TANONG : BRO BOY, ANG JACOB BA SA MAT. 1:16 AT ANG HELI NAMAN SA LUC. 3:23 - NA PARIHONG AMA NI JOSE AY IISANG TAO ?
SAGOT : ANG TANONG NA ITO ANG ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO NARIRITO PA RIN SA PANINIWALANG KATOLIKO.
KUNG MAPAPANSIN NIYO, SA MGA PROGRAMA NG ADD, SA MGA
PAGSASAGOT NI SORIANO TUNGKOL SA ISYU NG TRADITION, MAKIKITA
MONG, ANG MGA SITAS AT PALIWANAG NIYA AY PARANG KAPANIPANIWALA,
NA ANG TRADITION AY NAISULAT NA NGA LAHAT SA BIBLIYA.
SIGURO NGAYON MADALI NA PARA SA INYO ANG IHANAP NG KASAGUTAN ANG TANONG NA ITO, SA INTERNET.
PERO SA KAPANAHUNAN KO, ( DAHIL KAMAKAILAN PA LNG NAMAN ITONG
INTERNET ) LAHAT NG PASTOR AT MINISTRO AY TUMATAKBO AT HINDI NA
BUMABALIK PAG-TINATANONG KO ANG TUNGKOL DITO..
DAHIL SA
TUWING, UMAAKYAT SILA SA AMIN, AT MANGARAL RAW NG SALITA NG
DIOS, AT KAPAG TINATANONG KO KUNG NANINIWALA BA SILA SA TRADITON,
KAGAYA NG PANINIWALA KO NA ISANG KATOLIKO, ANG SAGOT KAAGAD AY HINDI.
BABASAHAN KA KAAGAD NG SITAS SA BIBLE NA BAWAL IYAN DAHIL IYAN AY UTOS NG TAO AT HINDI SA DIOS NA ITOY HINDI MABABASA SA BIBLE.
AT KAPAG-SINABI KO NA MAY ROON AKONG HINDI NAUNAWAAN SA BIBLE
NA GUSTO KUNG ITANONG SA KANILA, ANG LAKI-KAAGAD NG NGITI SABAY
SABI "MAGANDA IYAN KAPATID, DAPAT TALAGA IYAN PARA MALAMAN NATIN
ANG TOTOO".
DITO SASABIHIN KO NA, NA NAPAG-ARALAN KO SA
KABABASA NG BIBLIYA, NA ANG JACOB SA MAT. 1:16 AT ANG HELI SA LUC.
3:23 AY MAGKA-IBANG TAO, PERO BAKIT PARIHO SILANG NAGING AMA NI JOSE NA ASAWA NI MARIA NA INA NI JESUS?
SABAY SILA TINGIN SA BIBLIYA NILA, BASA, TAPOS MAGPAPA-ALAM NA
AT PAGBALIK NA RAW NILA IPALIWANAG NG HUSTO. TAPOS NI ISA SA
KANILA, HINDI NA BABALIK.
BAKIT PO GANOON ? KASI PO, ANG
SIMBAHAN LNG NA KATOLIKO ANG NAKAKASAGOT NG TAMA NITO.. AT ITO AY
MASASAGOT LANG KUNG PAG-AARALAN MO ANG TRADITIONG KATOLIKO..
GANITO PO IYON, ANG HULA PO AY MANG-GAGALING ANG KRISTO SA LAHI NI
DAVID.
KAYA, ANG NAGING SALAYSAY NI MATEO, SA PINANG-MULAN NI KRISTO AY MULA KAY DAVID SA ANAK NIYANG SI SOLOMON, SA ASAWA NIYANG SI
BATSEBA, NA DATI ASAWA NG KANGYANG SUNDALO, NA SINADYA NIYANG
MAMATAY SA DIGMAAN.. (12 SAM.11:14,24-27 )
GANITO ANG KAY
MATEO, MULA KAY DAVID, SA ANAK NIYANG SI SOLOMON, MAT. 1:6 HANGGANG
KAY JACOB NA AMA NI JOSE, NA NAGING AMA NI JESUS MAT. 1:16..
GANITO NAMAN ANG KAY LUKAS, LUKAS 3:23 - MULA NAMAN KAY HESUS, NA
ANG AMA AY SI JOSE AT ANG AMA NI JOSE AY SI HELI, PAPUNTA
NAMAN KAY NATAN NA ANAK RIN NI DAVID KAY BATSEBA AT KAPATID NI SOLOMON, LUKAS 3:32-33..
DITO, MALIWANAG NA ANG JACOB, AT HELI AY HINDI IISANG TAO. NA NATURINGANG PARIHONG AMA NI JOSE SA BIBLIYA..
SI JACOB AY MULA SA LAHI NI DAVID SA ANAK NIYANG SI SOLOMON KAY BATSEBA..
GAYONG SI HELI O ELI, AY MULA NAMAN KAY NATAN NA KAPATID NI SALOMON
NA ANAK PA RIN NI DAVID KAY BATSEBA.. 1 CRO. 3:5..
AT SA TRADITON NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG HELI O ELI ( SILENT H ) AY
MULA RIN SA PANGALANG ELIAKIM O JOAKIM O JOACHIM NA SIYANG ASAWA NI
ANA NA AMA NI MARIA NA INA NI KRISTO.
NA ANG ELI O
ELIAKIM O JOAKIM AY ISANG PANGALAN NA MAY KARUGTUNGAN SA DIOS.
AT ITOY IISANG TAO LNG, NA SIYANG AMA NI BIRHEN MARIA..
AT DAHIL ANG UGALI NG MGA HUDIYO SA PAGTATALI NG KANILANG MGA
LAHI MULA SA KANILANG KA-NONONOAN, AY PAWANG SA PANGALAN LNG NG
MGA PANGANAY NA LALAKI O PINAKA MALAPIT NA LAHI NA LALAKI. NUM.
26:33 / 27:4-7 .
SI ABSALON NA HINDI NAGKAKA-ANAK AY
SA HALIGI NA LNG NGTEMPLO NIYA ISINULAT ANG KANYANG PANGALAN
UPANG HINDI MAKALIMUTAN. 2 SAM. 18:18..
KAYA SA LAHI NI
MARIA ANG MATATALI AY ANG KANYANG AMA NA SI HELI O ELI, NA
LALABAS PO NA BYENAN NA LALAKI NI JOSE, NA KUNG TAWAGIN AY AMA
PA RIN NI JOSE DAHIL ITO NGA ANG AMA NI BIRHEN MARIA.
KAYA, LALABAS PO RITO NA SI JESUS, KAHIT HINDI TOTOONG ANAK SA
LAMAN NI JOSE, SA LINYA NI SOLOMON KAY DAVID, PERO, LAHI PA RIN NI
DAVID SA LAMAN SA LINYA NI MARIA NA MULA PA RIN SA LAHI NI
DAVID MULA SA ANAK NA SI NATAN...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento