Lunes, Abril 7, 2014

NAGPAPAKO SA KRUS?

5 mins ·
Iyan bang pagpapasan ng Krus, na ginagawa ng mga katoliko sa daan at ang pagpapapako nila sa krus ay turo ng simbahan?
Sagot : Hindi po. iyan ay dinidis-courage ng simbahan, dahil ang simbahang katoliko ay nagtuturo na minsan lang itong ginagawa ni Kristo at ito ay para sa kaligtasan ng sanglibutan. At ito ito ay hindi magagawa ng sino mang tao sa mundong ito magpa-kailan man. at iyon ay natatapos na, na hindi pweding ulitin pa ng sino man.
Dahil ang ibig sabihin po niyan kung ito ay gagawin mo rin tulad ng ginagawa ni Kristo, ibig sabihin po na kaya mo ring gawin ang ginagawa ni Kristo, kalokuhan po ang pag-iisip na iyan.
Ang toto po niyan iyong mga iba niyan ay may mga dati ng butas sa kamay at paa na doon na rin idadaan ang pako kapag silay ipinapako na.
at ginagawa na nilang hanap buhay tuwing mahal na araw para doon sa mga taong may taimtim na pananampalaya, patawarin sana sila ng Dios.
Pero iyong iba naman kahit hindi ito pinapayagan ng simbahan ay nagkakaroon parin ng ganitong panata sa dahilang gusto rin nilang makiki-apid o makikibahagi kahit raw na kaunti sa mga paghihirap ng Panginoon sa araw na ito, para na rin sa kapatawaran ng kanilang kasalanan.
Which is wrong, dahil ang ginagawa ng Pnginoong Hesus ay kompleto na po. at hindi na nangangailangan pa ng ibang tampo o karagdagan.
Na ang dapat nating gawin sa panahong ito ay ang taimtim na pagsisisi, at ang taos pusong pagbabalik loob sa Dios at ang humingi ng kanyang panalangin at kapatawaran.
Kung gaano natin sinasariwa ang Edsa Revolution, Independence day ay
gayon din naman kung gaano natin sinasariwa ang ginagawang pagligtas ni Kristo sa sanglibutan. kaya hindi maiiwasang masaksihan natin ang mga kaganapan na nangyayari sa Kanya (Kristo) noong kangyang kapanahunan.
Kaya, kung may makikita man tayong ganitong kaganapan,( mga taong nagpipinitensiya sa araw na ito ) iyan ay nasa puso na ng  bawat isa kung ano ang kahulugan nito sa kanilang puso,  Diyan, Dios lng ang nakakaalam.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento