Miyerkules, Nobyembre 27, 2013

SINO SI JACOB ? SINO SI HELI ?

21 seconds ago near Dipolog City ·
  • TANONG : BRO BOY, ANG JACOB BA SA MAT. 1:16 AT ANG HELI NAMAN SA LUC. 3:23 - NA PARIHONG AMA NI JOSE AY IISANG TAO ?

    SAGOT : ANG TANONG NA ITO ANG ISA SA MGA DAHILAN KUNG BAKIT AKO NARIRITO PA RIN SA PANINIWALANG KATOLIKO.

    KUNG MAPAPANSIN NIYO, SA MGA PROGRAMA NG ADD, SA MGA PAGSASAGOT NI SORIANO TUNGKOL SA ISYU NG TRADITION, MAKIKITA MONG, ANG MGA SITAS AT PALIWANAG NIYA AY PARANG KAPANIPANIWALA, NA ANG TRADITION AY NAISULAT NA NGA LAHAT SA BIBLIYA.

    SIGURO NGAYON MADALI NA PARA SA INYO ANG IHANAP NG KASAGUTAN ANG TANONG NA ITO, SA INTERNET.

    PERO SA KAPANAHUNAN KO, ( DAHIL KAMAKAILAN PA LNG NAMAN ITONG INTERNET ) LAHAT NG PASTOR AT MINISTRO AY TUMATAKBO AT HINDI NA BUMABALIK PAG-TINATANONG KO ANG TUNGKOL DITO..

    DAHIL SA TUWING, UMAAKYAT SILA SA AMIN, AT MANGARAL RAW NG SALITA NG DIOS, AT KAPAG TINATANONG KO KUNG NANINIWALA BA SILA SA TRADITON, KAGAYA NG PANINIWALA KO NA ISANG KATOLIKO, ANG SAGOT KAAGAD AY HINDI.

    BABASAHAN KA KAAGAD NG SITAS SA BIBLE NA BAWAL IYAN DAHIL IYAN AY UTOS NG TAO AT HINDI SA DIOS NA ITOY HINDI MABABASA SA BIBLE.

    AT KAPAG-SINABI KO NA MAY ROON AKONG HINDI NAUNAWAAN SA BIBLE NA GUSTO KUNG ITANONG SA KANILA, ANG LAKI-KAAGAD NG NGITI SABAY SABI "MAGANDA IYAN KAPATID, DAPAT TALAGA IYAN PARA MALAMAN NATIN ANG TOTOO".

     DITO SASABIHIN KO NA, NA NAPAG-ARALAN KO SA KABABASA NG BIBLIYA, NA ANG JACOB SA MAT. 1:16 AT ANG HELI SA LUC. 3:23 AY MAGKA-IBANG TAO, PERO BAKIT PARIHO SILANG NAGING AMA NI JOSE NA ASAWA NI MARIA NA INA NI JESUS?

    SABAY SILA TINGIN SA BIBLIYA NILA, BASA, TAPOS MAGPAPA-ALAM NA AT PAGBALIK NA RAW NILA IPALIWANAG NG HUSTO. TAPOS NI ISA SA KANILA, HINDI NA BABALIK.

    BAKIT PO GANOON ? KASI PO, ANG SIMBAHAN LNG NA KATOLIKO ANG NAKAKASAGOT NG TAMA NITO.. AT ITO AY MASASAGOT LANG KUNG PAG-AARALAN MO ANG TRADITIONG KATOLIKO..

    GANITO PO IYON, ANG HULA PO AY MANG-GAGALING ANG KRISTO SA LAHI NI
    DAVID.

    KAYA, ANG NAGING SALAYSAY NI MATEO, SA PINANG-MULAN NI KRISTO AY MULA KAY DAVID SA ANAK NIYANG SI SOLOMON, SA ASAWA NIYANG SI BATSEBA, NA DATI ASAWA NG KANGYANG SUNDALO, NA SINADYA NIYANG MAMATAY SA DIGMAAN.. (12 SAM.11:14,24-27 )

    GANITO ANG KAY MATEO, MULA KAY DAVID, SA ANAK NIYANG SI SOLOMON, MAT. 1:6 HANGGANG KAY JACOB NA AMA NI JOSE, NA NAGING AMA NI JESUS MAT. 1:16..

    GANITO NAMAN ANG KAY LUKAS, LUKAS 3:23 - MULA NAMAN KAY HESUS, NA ANG AMA AY SI JOSE AT ANG AMA NI JOSE AY SI HELI, PAPUNTA NAMAN KAY NATAN NA ANAK RIN NI DAVID KAY BATSEBA AT KAPATID NI SOLOMON, LUKAS 3:32-33..

    DITO, MALIWANAG NA ANG JACOB, AT HELI AY HINDI IISANG TAO. NA NATURINGANG PARIHONG AMA NI JOSE SA BIBLIYA..

    SI JACOB AY MULA SA LAHI NI DAVID SA ANAK NIYANG SI SOLOMON KAY BATSEBA..

    GAYONG SI HELI O ELI, AY MULA NAMAN KAY NATAN NA KAPATID NI SALOMON
    NA ANAK PA RIN NI DAVID KAY BATSEBA.. 1 CRO. 3:5..

    AT SA TRADITON NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG HELI O ELI ( SILENT H ) AY MULA RIN SA PANGALANG ELIAKIM O JOAKIM O JOACHIM NA SIYANG ASAWA NI ANA NA AMA NI MARIA NA INA NI KRISTO.

    NA ANG ELI O ELIAKIM O JOAKIM AY ISANG PANGALAN NA MAY KARUGTUNGAN SA DIOS. AT ITOY IISANG TAO LNG, NA SIYANG AMA NI BIRHEN MARIA..

    AT DAHIL ANG UGALI NG MGA HUDIYO SA PAGTATALI NG KANILANG MGA LAHI MULA SA KANILANG KA-NONONOAN, AY PAWANG SA PANGALAN LNG NG MGA PANGANAY NA LALAKI O PINAKA MALAPIT NA LAHI NA LALAKI. NUM. 26:33 / 27:4-7 .

    SI ABSALON NA HINDI NAGKAKA-ANAK AY SA HALIGI NA LNG NGTEMPLO NIYA ISINULAT ANG KANYANG PANGALAN UPANG HINDI MAKALIMUTAN. 2 SAM. 18:18..

    KAYA SA LAHI NI MARIA ANG MATATALI AY ANG KANYANG AMA NA SI HELI O ELI, NA LALABAS PO NA BYENAN NA LALAKI NI JOSE, NA KUNG TAWAGIN AY AMA PA RIN NI JOSE DAHIL ITO NGA ANG AMA NI BIRHEN MARIA.

    KAYA, LALABAS PO RITO NA SI JESUS, KAHIT HINDI TOTOONG ANAK SA LAMAN NI JOSE, SA LINYA NI SOLOMON KAY DAVID, PERO, LAHI PA RIN NI DAVID SA LAMAN SA LINYA NI MARIA NA MULA PA RIN SA LAHI NI DAVID MULA SA ANAK NA SI NATAN...

TANONG NIYO, SAGOT KO

TANONG : BRO BOY, IYUN BANG HALAMAN SA EDEN NA IPINAGBAWAL NG DIOS KAININ NI ADAN AT EVA, PWEDE RIN BANG KAININ NG HAYOP, KASI, SA TAO LNG NAMAN BAWAL DIBA? KASI FRUIT OF KNOWLEDGE IYON DI BA? DI KUNG KAININ IYON NG KUNG ANONG HAYOP O KAYA IBON, MAGKAKAROON RIN SILA NG TAMANG PAG-IISIP, AT DAPAT ALAM NA RIN NILA ANG TAMA AT MALI ?

SAGOT : MARAHIL TAMA KAYO RIYAN SA HINUHA NIYO, KASI PALAGAY KO ANG UNANG NAKAKAIN AY IYONG AHAS, KAYA NGA SIYA NA ANG UNANG NATOTO KUNG ANO TALAGA IYONG PRUTAS NA IYON.

NANG MATAPOS SIGURO NIYANG MATIKMAN AY SAKA NIYA NALAMAN ANG EPEKTO NOON. KAYA NASABI NA NIYA KAY IBA, KUNG ANO TALAGA ANG MANGYAYARI, KAPAG NAKAKAKAIN NA NILA ANG PRUTAS NA IYON..

AT NAKITA MO NAMAN, HANGGANG NGAYON HINDI MO PA RIN MAKIKILALA KUNG BABAE BA ANG AHAS O LALAKI, DAHIL NATAKPAN NA NILA ANG KANILANG KASARIAN.. DAHIL SILA NGA ANG UNANG NAKAKA-ALAM NA HUBO PALA SILA SA PAGKAKATAONG IYON..

AT ISIPIN MO NA LNG NA HINDI KA MAKAKAKITA NG AHAS NA NAGTATALIK
DAHIL NAHIHIYA SILANG MAKITA ANG ANO MANG PRIBADO NILANG GINAGAWA, BUKOD NA LNG SIDURO KUNG SILAY MASISILIPAN..

TINGNAN MO IYONG ASO, PUSA ,MANOK, KALABAW , BAKA, UNGGOY AT IBA-IBA PA, HINDI NAGTATAGO AT WALANG KAHIHIYAN, KUNG SAAN-SAAN LNG DI BA? BASTA'T GINANAHAN.. HE..HE..HE..

SIGURO DAHIL HINDI NA SILA NAKAKAIN, DAHIL PAGKATAPOS NG AHAS KUMAIN SUMUNOD NA ANG TAO, AYON NAGALIT NA NGA KAYA KINUHA NA BAKA MARAMI PA ANG MAKAKAIN. LALONG LALABO ITONG ATING USAPAN ..DI BA? HA..HA..HA..

JOKE...JOKE...JOKE... ALAM KO NAMAN NA ALAM NA NIYO ANG TOTOONG SAGOT DIYAN, NA IYONG SAGOT KO AY HINDI NA KAILANGAN...

MASYADO TAYONG SERYUSO RITO LAGI, WALA MAN LNG KATUWAAN...

Linggo, Nobyembre 24, 2013

STILL ON SORIANO


11832 views | 3 Recommendations | 52 comments

Photos

Eliseo Soriano crying
Eliseo Soriano, the fugitive defunct leader of the cult Ang Dating Daan is now a legal Brazilian resident and is apparently seeking Brazilian Citizenship, as reported by a Philippine based TV News magazine Case Unclosed. Since there is no extradition agreement between Brazil and the Philippines, Soriano can live a relatively free life, much like other fugitives who made Brazil their haven.


    “It was my spiritual birthday. He summoned me and I went thinking he was going to give me a gift. As it turned out, that was the gift. The same thing he did to me the previous year.” Veridiano lamented."

This was the revelation of the subordinate, with sadness still reflected in his eyes. One can only imagine the grief that victims of rape must carry in their heart.

    “It was in May of 2000 when he summoned me to his room. I was shocked at what followed. At that time I couldn’t resist his advances. There is a teaching in Ang Dating Daan which says the messenger of God does not commit sin, whatever he does to you is right and just. At that time, I was really terrified of him and there also is a teaching in Ang Dating Daan that one must do what Soriano tells him to do, at all times. Obey him, otherwise you’ll be cursed. Something really really bad will happen to you if you disobey this supposed messenger of God.", Veridiano said.

“Rape was the charge. Is it true, or is it a case of libel?” continues host Arnold Clavio. “The case cannot proceed if the accused is not present because the accused needs to be arraigned in court” so say the lawyers of the subordinate. The subordinate thinks that if Soriano was in the Philippines, he will surely be in jail based on the evidences against him.

    Clavio said he tried to contact Eli Soriano or any of his representatives to get their side of the story but did not get any response.

    “If I don’t fight and speak up a lot of people will be in danger, and they need to know what he really is and that he is not sinless and he is not true.” the subordinate continues.


Continue reading at NowPublic.com: Case Unclosed: Eliseo Soriano seeking Brazilian Citizenship | NowPublic News Coverage http://www.nowpublic.com/world/case-unclosed-eliseo-soriano-seeking-brazilian-citizenship#ixzz2lddqtDgi

ALL ABOUT ELI SORIANO, (ADD) ANG DATING DAAN LEADER )


Rape case vs Ang Dating Daan's Bro. Eli to proceed

Posted at 12/12/2012 3:06 PM | Updated as of 12/12/2012 4:07 PM
MANILA, Philippines (UPDATE) - The Court of Appeals (CA) has junked televangelist Eliseo Fernando "Bro. Eli" Soriano's bid for the dismissal of rape charges against him pending before a Pampanga trial court.
In a 3-page resolution penned by Associate Justice Angelita Gacutan, the appellate court's former 12th Division junked Soriano's motion for reconsideration (MR) on its ruling dated May 31 that dismissed his petition against Macabebe Regional Trial Court (RTC) Judge Lucina Dayaon.
The appellate court pointed out that Soriano was unable to present new arguments in his MR to warrant a reversal of the earlier ruling.
“A perusal of the [MR] shows that it is a mere rehash of his previous arguments which we have sufficiently discussed and passed upon in our decision…,” the resolution read.
Soriano, head of the Ang Dating Daan and presiding minister of the Philippines-based Christian organization Members Church of God International, was indicted on rape charges in 2006 filed by Daniel Veridiano, a member of his staff.
Veridiano alleged that Soriano sexually assaulted him on 2 separate occasions in Apalit, Pampanga.
Judge Dayaon issued a warrant for Soriano's arrest; Soriano subsequently posted bail.
Soriano elevated his case before the appellate court.
In its latest ruling, the appellate court also held that it could not pass upon Soriano's "new allegations" against Veridiano.
“He attacks complainant Veridiano’s character by claiming that [Veridiano] was involved in misappropriation of funds and molestation of minors... However, we cannot pass upon these belated accusations as this court is not a trier of facts. Such duty belongs to the trial courts where the said charges may be pending," the resolution read.
Associate Justices Magdangal De Leon and Francisco Acosta concurred in the ruling.
Sought for comment, Ang Dating Daan referred ABS-CBN to the UNTV legal department.
Atty. Alfredito Forteza, who said he represents Soriano, said the CA decision was based on a technicality and not on the merits of the case.
He said Soriano will appeal the CA ruling before the Supreme Court.

MAGTANONG KAY BOY GADOR ; BIBLIYA ANG SASAGOT SA IYO :

Tanong; sa bible sinasabi  na  ang mangyayari  na  milagro kay  kristo ayon sa kanyang  pagkabuhay  ay  tulad  ng  kay  Jonas ; na  tatlong  gabi  at  tatlong  araw  sa  ilalim  sa  tiyan  ng  isda ; at  gayon din naman kay  Kristo ; tatlong  araw at  tatlong  gabi  rin  sa  pusod ( ilalim ) ng  lupa. Kaya kung  si  kristo  ay  namatay  ng  alas 3:00 ng  hapon sa  araw ng  biernes, at  nilibing  rin ng  hapon  na  iyon, at  nabuhay  ng  madaling  araw  ng  linggo, itoy hindi  po  akma sa  pagkakasabi  niya sa Matt 12:40 ?

Sagot : Ang katanongang  ito ay madalas nating  maririnig sa  mga kapatid natin  na protestante. at  naging  isang basihan nila  na  ang  turo at  practice  na ginagawa  ng  Katoliko ay sala sa biliya..

Bago  natin tuluyang ipaliwanag ang  tamang  kasagutan, mas  mai-nam  siguro  kung tingnan  natin ang  ibat-ibang  sitas  sa  bibliya  na  may  kinalaman  dito.(tungkol  sa  pagkamatay at  pagkabuhay ng  Panginoong  Hesus )

1-  Mat. 12:40 - Tatlong  araw at  tatlong  gabi  si  Jonas  sa loob  ng  tiyan  ng isda; gayon  din  Ako tatlong  araw at talong gabi  sa pusod ng  lupa;

Dito malinaw  ang  pagkakasabi  ng  tatlong  araw at  tatlong  gabi..

2-Matt 16:4 - " Humanap ng tanda ang  masasama  at  taksil  na  tao  sa  panahong ito, subalit walang  tandang ibibigay sa  kanila  maliban  sa tanda ni  Jonas." Umalis si Jesus at iniwan sila.

Pansinin natin na  sa pagkakataong  ito wala  na  ang  salitang  tatlong  araw at  tatlong  gabi, kundi  ang  pagkakasabi,  ay  ang  tanda  lang  ni  Jonas. Gayong  pariho  lang  naman na  si  Mateo  ang  may  sulat  nito..

3- John 2:19 - Sumagot  si Jesus," Wasakin  niyo ang templong  ito at itatayo ko sa loob  ng tatlong araw."

Pansinin  po natin, na  dito ang  salita  po  mismo  ng  panginoon ay "itatayo niya  muli  sa loob  ng  tatlong  araw " ( within  three  days ) at  ito  ay  may  kinalaman parin  ang  tungkol  sa  kanyang kamatayan  at  ng  kangyang  pagkabuhay muli.. ngunit  wala  na  ang  halimbawa ng  kay Jonas.

Kung bakit nabanggit  ni  Jesus ang  tungkol sa milagro  na  nangyayari  kay  Jonas  iyon  po  ang  dapat  nating  pag-aralan..

4- Luc. 11:29-32 - Nang nagsiksikan ang mga tao, sa paligid Niya, sinabi ni Jesus, "Masama ang mga taong nabubuay sa panahong ito.Humanap sila ng milagro, subalit walang tandang ibibigay sa kanila kundi ang tanda  ni Propeta Jonas.

30-Kung paanong naging tanda si Jonas sa  mga  taga ninive, gayon  din  Akong  Anak  ng tao sa mga nabubuhay sa panahong ito.

31- Sa araw ng Paghukom, magbabangon  ang Reyna  ng timog at hahatulan  niya ang  mga taong ito.Sapagkat naglakbay siya  ng malayo upang makinig sa karunungan ni  Solomon. Subalit ang  Narito  ngayon ay higit na dakila kaysa kay Solomon.

32- Maging ang taga- ninive ay hahatol sa  mga taong  ito,sapagkat nagsisi sila ng pangaralan sila ni Jonas;samantalang Narito ngayon  ang Isang higit na dakila kay Jonas.

Dito maliwanag na  maintindihan natin kung  bakit nasabi  ni  Jesus ang  halimbawa tungkol kay Jonas.  Na si Jonas ay isang halimbawa sa ninive para sa kanilang pagsisi.. na  kung  gaano  nagsisi  ang ninive  dahil  kay  Jonas, ay dapat gayon  rin ang gagawin  ng mga tao sa panahong yaon sa  pangangaral ni Kristo. Dito ang dapat na pagtuonan ng pansin ay ang magka-parihong  pakay at dahilan ng  dalawang tao  na  kapuwa sugo at pinadala ng  Dios. At walang kinalaman ang tungkol sa tatlong  araw at tatlong  gabi, sa sitas na ito binaggit rin ni Jesus ang tungkol sa karunongan ni  Solomon na  dinayo  pa  ng  Reyna para  mapakinggan. At sinabi Niya, na Siya  ay mas dakila  at higit pa kay Solomon,. na  mas-higit pa sanang paniwalaan kumpara kay Solomon, na wala pa ring kinalaman sa  tatlong  araw at tatlong  gabi..

Ang tawag sa paghahalintulad na gaya nito ay "parallelism "na ang gawain at pakay nina Jonas at Kristo
ay  halos magkapariho..

Nagkataon lang, na  ng sulatin  ni Mateo ang  paghahalintulad  nina Jesus at Jonas ay  detalyado ang pagkakasulat niya  sa  mga pangyayari na  naganap  kay Jonas ng  una  niyang ihayag  ito. ( Mat. 12:40 )

Pero sa ikalawang  sulat  niya (Mateo) ay  hindi  na, Mat. 16:4..  at iyon lang ang  pakay  ng  Panginoong  Hesus. Ang mapansin ang parihong pakay ni Jonas at ni Kristo.

At gaya ng  sinabi  ni Jesus, siya  ay mabubuhay  sa  loob  ng tatlong  araw, John 2:19, ( within three days ) namatay  siya  ng  biernes at nalibing din  sa  araw  na  iyon, nakapaloob  na  ng  araw  ng biernes, sinundan ng  sabado  na  araw  ng  pahinga  ng  mg Hudiyo kaya  hindi  sila  pweding  dumalaw, nakapaloob na rin sa  araw  ng  sabado, at  nabuhay  ng linggo nakapaloob  na  rin  sa  araw  ng linngo.. (within three days )

At  kahit  sino  mang  matinong tao ang magkaroon  ng  computation upang  buohin  ang tatlong  araw  at tatlong  gabi, kahit pag-sunod-sunorin  pa  nila ang  dalawang  araw ng pahinga, ay  lalabas  na  makakadalaw  ang  mga  babae  at  apostoles kay  Jesus sa araw  na  hindi pa  siya  nabubuhay.

Dahil  si  Jesus ay namatay  sa ika-3:00  ng  hapon  at  nalibing  rin  sa  araw  na  iyon. kaya kung  siya  man  ay  mabubuhay,  na kailangang  buohin ang kompletong, tatlong  araw at  tatlong  gabi, lalabas  na  siya ay  mabubuhay  sa  pagitan  ng  alas 3:00 hanggang  alas 6:00 ng  hapon, bago  mabuo ang tatlong  araw at  tatlong  gabi at maliwanag na  sila ( mga apostoles )  ay  magkaka-roon  pa ng  dalaw  sa Kanyang libing sa panahong  hindi pa nabubuhay  ang  Kristo..Ngunit  hindi  nagyayari ang ganito..

Iyan po  ang  sagot  ko...




NAGSISI BA ANG DIOS ?


Boy Gador

Gen. 6:6 - nagsisi ang Dios kung bakit niya ginawa ang tao at inilagay sa mundo..

1 Sam. 15:11 - nagsisi ako kung bakit ginawa kung Hari si Saul, gayung siya'y tumalikod sa Akin...

Ang mga sitas na ito sa bilbiya ang naging basihan ng mga Atista (ATHEIST)
kung kaya nila nasabi na ang Dios ay bobo. at isa rin sa mga dahilan na hindi nila matatanggap ang pagkakaroon ng Dios na nagsisi, dahil ang pagsisisi ay mai-turing na isang pagkakamali at ang pagkaka-mali ay kagagawan lng ng isang bobo..

Sa isang sulyap, parang ang katuwirang nilang ito ay tama. Kung siya nga ay Dios, bakit naman kailangan pang Siya'y magkamali, upang ipakita naman sa bandang huli na pinagsisihan Niya ang nagawang ito?

Isa sa mga Agnostiko (isang uri rin ng tao na hindi naniniwala na may 
Dios) na nakaka-usap ko, ay tinanong ko.

Kung ang isang tao na nagtapos ng summa cum laude sa isang kolihyo at naging top-notcher sa bar examination, ay minsang nagsisi sa mga nagawa nito, ito bay nangangahulugan na siya ay bobo?

Ang naging sagot niya ay ganito:"hindi ako tsismosong tao, at wala akong paki-alam sa buhay ng ibang tao. Ang tungkol sa Dios niyo ang pinag-uusapan natin dito."

Hindi ko alam kung umiwas lng siya sa tanong ko, o talagang ayaw lng niyang sagutin ng maayos ang tanong ko, sa dahilang, pag-itoy sinagot niya, mapapahiya siya sa kanyang-tinuran na ang pagsisi ay sapat ng dahilan sa kabobohan.

Ngayon, nagsisi nga ba ang Dios, dahil sa mga sitas na ito Gen,6:6 / 1Sam. 15:11 ?

Dapat nating tandaan na ang Dios ang nagbibigay ng batas para sa tao.

At ang Dios kailan man ay hindi napasasa-ilalim ng ano mang batas ng tao
na Siya (Dios) rin mismong gumgawa nito..

At ang Dios ay walang sinusunod na batas, dahil walang sino-mang makapagbibigay sa kanya ng batas..

Ang paghuhugasga ay nag-mumula sa mga batas na binibgay ng Dios sa tao.

At ang pag-iisip ng Dios ay hindi tulad sa pag-iisip ng tao, Isa. 55:8..

Pero bakit nga nababasa na ang Dios ay nagsisi?

Minsan sinabi ng mga kritiko ni NOYNOY the elected President of the Philippines
Republic ;

" nag-back-out siya ng interbyuhin siya ng CNN reporter, kasi nag papa-press-con pa, hindi naman handa o ayan nagsisi tuloy " 

Dahil sa komentaryong ito, naglalabasan na sa facebook ang ibat-ibang komentaryo sa pag-back-out ni NOYNOY at sa pagsisisi nito kung bakit nagpatawag pa ng press-con.

Ang tanong, totoo nga bang nagsisi si NOYNOY ? Sinabi ba ni NOYNOY na nagsisi siya ? Narinig ba nila mula sa bibig ni NOYNOY na nagsisi siya ?

Iyonn ang tinatawag na ANTHROPOMORPHISM, na ang sarili mong tingin o pananaw sa nararamdaman ng isang tao, ay ipinahid mo sa kanya sa iyong panulat, kahit di mo talaga batid ang tunay niyang niloloob sa pagkakataong iyon...

Sa Gen. 6:6 / 1 Sam. 15:11 - hindi batid ng tag-sulat kung ano talaga ang nararamdaman ng Dios, at walang pinaka-angkop na maiisusulat sa damdamin ng Dios sa pagkakataong iyon kundi ang salitang pagsisisi..

Gustong, palabasin ng tagsulat ang damdamin ng Dios sa pagkakataong iyon, ngunit siya ay tao lng, at ang damdamin na gusto niyang ihayag ay sa Dios, kaya kahit ano mang-pag-iisip na gawin ng tao sa kanyang panulat sa pagkakataong iyon ang pinakamalapit na salita na pwede niyang ilapat ayon sa kanyang naramdaman (bilang tao) ay ang salitang pagsisisi.

Ngunit, kailan man ay hindi niya naririnig na may pagsisisi ang Dios...

Biyernes, Nobyembre 22, 2013


 RAPIST NAPATUNAYAN SA HUKUMAN NA  RAPIST GANID SA LAMAN SA MABABAW NA TERMINO AT MADALING MAINTINDIHANG PANANALITA "BULUGAN"!!!! EXACT WORDS WALANG LABIS AT WALANG KULANG.... MABUBURA PA BA NG MGA IGLESIA NI MANALO ANG RECORD NG HUKUMAN NG BANSANG PILIPINAS. SA PANG GAGAHASA / RAPE NG KINIKILALA NILANG SUGO HINDI LANG SI AMANDA AT ROSITA TRILLIANES ANG KINANA NG BULUGAN NA SUGO KUNO O ANGHEL ESTE AngHELL DAW. ABA MATULIS KA TOTOY PARANG TULIS LANG NG KAPILYA NYO. OO NGA AngHELL SYA... FELIX "BULUGAN" MANALO ..

Lunes, Nobyembre 4, 2013

MAG-TANONG KAY BOY GADOR BIBLYA ANG SASAGOT SA IYO ( ANG SIMENTADONG DAAN )


TANONG : TOTOO PO BANG, INIUTOS NG DIOS NA MAMAHINGA SA ARAW NG SABADO, AT ITO AY GINAGAWA NA NG UNANG TAO NA SI ADAN AT NG MGA PATRIARKA, TULAD NINA ABRAHAM, JACOB, AT IBA PA, HANGGANG NGAYON ?

SAGOT : SIGURO PO, NAGBABASA KAYO, SA MGA ISINUSULAT NI  ELLEN GOULD WHITE AT HERBERT ARMSTRONG. ( ANG KADAUGAN SA GUGMA / THE PLAIN TRUTH ).

ITO E- QUOTE KO LANG PO, ANG ISA SA MGA SULAT NI LAURENTINO GONZAGA NA NAGMUMULA NAMAN SA PANULAT NI E. WHITE.

THIS IS YOUR HAPPINESS PAGE, 76 " ADAM BEING A MAN, WAS THE FIRST
ONE TO OBSERVE THE SABBATH ( GEN. 2:1-3 ) IN GENESES 8:8-12 WE FIND THAT DURING NOAH'S TIME HE WAS AWARE OF THE SEVEN-DAY WEEK. SINCE NOAH WAS A GOD- FEARING MAN AND WAS OBEDIENT TO GOD  UNDOUBTEDLY WE COULD INFER THAT HE WAS A SABBATH KEEPER."

ITO NAMAN ANG KAY ARMSTRONG -- WHICH DAY IS THE CHRISTIAN SABBATH
PAGE, 19 " ADAM WAS CREATED AND LIVING WHEN SUNSET CAME THAT SIXTH DAY OF CREATION WEEK-WHEN GOD RESTED FROM HIS WORK. ADAM KNEW WHICH WAS THE SEVENTH DAY. JESUS CALLED ABEL RIGHTEOUS  (MAT.23:25), SO ABEL KEEP THE SABBATH. ENOCH WALKED WITH GOD SO ENOCH KEEP THE SABBATH---.

KUNG ITUTULOY PO NATIN ANG PAGBABASA SA DALAWANG AKLAT NA ITO,
LALABAS PO NA PARANG NANGOPYA SI ARSTRONG ANG FOUNDER NG WORLD WIDE CHURCH OF GOD, NA NAMATAY NA NOONG 1986, KAY ELLEN WHITE.

SA DAHILANG PAREHO SILA NG PUNTO NG PANGANGATUWIRAN. LIBAN NA LANG SA MINSAN PAGKAKA - INTERCHANGE NG MGA TAOHAN NG PATRIARKA NA SINASABI NILANG, SABBATH KEEPER NA, MAG-MULA PA KAY ADAN.

ITO PO : ANG MASASABI KO SA KANILANG DALAWA (WHITE AND ARMSTRONG ) PAREHO SILANG  NAGLALATID NG KASINUNGALINGAN..

UNA PO, HINDI PO TOTOONG SABBATH KEEPER NA SI ADAN, DAHIL ANG UTOS LANG PO SA KANILA NG DIOS AY ANG 'WAG KAININ ANG IPINAGBABAWAL NA PRUTAS. ( GEN.2:16-17 )

PANGALAWA: ISA PONG KATANGAHAN ANG KATUWIRANG ALAM NA NI ADAN
ANG ARAW SA PAHINGA  SA  KATUWIRANG  SIYA'Y   NALALANG NA SA IKA-ANIM NA ARAW , NA NG GAWIN NG DIOS ANG KANGYANG PAMAMAHINGA AY NALALAMAN NIYA ITO AT NASASAKSIHAN.

MATANONG KO NGA KAYO, NAKIKITA BA NI ADAN NA NAMAMAHINGA ANG DIOS SA ARAW NA IYON ? O KAYA PINAALAM NIYA KAY ADAN NA NAMAHINGA SIYA ? KAYA KAILANGANG MAMAHINGA RIN SI ADAN KAHIT SI  ADAN AY HINDI NAMAN PAGOD DAHIL KALILIKHA LANG NIYA, SA IKA ANIM NA ARAW AT SINUDAN NA NG IKA-PITO NA SIYANG NAGING PAHINGA ?

PALAGAY NIYO SINO BA ANG MATINONG TAO ANG MAGSASABI NG GANON ?

ITO PA : NG MAGAWA SI ADAN AY WALA PA SIYANG KAMALAY-MALAY SA KAHIT ANO PA MANG BAGAY, NI HINDI NGA NIYA ALAM KUNG SABADO BA IYON , MIERKULES, O LUNES ANG ARAW NA IYON, DAHIL WALA PA NAMANG GREGORIAN CALENDAR SA PANAHONG IYON.

ITO PA ISA : NI HINDI NGA NIYA ALAM KUNG HUBO BA SIYA O HINDI.. AT
BAGO NILA ITO NALAMAN AY NG MAKAKAIN NA SILA NI IBA SA IPINAGBABAWAL NA PRUTAS. ( GEN.3:7 ). IYON PA KAYANG PAMAMAHINGA NG DIOS ?

AT SAKA SA BIBLIYA, ANG SINASABI AY DIOS LANG ANG NAMAMAHINGA.
( GEN. 2:3 ) HINDI SINASABING KASAMA ROON SI ADAN. EWAN KO KUNG ANONG KLASING PAG-IISIP NILA NA SA SIMULA PA AY PINASASAMA NA NILA SI ADAN.. GAYONG TUWIRAN NAMANG WALA AT HINDI ITO NABABASA SA BIBLIYA..

MAGING GAYON KAY NOAH, ANG UTOS LANG PO KAY NOAH AY GUMAWA NG ARKA AT IKARGA ANG TIG-ISANG PARES NG MGA HAYOP.. LIBAN DOON, WALA NA.. HINDI DAHILAN NA KUMO SI NOAH AY MASUNURIN SA DIOS AY SUSUNDIN NIYA ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAMAN SA KANYA
INU-UTOS.

MAGING GAYON KAY ABRAHAM, ANG TIPAN LANG NI ABRAHAM AY ANG TULIIN ANG SARILI NIYA AT ANG NASASKUPAN NIYA. ( GEN. 17:9-10 )

KUNG ISA-ISAHIN PO NATIN ANO, IYONG MGA TAONG SINASABI NILA NA, NAMAMAHINGA NA RAW SA ARAW NG SABADO, KAHIT ISA PO, ROON HANGGANG SA PANAHON NI MOSES AY PAWANG WALANG KATOTOHANAN.

GANITO PO IYON, PAGSINABI BA NG DIOS, " LILITAW ANG LANGIT, 24 ORAS NA BA IYON ? " PAGSINABI PO NG DIOS " LILITAW ANG ARAW, IYON RIN BA 24 ORAS RIN,? : PARA SABIHING MAYROON ISANG LINGGO A (ONE WEEK ) ANG KABUHATAN NG DIOS ,BAGO SIYA NATAPOS " ? IT'S RIDICULOUS..... NI WALA PA-NGANG ISANG SEGIUNDO IYON, PAGSINABI NG DIOS..

AT SAKA PO PAG ANG DIOS AY NAGBIBIGAY NG BATAS ITO AY MAY KAAKIBAT NA KAPARUSAHAN... AT KAILAN BA IBINIGAY ANG BATAS NA ITO  ( SABBATH )?  ITOY MALINAW NA IBINIGAY LANG SA KAPANAHUNAN NA NI MOSES...

ITO BASAHIN NATIN ANG NAGIGING TIPAN NINA MOSES, NG KANGYANG MGA KASAMA AT NG DIOS...

ANG SA DIOS : EXO. 19:5 --ANG SABI NG DIOS RITO,  KUNG SUSUNOD  KAYO  SA  MGA  IPAG-UUTOS  KO KAYO  AY  MAGIGI-KONG  PILING  KATAWHAN  ETC....

ANG SA TAO EXO. 19:8 --- OPO SUSUNOD KAMI.....
DITO  PO  NAG-SIMULA O  NABUO  ANG  UNANG  TIPAN  PARA  SA  ISRAEL ( FIRST COVENANT )

DIYAN LANG PO NAGSISIMULA ANG SAMPONG UTOS NG DIOS, MATAPOS NA SILA ( TAO AT DIOS ) AY MAY PINAGKAKASUNDOAN... NA SIYANG KINAPAPALOOBAN SA ARAW NG PAHINGA...

AT ANG LUMABAG SA IPINAG-UUTOS NG DIOS KUNG PAPAANO BABANALIN ANG ARAW NA IYON AY PAPATAYIN. ( EXO. 35:3 )

AT SA NUM. 15:32-36 --- ANG TAONG LUMABAG DITO DAHIL SA PAMUMULOT LANG NG KAHOY AY PINAPAPATAY MISMO NG DIOS. ITO AY KANILANG BINABATO SA LABAS NG KAMPO HANGGANG SA MAMATAY, DAHIL IYON ANG KAUTUSAN NG DIOS...

NGAYON KUNG IKAW AY SUSUNOD SA UTOS NG DIOS DAPAT, PAPATAYIN  MO  RIN  ANG  SINO  MAN  SA  MGA  KASAMAHAN  NYO  NA  LUMALABAG  SA  UTOS DAHIL IYAN ANG UTOS NG DIOS.. DAHIL KUNG MAY BATAS, ITOY MAY KAAKIBAT NA KAPARUSAHAN... HINDI PO, PWEDING NAROROON PA ANG BATAS NGUNIT WALA ANG PARUSA.. ANONG MAGIGING EPEKTO NG BATAS NA WALANG PARUSA..?

IYAN PO ANG SAGOT KO...

MAG-TANONG KAY BOY GADOR BIBLIYA ANG SASAGOT SA IYO


TANONG : KUNG KASAMA SA SAMPONG UTOS, ANG HINDI KA MAGPATAY, BAKIT MULA KAY MOSES AT HANGGANG KAY JOSUE AY MARAMING PATAYAN ANG NANGYAYARI AT SILA NGA AY KINASIHAN PA NG DIOS SA KANILANG MGA GINAWANG PAGPATAY..

SAGOT : HE...HE... MAHIRAP ITO BRO AH... SASAGUTIN O ITO, PERO HINDI KO SASABIHIN SA IYO, NA TAMA ITONG SAGOT KO... BAHALA NA KAYO AT SILA ANG UMUNAWA SA MAGIGING SAGOT KO..

SA BIBLIYA KASI BRO MARAMING HIWAGA.. BIBIGYAN KITA NG ISANG HALIMBAWA ;

SABI NI PABLO, SI KRISTO RAW ANG LARAWAN SA DIOS NA HINDI NAKIKITA, COL. 1:15 - O BIRO MO HINDI NA NAKIKITA PERO MAY LARAWAN PA.. PAANO MO NAMANG MAKUNAN NG LARAWAN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NAKIKITA. O PAANONG MAGKAKAROON NG LARAWAN ANG ISANG BAGAY NA HINDI NGA MAKIKITA ? PERO DAHIL SA SINABI NI PABLO, EH SIYA NGA (KRISTO ) ANG LARAWAN SA DIOS NA HINDI NAKIKITA..

IBA NAMAN KASI ANG PAGKAKASABING, " IPINAPAKITA SA DIOS NA AMA ANG KANYANG TOTOONG ANYO NA HINDI PA NATIN NAKIKITA SA PAMAMAGITAN KAY KRISTO.." PERO ANG SUMA - TOTAL GANON PA RIN IYON.. DEPENDE KUNG PAANO NATIN INUNAWA..

KAYA NG SABIHIN NI KRISTO NA DAPAT MAHALIN NATIN ANG ATING KAPUWA, TINATANONG NILA KUNG SINO BA ANG ATING KAPUWA ? KAYA BINIGAY NI KRISTO ANG HALIMBAWA NG " THE GOOD SAMARITAN "..

SAMADALING SALITA, HINDI LAHAT NG TAO AY ATING KAPUWA... JOHN 8:44.. MGA ANAK KAYO NG DIABLO... AT KUNG SILAY MGA ANAK NG DIABLO AH.. SIGURADO HINDI NATIN SILA KAPUWA.

NGAYON DITO TAYO SA HINDI MAGPATAY, PERO MARAMING PINAPAPATAY...

SABI NG MGA MUSLIM.. ANG IBIG RAW SABIHIN NG JIHAD-WAR AY ISANG PAGSASAKRIPISYO O PAKIKIPAGLABAN SA KARAPATAN NG KANILANG PANINIWALA KAY ALA PARA HINDI NAMAN SILA MAUUBOS.

TAMA RIN NAMAN SILA DIBA ? KUNG TUTOOSIN, KUNG SUNDIN MO ANG UTOS NA HINDI KA PUMATAY, TAPOS, GIGIRAHIN KA NG MGA KALABAN, AT SASAKUPIN, AT BIHAGIN ANG LAHAT SA INYO, HINDI NAMAN MAGANDA NA SABIHIN MO NA LNG O SIGE, PATAYIN NIYO NA KAMI DAHIL SA AMIN AY IPINAGBABAWAL NG DIOS ANG PUMATAY..

KAYA PARA MAUNAWAAN NATIN, SASAGUTIN MUNA NATIN, ANG TANONG NA " SINO BA ANG DAPAT PATAYIN AT SINO NAMAN ANG HINDI IPINAPAPATAY ? "

DITO TAYO SA UNANG PATAYAN : GEN. 4:8 - DITO PINATAY NI CAIN ANG KAPATID NIYANG SI ABEL... ANG TANONG, DAPAT BANG GAWIN NIYA IYON SA KAPATID NIYA? DAPAT NATING TANDAAN NA HINDI PA RITO INUOTOS NG DIOS NA BAWAL GAWIN IYON..

KAYA KUNG TOTOUSIN, WALA PANG NILABAG NA UTOS NG DIOS SI CAIN..

PERO NAGAGALIT ANG DIOS SA GINAWA NIYA.. ALAM MO BA KUNG BAKIT ? DAHIL MULA NG KAININ NI ADAN AT IBA ANG IPINAGBABAWAL NA PRUTAS ALAM NA NILA KUNG ALIN ANG MABUTI AT ANG MASAMA..

KAYA KAHIT WALA PANG BATAS NOON NA BAWAL ANG PUMATAY, PERO NAGAGALIT ANG DIOS KAY CAIN, DAHIL ALAM NI CAIN NA MASAMA ANG KANYANG GINAGAWA AT ANG DIOS AY GALIT DOON SA MASASAMA.

SAMADALING SALITA, IYONG KAPUWA MO MABUTI, AY WAG MONG PATAYIN, PERO, IYONG MGA MASASAMA, PWEDE MONG PATAYIN.. ( SINO BA ANG KAPUWA MO ? )

PATUNAY : SA SAMPONG UTOS NG DIOS, AY NAROON ANG KAUTUSANG WAG KANG PAPATAY.. PERO NAROON RIN ANG KAUTUSAN SA ARAW NG PAHINGA ( SABBATH ) AT ANG PARUSA SA LUMABAG SA UTOS NA IYON AY PATAYIN.

EXO. 20:8 -10 / EXO. 31:12-14,17 / EXO. 35:1-3

KAYA NG MAY NAKITANG LUMABAG NITO, AY IKINULONG MUNA NILA DAHIL MAHIRAP NAMAN NA BASTA MO NA LNG PAPATAYIN. PERO INUOTOS NG DIOS NA ITO AY PATAYIN. NUM. 15:32-36...

NGAYON PAANO MO SUNDIN ANG PARUSA NA IPINAGAGAWA SA IYO NG DIOS, NA PATAYIN ANG LUMABAG SA KAUTUSAN NIYA, KUNG SIYA MISMO AY INUOTOS NA BAWAL PUMATAY ?

KAYA ANG SAGOT KO AY MALIWANAG, NA WAG PAPATAY NG KAPUWA MO ( SINO BA ANG KAPUWA MO ? ) PERO IPINAHIHINTULOT NG DIOS NA PATAYIN ANG MGA TAO NA LUMALABAG SA KANYA AT AYAW NA SIYA ANG MAGHAHARI.. LUK. 19:27.

ANG UTOS AY UTOS, NA DAPAT SUNDIN, LALO PA'T ITOY UTOS NG DIOS. KAHIT ANO PA ANG ATING GAGAWIN, PAPATAY MAN TAYO O HINDI, ALAM NATING LAHAT KUNG ALIN TALAGA ANG TAMA SA ATING BAWAT DISISYON. IYON AY NAGMUMULA SA PUSO NA SINASALA NAMAN NG IYONG KAISIPAN.

AT ANG BAWAT MABUTING DISISYON AY KINAKASIHAN NG DIOS.