TANONG : SINO BA ANG MALILIGTAS ? ANG KATOLIKO BA ? PROTESTANTE ? O ANG MUSLIM ?
SAGOT : SA MUNDONG ITO, MAY-ROONG IBAT--BANG PANANAMPALATAYA,
( FAITH ) PERO MALAKI ANG PAGKAKAIBA NG PANANAMPALATAYA ( FAITH ) SA
PANINIWALA.
HALIMBAWA, SASABIHIN NG ISANG TAO ANG GANITO, " HINDI AKO NANINIWALA NA MAYRONG DIOS " SAMANTALANG ANG ISA AY GANITO NAMAN ANG KANGYANG SASABIHIN, " ANG BUONG PANIWALA KO AY WALANG DIOS " .
DITO ANG SALITANG " HINDI AKO NANINIWALA " AT ANG SALITANG " BUONG PANINIWALA " AY MAGKA-IBA. GAYON RIN ANG SALITANG " MAYRONG DIOS AT WALANG DIOS " AY TUWIRAN RING MAGKA-IBA.
SA UNANG TINGIN DITO SA PAGKAKASABING, " HINDI AKO NANINIWALA NA MAYRONG DIOS " ANG MAGING BATAYAN NG TAO SA PAG-KILANLAN SA KANYA
AY WALA SIYANG PANINIWALA.
GAYONG ANG PAGKAKASABI NA " ANG BUONG PANINIWALA KO AY WALANG DIOS "
AY MASASABI NAMAN NATING, PINANINDIGAN NIYA ANG KANYANG PANINIWALA...
PERO KUNG SUSUMAHIN NATIN, IISA LANG ANG IBIG NITONG SABIHIN, NA SILA AY MAYROONG ISANG PANINIWALA, AT ANG KANILANG PANIWALA AY WALANG DIOS..
NGAYON, KUNG HIHIMUKIN MO SILA NA MANIWALA SA DIOS, KAILANGAN MONG IPAKITA ANG SAPAT NA MGA KATIBAYAN, KATUWIRAN UPANG MAKUMBINSI MO SILA NA MAYROONG DIOS.
IYAN ANG KAIBAHAN SA PANANAMPALAYA SA PANIWALA. DAHIL SA PANAMPALATAYA, HINDI NA KAILANGAN ANG MGA NAKIKITANG EBIDENSIYA UPANG ANG TAO AY MANIWALA NA MAY DIOS.
NGAYON, ANG PANANAMPALATAYA NAMAN AY IBAT-IBANG KLASE MAY CHRISTIAN, ISLAM, BUDDHISM, SHINTOISM, AT MARAMI PA..
KAYA SA TANONG KUNG SINO BA TALAGA ANG MALILIGTAS ?
ANG MAGIGING SAGOT KO LANG AY BASI RIN SA ARAL NG PAGIGI-KONG KATOLIKO.
SA BIBLE, GANITO ANG ATING MABABASA, " ANG TAO AY HUHUSGAHAN NG DIOS AYON SA KANYANG GINAGAWA, MABUTI MAN O MALI " 2 COR. 5:10..
SA REV. 7:9 NAMAN GANITO ANG ATING MABABASA, " PAGKATAPOS NITO, NAKAKITA AKO NG NAPAKARAMING AT DI-MABILANG NA TAO, MULA SA LAHAT NG BANSA, TRIBO, BAYAN AT WIKA. NAKATAYO SILA SA HARAP NG TRONO AT NG KORDERO. NAKAPUTI SILA AT MAY HAWAK NA PALAPAS. "
DITO MALIWANAG NA NAROON NA SILA SA LANGIT KASAMA ANG KORDERO AT
NAKABIHIS NA NGA NG PUTI.
AT SILA AY NAGMULA SA IBAT-IBANG LAHI AT BANSA. HINDI NAMAN SINASABI RITO NA LAHAT PO SILA AY KATOLIKO KAYA SILA NAROROON. O ANO PA MANG KLASING RELIHIYON SILA NAGMULA..
KAYA WALANG MAKAPAGSABI KUNG SINO TALAGA ANG MALILIGTAS, LIBAN SA SARILI MONG MGA GINAGAWA...
SA MATT 7:21-23 HINDI LAHAT NG TUMAWAG SA AKIN NG PANGINOON, PANGINOON AY MAKAKAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT, KUNGDI ANG GUMAWA LAMANG NG KALOOBAN NG AKING AMA ".
SAMAKATUWID, KAHIT SINONG PASTOR, MINISTRO, PARI, O SINO MAN SA ATIN
NA TUMATAWAG AT NANGANGARAL UKOL SA KANYA ( KRISTO ) AY WALANG GARANTIYANG MAKAKAPASOK SA LANGIT. LIBAN NA LANG KUNG ITO AY ATING ISINIGAWA.
KUNG AKOY TATANONGIN, KUNG BAKIT NANATILI AKONG KATOLIKO ?
ANG SAGOT KO'Y GANITO, HINDI NAMAN KAILANGANG MAGPALIPAT-LIPAT AKO NG SIMBAHAN PARA MALIGTAS, O KAYA MAGTAYO AKO NG SARILI KUNG IGLESYA, IREHISTRO AT MANGARAL, PARA MALIGTAS, DAHIL ANG TOTOONG IGLESYA AY NATATAG NA NI KRISTO, ANG GAWIN NA LANG NATIN AY ANG SUMAPI SA IGLESYANG IYON..
AT IYON ANG KAGUSTUHAN NG AMA, ANG MAKINIG SA KANILANG MGA ARAL AT ISASABUHAY ITO. MATT 10:40 ANG TUMATANGGAP SA INYO AY AKO ANG TINATANGGAP. AT KUNG TINATANGGAP NILA AKO, ANG DIOS NA NAGSUGO SA AKIN ANG KANILANG TINATANGGAP
TANONG : PAANO IYONG HINDI KATOLIKO AT IYONG HINDI NANINIWALA SA DIOS ?
SAGOT : HINDI DAHIL SA IKAW AY NABINYAGAN AT NAPASAMA SA SIMBAHANG KATOLIKO, KAYA KA NAGING KATOLIKO. NANG DUMATING SI MAGELLAN SA PILIPINAS AY SA TAONG 1521 LANG. SA PANAHONG IYON MARAMI NG NAMAMATAY SA PILIPINAS NA NAMATAY NA HINDI NARINIG ANG ARAL NG KATOLIKO, O NAGING KATOLIKO.
KALABISAN BANG SILAY MAPSA - LANGIT KUNG MABUTI AT MAKA-DIOS NAMAN ANG KANILANG ISINASABUHAY ? SA KATUWIRANG SILAY HINDI PA KATOLIKO ?
ANG PAGIGING KATOLIKO AY NASA PUSO RIN AT ISIPAN. JER. 31: 32-34.. SILA MAN KAHIT WALA SA KANILA ANG BATAS, SUBALIT SA KANILANG MGA GINAGAWA NAKIKITA, NA ANG BATAS ANG SIYA NILANG GINAGAWA , ITOY NAGPAPAKITA NA ANG BATAS AY NASA KANILANG PUSO AT KALOOBAN. ROM. 2:14-15..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento