Linggo, Nobyembre 24, 2013

MAGTANONG KAY BOY GADOR ; BIBLIYA ANG SASAGOT SA IYO :

Tanong; sa bible sinasabi  na  ang mangyayari  na  milagro kay  kristo ayon sa kanyang  pagkabuhay  ay  tulad  ng  kay  Jonas ; na  tatlong  gabi  at  tatlong  araw  sa  ilalim  sa  tiyan  ng  isda ; at  gayon din naman kay  Kristo ; tatlong  araw at  tatlong  gabi  rin  sa  pusod ( ilalim ) ng  lupa. Kaya kung  si  kristo  ay  namatay  ng  alas 3:00 ng  hapon sa  araw ng  biernes, at  nilibing  rin ng  hapon  na  iyon, at  nabuhay  ng  madaling  araw  ng  linggo, itoy hindi  po  akma sa  pagkakasabi  niya sa Matt 12:40 ?

Sagot : Ang katanongang  ito ay madalas nating  maririnig sa  mga kapatid natin  na protestante. at  naging  isang basihan nila  na  ang  turo at  practice  na ginagawa  ng  Katoliko ay sala sa biliya..

Bago  natin tuluyang ipaliwanag ang  tamang  kasagutan, mas  mai-nam  siguro  kung tingnan  natin ang  ibat-ibang  sitas  sa  bibliya  na  may  kinalaman  dito.(tungkol  sa  pagkamatay at  pagkabuhay ng  Panginoong  Hesus )

1-  Mat. 12:40 - Tatlong  araw at  tatlong  gabi  si  Jonas  sa loob  ng  tiyan  ng isda; gayon  din  Ako tatlong  araw at talong gabi  sa pusod ng  lupa;

Dito malinaw  ang  pagkakasabi  ng  tatlong  araw at  tatlong  gabi..

2-Matt 16:4 - " Humanap ng tanda ang  masasama  at  taksil  na  tao  sa  panahong ito, subalit walang  tandang ibibigay sa  kanila  maliban  sa tanda ni  Jonas." Umalis si Jesus at iniwan sila.

Pansinin natin na  sa pagkakataong  ito wala  na  ang  salitang  tatlong  araw at  tatlong  gabi, kundi  ang  pagkakasabi,  ay  ang  tanda  lang  ni  Jonas. Gayong  pariho  lang  naman na  si  Mateo  ang  may  sulat  nito..

3- John 2:19 - Sumagot  si Jesus," Wasakin  niyo ang templong  ito at itatayo ko sa loob  ng tatlong araw."

Pansinin  po natin, na  dito ang  salita  po  mismo  ng  panginoon ay "itatayo niya  muli  sa loob  ng  tatlong  araw " ( within  three  days ) at  ito  ay  may  kinalaman parin  ang  tungkol  sa  kanyang kamatayan  at  ng  kangyang  pagkabuhay muli.. ngunit  wala  na  ang  halimbawa ng  kay Jonas.

Kung bakit nabanggit  ni  Jesus ang  tungkol sa milagro  na  nangyayari  kay  Jonas  iyon  po  ang  dapat  nating  pag-aralan..

4- Luc. 11:29-32 - Nang nagsiksikan ang mga tao, sa paligid Niya, sinabi ni Jesus, "Masama ang mga taong nabubuay sa panahong ito.Humanap sila ng milagro, subalit walang tandang ibibigay sa kanila kundi ang tanda  ni Propeta Jonas.

30-Kung paanong naging tanda si Jonas sa  mga  taga ninive, gayon  din  Akong  Anak  ng tao sa mga nabubuhay sa panahong ito.

31- Sa araw ng Paghukom, magbabangon  ang Reyna  ng timog at hahatulan  niya ang  mga taong ito.Sapagkat naglakbay siya  ng malayo upang makinig sa karunungan ni  Solomon. Subalit ang  Narito  ngayon ay higit na dakila kaysa kay Solomon.

32- Maging ang taga- ninive ay hahatol sa  mga taong  ito,sapagkat nagsisi sila ng pangaralan sila ni Jonas;samantalang Narito ngayon  ang Isang higit na dakila kay Jonas.

Dito maliwanag na  maintindihan natin kung  bakit nasabi  ni  Jesus ang  halimbawa tungkol kay Jonas.  Na si Jonas ay isang halimbawa sa ninive para sa kanilang pagsisi.. na  kung  gaano  nagsisi  ang ninive  dahil  kay  Jonas, ay dapat gayon  rin ang gagawin  ng mga tao sa panahong yaon sa  pangangaral ni Kristo. Dito ang dapat na pagtuonan ng pansin ay ang magka-parihong  pakay at dahilan ng  dalawang tao  na  kapuwa sugo at pinadala ng  Dios. At walang kinalaman ang tungkol sa tatlong  araw at tatlong  gabi, sa sitas na ito binaggit rin ni Jesus ang tungkol sa karunongan ni  Solomon na  dinayo  pa  ng  Reyna para  mapakinggan. At sinabi Niya, na Siya  ay mas dakila  at higit pa kay Solomon,. na  mas-higit pa sanang paniwalaan kumpara kay Solomon, na wala pa ring kinalaman sa  tatlong  araw at tatlong  gabi..

Ang tawag sa paghahalintulad na gaya nito ay "parallelism "na ang gawain at pakay nina Jonas at Kristo
ay  halos magkapariho..

Nagkataon lang, na  ng sulatin  ni Mateo ang  paghahalintulad  nina Jesus at Jonas ay  detalyado ang pagkakasulat niya  sa  mga pangyayari na  naganap  kay Jonas ng  una  niyang ihayag  ito. ( Mat. 12:40 )

Pero sa ikalawang  sulat  niya (Mateo) ay  hindi  na, Mat. 16:4..  at iyon lang ang  pakay  ng  Panginoong  Hesus. Ang mapansin ang parihong pakay ni Jonas at ni Kristo.

At gaya ng  sinabi  ni Jesus, siya  ay mabubuhay  sa  loob  ng tatlong  araw, John 2:19, ( within three days ) namatay  siya  ng  biernes at nalibing din  sa  araw  na  iyon, nakapaloob  na  ng  araw  ng biernes, sinundan ng  sabado  na  araw  ng  pahinga  ng  mg Hudiyo kaya  hindi  sila  pweding  dumalaw, nakapaloob na rin sa  araw  ng  sabado, at  nabuhay  ng linggo nakapaloob  na  rin  sa  araw  ng linngo.. (within three days )

At  kahit  sino  mang  matinong tao ang magkaroon  ng  computation upang  buohin  ang tatlong  araw  at tatlong  gabi, kahit pag-sunod-sunorin  pa  nila ang  dalawang  araw ng pahinga, ay  lalabas  na  makakadalaw  ang  mga  babae  at  apostoles kay  Jesus sa araw  na  hindi pa  siya  nabubuhay.

Dahil  si  Jesus ay namatay  sa ika-3:00  ng  hapon  at  nalibing  rin  sa  araw  na  iyon. kaya kung  siya  man  ay  mabubuhay,  na kailangang  buohin ang kompletong, tatlong  araw at  tatlong  gabi, lalabas  na  siya ay  mabubuhay  sa  pagitan  ng  alas 3:00 hanggang  alas 6:00 ng  hapon, bago  mabuo ang tatlong  araw at  tatlong  gabi at maliwanag na  sila ( mga apostoles )  ay  magkaka-roon  pa ng  dalaw  sa Kanyang libing sa panahong  hindi pa nabubuhay  ang  Kristo..Ngunit  hindi  nagyayari ang ganito..

Iyan po  ang  sagot  ko...




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento