Juan Carlo'sJuan Carlo's
Si Cristo po ba tao o Diyos?
pakisagot mga kaibigan naming katoliko:
Sagot: Pareho, Siya'y tao at Siya rin ay Dios.
Sa pagiging tao, hindi ko na ipaliwanag, dahil alam ko naman na naniniwala na kayo rito. Kaya sa pagiging Dios, na lang ang ipaliwanag ko, OK lng siguro iyon..
Unahin ko ang sinabing ito ni Kristo, "Kung Ako lamang ang sumasaksi sa
aking sarili, hindi matimbang ang Aking sinasabi. Subalit may ibang suma-saksi tungkol sa Akin, at totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa Akin."(John 5:31-32)
Ngayon sa puntong ito aalamin natin ang mga pagsaksi ng mga propeta at ng Amang Dios tungkol sa Kanyang Anak na si Hesus Kristo.
Unahin ko itong pagsaksi ni Pablo," hindi nagbabago si Jesu-Kristo-kahapon, ngayon, at magpakailan man. Heb.13:8..
Samakatuwid baga, kung ano si Kristo noon, ay ganoon rin siya ngayon at maging magpakailan man, di ba? maliwanag naman po ang pagkakasabi ni Pablo riyan.
Kaya hindi po mangyayaring si Kristo ay ang plano ng Dios, o si Kristo ay ang plano
lang ng Dios na gawing tao. Iyong plano na magkatawan siyang tao tama po iyon.
Ito basahin niyo, 1 Juan 4:1-2 Mga minamahal,huwag kayong maniniwala sa lahat ng espiritu. Subukin muna niyo sila, para malaman niyo kung sa Dios nga sila galing. Sapagkat maraming palsong propetang nagkalat sa mundo. 2-Sa ganito ninyo makikilal ang Espiritu ng Dios; bawat espiritung nagsasabing si Hesu-Kristo ay naparito sa katawang tao, ay mula sa Dios.
Gal.4:4-Subalit ng dumating ang takdang panahon, Pinaparito ng Dios ang Kangyang anak.Ipinanganak Siya ng isang babae at isinilang na sakop ng Kautusan. ( Jn.1;1-4,14 )
Dahil kung aayunan natin na si Kristo ay wala pa dati (iyong pagiging siya, bago naging tao ) at siya ay plano lang ng Dios na isinakatuparan pag-dating ng panahon, lalabas po, na ang plano noon, ay plano pa rin ngayon, na siyang plno noon at mananatiling plano parin hanggang ngayon, iyan ay kung ang pag-babasihan natin ang pagkakasabi ni pablo sa Heb.13:8.. na si Kristo ay ganon pa rin noon ngayon, at mag-pakailaman.
Dapat po nating pansinin ang salitang "pinaparito Niya ang Kanyang Anak" (kaisa-isang
Anak, ( Juan 3:16)
Samakatuwid po, nariyan na po ang Kristo at ito nga ay ang Kanyang kaisa-isang Anak. At ito nga ang binabalak Niyang papuntahin sa lupa sa katawang tao naman sa pagkakataong ito.
Isa pang patunay, 1 Tim.3:16-Hindi mapasubalian na malaki ang hiwaga ng ating pananampalataya: naparito Siya (Kristo) sa anyong tao....
Dito maliwanag po diyan sa salitang SIYA o naparito SIYA samakatuwid baga nariyan na SIYA at pumunta lang sa atin sa anyong tao..
Ito po ay pinanatutunayan mismo ni Kristo, ganito po ang sinabi niya,"Kaya't luwalhatiin Mo Ako ngayon ng Iyong sarili, Ama-sa kaluwalhatiang taglay ko sa iyong piling bago pa man nilalang ang Daigdig.(Juan 17:5)
Malinaw po sa pagkakasabi ni Kristo rito na kasama na Siya ng Ama, bago pa man nilalang ang daigdig.
Dito, malalaman na po natin, kung sino ang kinakausap ng Ama bago pa Niya lalangin ang tao. (Gen. 1:26) Dahil hindi naman po lohikong, sabihin natin na kinakausap ng Dios ang Kanyang plano. Samakatuwid baga, kausap ng Ama ang Kanyang Anak na si Kristo, dahil kasama na Niya ito lagi,sa panahon ng Kanyang paglalang.
Iba pang patunay na ang Kristo ay nariyan na, bago siya naging tao.
1 Cor.10:3-4-Lahat sila'y nakalasap ng pagkain at inumin na mula sa Dios, Sapagkat uminum sila sa Batong Espiritwal na sumusubaybay sa kanila, at ang Batong iyon ay si Kristo.Iyon po ang bato na kasama ng mga Hudiyo ng sila ay umalis mula sa Ehipto.
Ngayon po, tingnan naman natin ang katayuan ni Kristo bago siya naging tao.
Ito naman po ang ginawang pagskasi sa kanya ni propeta isaias,"Lalo pa silang matutuwa, dahil ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin Siyang,
Kahanga-hangang taga-pagpayo;
Makapangyarihang Dios;
Walang hanggang Ama;
at Prinsipe ng kapayapaan. ISA.9:6 (ANG SALITA NG DIOS BIBLIYA)
Dito maliwanag po na isa sa turing ni Isaias sa mga katangian (adjective) ni Kristo ay ang pagiging Dios Niya..
Nakikita na po natin ang pagsaksi ni Pablo at ni Isaias, kung ano nga si Kristo bago pa siya naging tao, ngayon dito naman po tayo sa pagsaksi ng Ama tungkol sa Kanyang Anak.
Heb. 1:6-8...
6-Subalit nang dalhin ng Dios ang Kanyang Panganay sa mundo,sinabi niya; Kailangang sambahin siya ng lahat ng anghel ng Dios!
7-Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:Ginawa niyang hangin ang Kanyang mga anghel at ningas ng apoy ang kanyang mga utusan,
8-Subalit tungkol sa Anak ay ito ang sinasabi ng Dios: Ang Iyong trono, o Dios, ay mamamalagi mag-pakailan man! Ang setro ng Iyong kaharian ay setro ng kabanalan.
Ang madalas po na katuwiran ng mga Iglesya ni Kristo (yaong itinatag ni Manalo) na ito raw ay paturing sa Ama na ito raw ay ang trono ng Ama at ang Ama raw po rito ang tinuturing na Dios sa talatang ito.
Mali po iyon, iyan po ay isang panglilinglang: Dahil kung ito ay paturing sa Ama dapat po ang sasabihin Niya ay ganito "ang Aking trono, hindi ang Iyong trono, di ba? At dapat, at bigyan rin ng pansin ang salitang "Subalit tungkol sa Anak, ay ito ang sinabi ng Dios" samakatuwid lahat ng sasabihin ng Ama ay patungkol sa Anak Niya at hindi para sa sarili Niya (Ama)
Isa pa pong dapat bigyan ng pansin ay ang salitang,"ang setro ng iyong kaharian" ibig pong sabihin na ang Kristo po ay pinaghahari ng Ama kaya maliwanag na si Kristo man ay may trono rin bilang isang hari. dahil kung ito'y paturing naman tungkol sa Ama gaya ng kanilang (INCM) paliwanag, dapat po ito ang sasabihin ng Ama," ang setro ng Aking kaharian, hindi ang salitang Iyong kaharian.
Kaya malinaw na malinaw po rito na ang Ama ang nagpakilalang Dios ang kaisa-isa niyang Anak na si Kristo.
Ngayon, may mababasa ba sa bibliya na sinasabi ni Kristo na Siya ay Dios?
May roon po:
uunahin ko muna ang talatang ito, Juan 4:13-Sumagot si Jesus,"Ang umiinom sa tubig na ito ay muling mauuhaw,14-Subalit ang iinom ng tubig na ibibigay Ko ay hindi na muling mauuhaw.Ang tubig na ibibigay Ko sa kanya ay maiging isang bukal sa loob niya at patuloy na bubukal magpakailanman.
Paghahayag 22:12-Masdan niyo malapit na Akong dumating,at dala Ko ang Aking gantimpala upang bigyan ang bawat isa ayon sa kanyang mga ginagawa. 13-Ako ang ALPHA at ang OMEGA ang una at huli ang pasimula at ang wakas.
Paghahayag 21:6-Natapos na! Ako ang ALPHA at ang OMEGA ,ang pasimula at wakas.Bibigyan Ko ng walang bayad na tubig ang nauuhaw, mula sa bukal na tubig.7-ang magtagumpay ay magmamana ng mga ito. Ako ang magiging Dios niya at siya'y magiging anak Ko.
Dito maliwanag po ang pagkaka-sabi ni Kristo sa Juan 4:12-13 na magmumula sa Kanya ang bukal ng tubig na ibibigay Niya sa atin,( Paghahayag 21:6-7) at maliwanag po ang sinasabi niya sa dalawang talata na Siya ang ALPHA at ang OMEGA ( Pag. 22:12-13 ?/ pag. 21:6-7) at dito, dahil naroroon na Siya sa kaluwalhatian ay malinaw na sinasabi at inaamin Niya na Siya man ay Dios. ( Rev..21:7)
Marami pa pong mga texto sa Bibliya na nagsasabing si Kristo ay Dios:
1 juan 5: 20 / Tito 2:13 / Juan 1:18 MBB ito ang iba pang mga texto sa bibliya at marami pa,na magpapatunay na si Kristo ay Dios bukod sa Siya ay tao rin.
Ngayon sa mga maraming kinakatuwiran nila na maaring dumadami na ang Dios, ito po ang masasabi ko, kaming mga katoliko ay naniniwala sa lahat ng kapadayagan ng Dios dito sa bibliya at tradition, Pag sinabing isa lang ang Dios ,eh, di isa lang at iyon ay amin ring pinaniniwalaan, pag-sinabing ang Dios ay Espiritu, naniniwala kaagad kami, eh, d' ang Espiritu nga ay Dios, pag-hinahayag na si Kristo ay Dios, naniniwala rin Kami.. hindi kami nakikipag-ergo sa Dios.. Pag sinabi ni Kristo na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nariyan sa Kanya, eh.. d' ganoon.. Pag-sinabing ang Ama at ako ay iisa, naniniwala rin kami ,kahit parang mahirap dahil lalabas nga na dalawa na Sila. Ngayon,Pag sinabing " for there are three that bear records in heaven, the FATHER,the SON, and the HOLY ESPIRIT and this three are ONE, 1 John 5:7-8 KJV, naniniwala rin kami, dahil kaming mga katoliko ay hindi nakikialam kung ano man ang mathemathical equation ng Dios.
At kung sabihin ng Ama na ay magkatawan- tao, mamatay, kumain, nagdasal at kung ano-ano pa para sa ikaliligtas nating mga tao, nag-papasalamat kami sa Dios pero hindi namin kinukwestion ang kagustuhan ng Dios..

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento