Sabado, Oktubre 19, 2013

IDOLATRY

ISYO TUNGKOL SA LARAWAN ( IMAHIN , CURVINGS, ) :

ITOY PAULIT ULIT NA LNG NA IBINABATO NG KUNG SINONG MGA PROTESTANTE SA KATOLIKO...

ISAISAHIN NATIN ANG MGA PARATANG O KATUWIRAN NILA...

UNA : IPINAGBABAWAL RAW ANG PAG-GAWA NG LARAWAN : EXO. 20 : 1-5 /
SALMO 115 : 1- DEUT. 4 : 16 -- AT MARAMI PA...

SAGOT : TAMA PO ANG MGA TEXTO NA IYON , PERO MALI ANG KANILANG PAGKAKAINTINDI O APLIKASYON..

DAHIL ANG DIOS AY NAG-UUTOS RIN SA PAG-GAWA NG LARAWAN, ITO---
EXO. 25 : 18-19 / NUM. 21 : 8 -- NA ANG IBIG SABIHIN, HINDI PWEDING
IPAGBAWAL NIYANG GAWIN SA TAO AT SA KABILANG BANDA IPINAGAGAWA RIN...

ANO BA TALAGA ANG IPINAGBABAWAL ?

KUNG BASAHIN MO AT INTINDIHING MABUTI , ANG IPINAGBAWAL DIYAN SA MGA TEXTONG IYAN AY ANG PAG-GAWA NG IBANG dios NA SIYA MONG SAMBAHIN, KAPALIT NIYA NA SIYANG TOTOONG DIOS...

AT ANG MISMONG SIMBAHAN NA GINAGAWA NI SOLOMON AY MAY ROONG MGA LARAWAN... LARAWAN NG ANGHEL , MUKHA NG TAO, AT NG LEON...
EZE. 41 :17-19... MARCOS 11 : 17...

NGAYON , ANO BA TALAGA ANG TOTOONG TINITIRA NILA SA KATOLIKO ?

IYONG PAGKAKAROON NG MGA KATOLIKO NG LARAWAN NG MGA ANGHEL AT NG MGA TAONG NAGGING BANAL, NA DINADASALAN O PINAG-UUKOLAN NG DASAL NA HINDI RAW NARARAPAT DAHIL ITOY TINURING RAW NATING DIOS.. AT NAGIGING KAPALIT NA NG TOTOONG DIOS...

BWENO , PAGTUUNAN MUNA NATIN ANG SALITANG DIOS AT ANG SALITANG BANAL...

SA BIBLIYA , SINABI NI KRISTO NA IYONG BINIBIGYAN NG MESAHE NG DIOS
AY TINATAWAG RIN NA dios AT SABI PA NIYA NA ANG KASULATAN AY HINDI PWEDING MAGKAMALI.. JOHN 10 : 35...

SINABI RIN NG AMA KAY MOSES NA GAWIN KITANG DIOS SA KANILA ( O PARANG dios ) EXO. 4 : 16 / EXO. 7 : 1 ... DOON SA KONSILYO NG MGA DIOS AY NANGUNGULO ANG DIOS... SAL. 82 :1, 6....

ANG LAHAT NA ITO AY TUWIRANG NAKASULAT SA BIBLIYA....

NGAYON SA SALITANG BANAL NAMAN TAYO...

MAY BANAL BA NA SALITA SA BIBLIYA ? O MAY TURO BA, NA MAY TAONG NAGGING BANAL SA BIBLIYA ?

ANG SAGOT, AY MAY ROON AT MARAMI :

SI ENOK... EXO. 5:24 HINDI SIYA NAMATAY KINUHA SIYA NG DIOS... SI ELIAS... 2 HARI 2:11 HINDI RIN SIYA NAMATAY, KINUHA RIN SIYA NG DIOS...
SI ZACARIAS AT ELISABET NA KANYANG ASAWA, NAMUMUHAY SILA NG KABANALAN AYON SA BIBLIYA.. LUK. 1:6.... ANG MGA APOSTOLES, BUHAY PA
AY GINAWA NA NG DIOS ANG KANILANG KABANALAN.. NA KAHIT BUHAY PA AY HINDI NA RITO SA SANGLIBUTAN... JUAN 17:14,16.

DAHIL SABI NG BIBLIYA " MAGSIPAGBANAL KAYO, NG GAYA SA AKIN " 1 PED. 1:16.... AT ANG MANGYAYARI SA TAONG TAOS PUSONG NAGSISI AT TUWIRAN NG NAGSISILBI SA DIOS AY KABANALAN.. ROM. 6:22..

SABI NGA NI SORIANO, ABAY PAGBABAWALAN MO BA ANG DIOS KUNG GAGAWA SIYA NG MARAMING dios ? EH.. PREROGATIVE NIYA IYON. PERO IISA LNG ANG DIOS NA WALANG SIMULA AT WALANG HANGGAN--( SAL. 90:2 )

NGAYON, KUNG ANG DIOS AY GUMAWA NG MARAMING dios, ( dios--- MGA TAONG MAY DALA NG MENSAHE NG DIOS NA INARI SA BILIYA NA PARANG dios GAYA NG PALIWANAG NI KRISTO JUAN 10:35 ) GAYON DIN NAMAN ANG
MGA TAONG GINAWA NA NG DIOS NA BANAL GAYONG BUHAY PA SILA... AT MAGIGING SA KANILANG KAMATAYAN... AT IYAN AY NAIPALIWANAG KO NA...

NGAYON KUNG GAWAN MO SILA NG LARAWAN, SA PAGKAKILANLAN NG KANILANG KABANALAN ITOY BAWAL BA SA MATA NG DIOS ?

ANG MALINAW NA SAGOT AY HINDI. DAHIL ANG PAGGAWA NG LARAWAN AY HINDI NAMAN IPINAGBABAWAL. ANG IPINAGBABAWAL AY KUNG ANG GINAWA MONG LARAWAN AY ITURING MO NA DIOS... AT KAHIT GUMAWA PA ANG DIOS NG MARAMING dios, SILA AY HINDI PA RIN NAMIN ITINUTURING NA NA DIOS BAGKUS SILAY ITINUTURO NAMIN NA BANAL NG DIOS DAHIL SILAY
KINALULUGDAN NG DIOS...

PATUNAY : NG MINSAN SUBUKAN NG MGA PARISEO SI HESUS KUNG DAPAT BANG MAGBAYAD NG BUHIS SA ROMA... SINABI NIYANG IPAKITA SA KANYA
ANG PERA... NG MAKITA NIYA ANG PERA, HINDI NIYA SINABING IPINAGBABAWAL NG DIOS ANG PAG-GAWA NG ANO MANG LARAWAN TULAD NG NAKIKITA SA PERA, BAGKUS TINANONG NIYA KUNG KANINO ANG LARAWAN NA NAROON SA PERA... ANG SAGOT NILA AY KAY CEASAR AT SINABI NIYANG IBIGAY KAY CEASAR ANG PARA KANG CEASAR AT IBIGAY SA DIOS ANG PARA SA DIOS..

ARAL : DITO NALALAMAN NATIN, NA KUNG KANINONG LARAWAN ANG GINAGAWA MO, EH DI, IBIGAY MO ROON SA MAY-ARI NG LARAWAN ANG NARARAPAT PARA SA KANYA... BILANG KUNG ANO SIYA... HINDI BILANG ISANG DIOS...

PANGALAWANG PATUNAY : DOON SA EXO. 20:1-6--AY IPINAGBABAWAL ANG PAG-GAWA NG ANO MANG LARAWAN NG KAHIT ANONG HAYOP NA NASA TUBIG LUPA AT SA ILALIM NG LUPA....

KAYA NGA SINASABI NILA SA MGA KATOLIKO KUNG BAKIT MAYROON SILANG LARAWAN NG ASO, BAKA AT KUNG ANO-ANO PA...

SAGOT : SA PANAHON NG PANGINOONG HESUS AY MAY ROON NA RING POWER POINT... PARANG POWER POINT ANG IBIG KUNG SABIHIN.....
DAHIL ANG HESUS MISMO AY MAY MGA LARAWAN NG HAYOP NA NAKA-POWER POINT... ITO--BASA-- GAWA 10:11-12--- O DIBA PARANG SINE
NA MAY ROONG TILON, AT NAROROON ANG KLAE-KLASING HAYOP SA TILON.

DI MALIWANAG NA HINDI BAWAL ANG MAGKA-ROON NG LARAWAN KAHIT NG MGA HAYOP...

NGAYON, BAKIT RAW ANG KATOLIKO AY NAGDADASAL RITO, BAKIT HINDI RAW SA DIOS NA SIYANG KARAPATDAPAT NA PURIHIN AT PAGDASALAN ?

SAGOT : KAIBIGAN HINDI GAGAWA ANG DIOS NG MARAMING dios, AT MGA BALAAN KUNG ITOY WALANG GAMIT SA KANYANG MGA PLANO AT MGA GAWAIN UKOL SA KALIGTASAN... MAGING ITOY BUHAY MAN O PATAY NA...

UNANG PUNTO : ANG GAWAIN NA IPINAGAGAWA NG DIOS SA KANILA NG SILA AY NABUBUHAY PA... PARA SA KATAWHAN NG DIOS.. ( PEOPLE OF GOD )

PATUNAY : EXO. 4:16 / EXO. 7:1---SINABI NG DIOS NA MAGIGING dios KA SA KANILA.... AT NG SILA AY NAGKAKASALA, HINDI SILA MAKAKAPAG DASAL DIREKTA SA DIOS AT SI MOSES ANG HINIHILING NILA NA MAGDADASAL PARA SA KANILA... NUM. 21:7...

NG GUSTO NA NG KAIBIGAN NI JOB NA SINA ELIPAS, BILDAD, AT SOFAR
NA BUMALIK SA DIOS AT SILA MISMO ANG MAGDARASAL AT HUMINGI NG TAWAD DOON SA DIOS, ITO AY HINDI TINAGGAP NG DIOS.. BAGKUS SINABI NIYA SA TATLO NA SI JOB ANG MAGDADASAL AT GAGAWA NITO PARA SA KANILA AT ITOY TATANGGAPIN NG DIOS... JOB 42:8...

NGAYON SA MGA BANAL NA PATAY NA NAMAN TAYO.. NAKAKATULONG BA ITO DOON SA MGA NABUBUHAY PA ?

UNA ANG TANONG, MAY TAO NA BA ROON SA LANGIT ?

MINSAN SINABI NG PANGINOONG HESUS NA WALA PANG TAO NANAKAKAPUNTA ROON SA LANGIT LIBAN SA ANAK NA NAGMULA ROON SA LANGIT...

KUNG ITO LNG TALATANG ITO ANG PAGBABASIHAN NATIN, AT HINDI NATIN TINGNAN ANG IBANG NAKASULAT AT TURO NI KRISTO SA BILIYA AY MASASABI NATIN NA WALA PA NGANG TAO SA LANGIT...

DI' BAT SI ENOK AT ELIAS AY KINUHA NA NG DIOS, ( GEN. 5:24 / 2 HARI 2:11 ) AT DINALA NA SA LANGIT..? O BAKIT SINABI NI KRISTO NA WALA PANG TAO NAKAKPUNTA ROON..?

MINSAN SINABI NI PABLO, NA SI KRISTO AY PUMAROON SA IKATLONG LANGIT.. O SA PARAISO... 2-COR. 12:2-3...

NGAYON SA BIBLYA MARAMING TINATAWAG NA LANGIT O PAKAHULUGANG LANGIT.... KESYO MAY LANGIT 1, LANGIT 2, LANGIT 3 KUNG MAY ROON MAN IYAN AY HINDI ANG PAKSA KO SA NGAYON... HAHABA TAYO LALO KUNG PAG-UUSAPAN PA NATIN IYAN.....

DITO TAYO SA TURO NG PANGINOONG HESUS :

SA MAT. 8:11-- SINABI NIYA, " TANDAAN NIYO ITO ; MARAMI ANG DARATING
MULA SA SIDLAKAN AT KASADPAN NA MAKIKIKAIN KASAMA NI ABRAHAM, ISAAC AT JACOB SA KAHARIAN NG LANGIT..

NGAYON MAY MGA NAGSASABING SA GENERAL JUDGEMENT RAW TIO MANGYAYARI....

DI' TINGNAN NATIN KUNG SA KATAPUSANG HUKOM BA ITO MANGYAYARI...

SA LUKAS 16:19-31--- DITO MABABASA NATIN ANG ISA SA PARABULA NI HESUS TUNGKOL SA DATU AT KAY LAZARO.. NA ANG DATU NG MAMATAY AY NAROROON SA APOY HABANG SI LAZARO AY NAROROON KAY ABRAHAM.

GENERAL JUDGEMENT NA BA ITO ?

SAGOT : HINDI, DAHIL SA PAGKAKATAONG ITO AY BUHAY PA SI MOSES
AT GUSTO NG DATU NA MAYROONG PATAY NA BABALIK SA MUNDO PARA SABIHIN ANG KATOTOHANAN. AT TUWIRANG SINABI NI ABRAHAM NA NAROROON PA SI MOSES NANGANGARAL SA KANILA...

SA MADALING SALITA PATAY NA SI ABRAHAM RITO, SI ISAAC AT JACOB DAHIL ANG PARABULA AY ITINAON NI KRISTO SA PANAHON NG PANGANGARAL NI MOSES...

AT SI LAZARO AY NAKAKASAMA NA NILA ABRAHAM....

AT DITO AY MALIWANAG NA ANG ISANG PATAY NA AY PWEDING HUMINGI,
MAKIKI-USAP, MAY DIWA AT NAGSASALITA, IYAN AY SA KASO NI ABRAHAM AT NG DATU... NA SIYANG TURO NG PANGINOONG HESUS...

KAYA NG AYAW NILANG MANIWALA KAY KRISTO, GANITO ANG PAGKAKASABI NI KRISTO SA KANILA...

KUNG NANINIWALA KAYO KAY MOSES AY DAPAT MANIWALA RIN KAYO SA AKIN, DAHIL SI MOSES AY NAGSUSULAT TUNGKOL SA AKIN... PERO 'WAG KAYONG MAG-ALALA... HINDI AKO MAGSUSUMBONG SA AMA.. SI MOSES NA IYONG PINANINIWALAAN ANG SIYANG MAGSUSUMBONG SA INYO..
JOHN 5:45-46... IYAN AY SA KABILA NG KATOTOHANAN NA MATAGAL NG PATAY SI MOSES.. NG ISILANG AT MAGTURO ANG PANGINOONG HESUS..

IYANG ANG PATUNAY NA SI MOSES AY NAROON NA SA LANGIT, KASAMA NA NI ABRAHAM....

AT NG UMAKYAT ANG PANGINOONG HESUS DOON SA LANGIT MAY MGA DALA NA SIYA NA MGA BALAAN.....EPFESO 4:8...

IYAN ANG KATOTOHANAN NA ANG TAONG BANAL NA HINIRANG NG DIOS
AY MAY ROONG MAGAGAWA SA TAONG BUHAY DAHIL ITOY KALOOB RIN NG DIOS....

NAGDADASAL BA ANG KATOLIKO DIRETSA SA DIOS ? OO NAMAN, KAYA NGA ANG DASAL NAMIN AY GANITO. DIOS NA AMA ,DIOS NA ANAK, DIOS NA
SPIRITU KAAWAAN AT DINGGIN NIYO KAMI... AT GANITO NAMAN ANG HILING NAMIN SA MGA BANAL NG DIOS... MAHAL NA BIDHEN MARIA DALHIN NIYO PO ANG MGA PANALANGIN AT KARAINGAN NAMIN SA PUSO NG ANAK NIYONG SI HESUS....

AT HINDI NAMIN ITINUTURING NA DIOS ANG MGA LARAWAN, BAGKUS GAYA NG SINABI NI KRISTO, IBINIGAY NAMIN ANG NARARAPAT PARA SA KANILA NA AMING NILALAWARANAN,,,

SANA MAKAKATULONG ITO SA PALAGING ATAKI NILA TUNGKOL SA LARAWAN...
Like · · Unfollow Post · 19 hours ago near Dipolog City

2 komento:

  1. kung lahat ng mga banal ng nangamatay na ay deretso na sa langit, sino pa ang babalikan ni Jesus dito? at sinong sasalubong sa kanya sa rapture?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may mga taong,titawag nating chosen,Jer. 1:5"Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa." Ito ay kaluoban ng Dios hindi ng tao O ni Soriano. Roma 8:Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, b silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat sa mula't mula pa'y alam na ng Diyos kung sino ang magiging kanya at ang mga ito'y pinili niya upang maging tulad ng kanyang Anak. Sa gayon, ang Anak ang naging panganay sa lahat ng maraming magkakapatid. Iyong ginusto ng Dios, na dalhin niya sa langit, ay dinadala niya tulad ng kanyang itinuturo sa Lukas 16:22-29, habang sinasabi niyang naroroon pa si Moses sa lupa at kasalukuyang nangangaral. Ibig sabihin na, ipinahihiwatig na niya sa tao, ang mangyayari doon sa mga napili na mapunta agad sa langit. tulad ng tulisan na kangyang pinangakuhan na makakasama niya kaagad.habang ang iba ay nangangaral pa dito sa lupa.Malinaw naman siguro iyon, sa biblia at mga texto na ibinibigay ko. At ng mabuhay si Kristo at pumaroon sa langit may mga dinadala na siya roon.Epeso 4:8Ganito ang sinasabi ng kasulatan:

      "Nang umakyat siya sa kalangitan,
      nagdala siya ng maraming bihag,
      at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao."
      Iyon 'yong napipili at nauuna, iyong iba at saka na.
      I hope it answer your question.













































































































































































      Burahin