mga mahihirap na may sakit sa buto ? Sa mga manghihilot na lang ? Ganun ba, Noy ? Ang paliwanag dito nuon ng Malacanang ay para daw maging kalidad ang serbisyo, magkaroon ng mga magagaling na doktor at modernong kagamitan ang Orthopedic Hospital at iba pang public hospital na ipapa-pribado ng pamahalaan... Ang tugon natin diyan, HINDI MAMUMUHUNAN ng BILYUN-BILYONG PISO ang mga tusong negosyante kung alam nilang hindi sila KIKITA NG LIMPAK-LIMPAK NA SALAPI. Kaya't sigurado, ang ipaiiral na sa Orthopedic Hospital ay "Kung walang pera, walang gamutan." Kung tutuusin, ngayong idineklara na ng Supreme Court (SC) na illegal ang pork barrel at sa dami ng pera ng pamahalaan, kayang-kaya na ng pamahalaan na lagyan ng mga modernong kagamitan ang lahat ng public hospital sa bansa, pero bakit ayaw niya itong gawin at gusto pa niya ay kumita dito ang mga negosyante ? UTAK talaga nitong si Noynoy, iniisip kung paano kikita mga negosyante at hindi na iinisip kapakanan ng mahihirap na mamamayan. Makiisa...tutulan ang pagsasapribado ng mga public hospital... Plis repost & share... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento