Linggo, Nobyembre 24, 2013

NAGSISI BA ANG DIOS ?


Boy Gador

Gen. 6:6 - nagsisi ang Dios kung bakit niya ginawa ang tao at inilagay sa mundo..

1 Sam. 15:11 - nagsisi ako kung bakit ginawa kung Hari si Saul, gayung siya'y tumalikod sa Akin...

Ang mga sitas na ito sa bilbiya ang naging basihan ng mga Atista (ATHEIST)
kung kaya nila nasabi na ang Dios ay bobo. at isa rin sa mga dahilan na hindi nila matatanggap ang pagkakaroon ng Dios na nagsisi, dahil ang pagsisisi ay mai-turing na isang pagkakamali at ang pagkaka-mali ay kagagawan lng ng isang bobo..

Sa isang sulyap, parang ang katuwirang nilang ito ay tama. Kung siya nga ay Dios, bakit naman kailangan pang Siya'y magkamali, upang ipakita naman sa bandang huli na pinagsisihan Niya ang nagawang ito?

Isa sa mga Agnostiko (isang uri rin ng tao na hindi naniniwala na may 
Dios) na nakaka-usap ko, ay tinanong ko.

Kung ang isang tao na nagtapos ng summa cum laude sa isang kolihyo at naging top-notcher sa bar examination, ay minsang nagsisi sa mga nagawa nito, ito bay nangangahulugan na siya ay bobo?

Ang naging sagot niya ay ganito:"hindi ako tsismosong tao, at wala akong paki-alam sa buhay ng ibang tao. Ang tungkol sa Dios niyo ang pinag-uusapan natin dito."

Hindi ko alam kung umiwas lng siya sa tanong ko, o talagang ayaw lng niyang sagutin ng maayos ang tanong ko, sa dahilang, pag-itoy sinagot niya, mapapahiya siya sa kanyang-tinuran na ang pagsisi ay sapat ng dahilan sa kabobohan.

Ngayon, nagsisi nga ba ang Dios, dahil sa mga sitas na ito Gen,6:6 / 1Sam. 15:11 ?

Dapat nating tandaan na ang Dios ang nagbibigay ng batas para sa tao.

At ang Dios kailan man ay hindi napasasa-ilalim ng ano mang batas ng tao
na Siya (Dios) rin mismong gumgawa nito..

At ang Dios ay walang sinusunod na batas, dahil walang sino-mang makapagbibigay sa kanya ng batas..

Ang paghuhugasga ay nag-mumula sa mga batas na binibgay ng Dios sa tao.

At ang pag-iisip ng Dios ay hindi tulad sa pag-iisip ng tao, Isa. 55:8..

Pero bakit nga nababasa na ang Dios ay nagsisi?

Minsan sinabi ng mga kritiko ni NOYNOY the elected President of the Philippines
Republic ;

" nag-back-out siya ng interbyuhin siya ng CNN reporter, kasi nag papa-press-con pa, hindi naman handa o ayan nagsisi tuloy " 

Dahil sa komentaryong ito, naglalabasan na sa facebook ang ibat-ibang komentaryo sa pag-back-out ni NOYNOY at sa pagsisisi nito kung bakit nagpatawag pa ng press-con.

Ang tanong, totoo nga bang nagsisi si NOYNOY ? Sinabi ba ni NOYNOY na nagsisi siya ? Narinig ba nila mula sa bibig ni NOYNOY na nagsisi siya ?

Iyonn ang tinatawag na ANTHROPOMORPHISM, na ang sarili mong tingin o pananaw sa nararamdaman ng isang tao, ay ipinahid mo sa kanya sa iyong panulat, kahit di mo talaga batid ang tunay niyang niloloob sa pagkakataong iyon...

Sa Gen. 6:6 / 1 Sam. 15:11 - hindi batid ng tag-sulat kung ano talaga ang nararamdaman ng Dios, at walang pinaka-angkop na maiisusulat sa damdamin ng Dios sa pagkakataong iyon kundi ang salitang pagsisisi..

Gustong, palabasin ng tagsulat ang damdamin ng Dios sa pagkakataong iyon, ngunit siya ay tao lng, at ang damdamin na gusto niyang ihayag ay sa Dios, kaya kahit ano mang-pag-iisip na gawin ng tao sa kanyang panulat sa pagkakataong iyon ang pinakamalapit na salita na pwede niyang ilapat ayon sa kanyang naramdaman (bilang tao) ay ang salitang pagsisisi.

Ngunit, kailan man ay hindi niya naririnig na may pagsisisi ang Dios...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento