Tanong : Ayon sa Rev. 22:18- Binabalaan ko ang lahat na nakarinig sa hula sa aklat na ito; ang magdagdag ng anuman sa nakasulat dito ay bibigyan ng Dios ng salot na nakasulat dito. 19- At ang magbabawas ng anuman sa mga hulang ito ay aalisan ng Dios ng kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na siudad na binabanggit dito. Gayon din naman sa iba pang aklat ng bibliya tulad halimbawa sa Deut.4:2-'wag niyong dagdagan at babawasan ang mga utos na ibinigay ko sa inyo, mula sa Panginoon na inyong Dios, at ito ay susundin niyo.. Mababasa rin po natin sa Isaias 34:16-Tingnan niyo sa aklat ng Panginoon at basahin,wala ni isa man sa mga sinasabi ang hindi matutupad.walang mawawala ni isa man sa mga hayop na iyon,sa pagkat iyan ang ipinasya ng Panginoon at siya mismo ang magtitipon sa kanila.Pero bakit kayong mga katoliko ay napakarami ang mga turo at sinusunod na traditon na pawang hindi mababasa o nakasulat sa bibliya ???
SAGOT : Iyong Isaias 34:16- ay wag nating isipin na iyon yung bibliya, o ang kabuohan ng bibliya na gamit natin sa ngayon.. Una, nangbanggitin ni Isaias na patitingnan ang librong iyon, at aalamin roon ang katotohanan,ukol sa kabuhatan at kautusan ng Dios, ibig pong sabihin ay naroon na iyong librong iyon tapos ng sulatin.
At iyon ay nasa humigit kumulang 800 years bago pa isinilang si Kristo. at ang mga pangyayari,milagro, aral ni Kristo at ang mga gawa ng mga apostoles, ay hindi mo pa mababasa roon, dahil sa panahon na iyon ay hindi pa gawa ang bibliya, dahil ang bibliya ay nabuo lng sa mga taong 405 AD. ( sa pamamagitan ng katoliko )
Kaya, siguro maitatanong niyo ano bang libro ang tinutukoy nito?
Alalahanin niyo na sinasabi riyan sa Isa. 34:16 ay tingnan sa librong iyon ang mga ginagawa ng Dios na maliwanag na sinasabi niya na walang hindi natutupad, sa malinaw na salita, kapagnabasa mo na iyon, malalaman mo ang mga katuparan, ng mga ginagawa ng Dios na nakasulat na sa librong iyon.
At ang sinasabi ng Dios riyan na walang isa man ang mawawala at hindi mawawalan ng kapares ay hindi ang kapares ng libro kundi ang bawat kapares ng mga hayop.. dahil hindi naman siguro magandang isipin na ang bawat libro ng Dios ay may mga kapares pa, o nanganga-ilangan pa ng kapares, dahil hindi naman manganganak ang libro. subukan niyo pong basahin ang mga talatang nauna sa 16 para lubusan po niyong maintindihan..
At ang libro po na iyan na tinutukoy ng Dios ay libro po ng Genesis.. na tinutupad ng Dios ang lunop at ng utusan niya si Noe na ikarga ang lahat ng hayop na may kanyakanya pares, at ang mga pars nga nito at talaga naman hindi mawawala dahil ang Dios mismo ang may gusto at nagpapatipon nito sa kanila. (Gen.7:1-4 iyan po ang isa sa mga halimbawa ).
Dahil kung pag-uusapan natin ang tungkol sa libro ng Dios wala po sa atin iyan, iyan ay libro Niya at hindi atin kaya naroon lng sa Kanya iyon, ito basahin niyo Rev.21:27 dito maliwanag na sinasabi ng Panginoon na ang mapupunta roon sa langit ay yaong nakasulat lng sa libro ng Panginoon. at iyon ay wala sa atin, ang librong iyon ay nasa Dios lng, na nasusulatan ng mga pangalan ng mga taong siyang dapat lng na naroron..
At kahit kailan ay wag niyong isipin na ang bibliya ay libro ng Dios na siyang napapalooban ng buong katotohanan at mga kautusan ng Dios.
Alam niyo ba na minsan lng sumulat ang Panginoong Hesus ? ( Juan 8:6-8 ) ngunit kaano man ka importante ang sinulat niyang iyon, pero ito ay hindi mo mababasa sa bilbiya ?
Ang bibliya po ay napapalooban ng mga aral at salita ng Dios, ngunit mali po kung ito ay ituturing natin na libro ng Dios, dahil sa bibliya ay naroroon rin ang mga aral ni satanas, ang mga salita ng mga taong mapang linglang, anopat naroroon rin sa bibliya ang lahat na aral na mabuti at aral ng masasama.
Dahil para po sa akin ang libro ng Dios ay napakabanal, baka hindi nga po natin kayang tingnan o hipoin man lang. na hindi ito nasusulatan ng mga kasamaan tulad ng mga kasamang nakasulat rin sa bibliya..
Ang bibliya po ay isang libro na napapalooban ng salita at pangaral at ng ibang pinaplano ng Dios..
Tungkol naman sa Rev. 22:18-19- ito po ang sagot ko, wala pong katoliko na nagdagdag riyan, dahil kung may bibliya ang katoliko na ang revelation ay umabot ng 23 chapter ah..iyan ang dinadagdagan na namin, o kaya 21 chater na lng,pero wala naman ah.. ang bible namin ay tama lng ang mga bersikulo at chapter, walang nadagdag o walang binabawas. ganoon rin Deut 4:2- iyong sampong utos ng Dios nanatiling sampo pa rin hanggang ngayon, hindi nama nagging siyam na lang o kaya nagging 11.. iyan po ang sagot namin..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento