MAGTANONG KAY BOY GADOR, BIBLIYA ANG SASAGOT SA IYO PART 2
TANONG : BROD BOY, MABASA BA BILIYA NA ANG MGA APOSTOLES AY GUMAWA NG LARAWAN ?
SAGOT : ALAM NIYO PO , MGA BROD AT SIS , KUNG NAGBABASA KAYO
NG BIBLIYA , AT TALAGANG ALAM NIYO ANG KAUTUSAN NG DIOS , HINDI
NIYO DAPAT ITATANONG ANG MGA GANOONG KLASING TANONG . SAPAGKAT
ANG TANONG NA IYAN AY ISANG KATANGAHAN .
PARA PO KAYONG
NAGTATANONG, " NA KUNG ANG ISANG TAO NA NAGTATAPOS NG
PAGIGING KAPITAN NG BARKO AY MAKIKITA BANG MAGPAPALIPAD NG
EROPLANO ?
ITO, BASAHIN PO NATIN SA BIBLIYA ANO.. ? BASA--
MAR . 1:16-20 / MAT. 4:18-22--- DITO NALALAMAN PO NATIN NA ANG
GINAWANG MGA APOSTOLES NI KRISTO AY PAWANG MANGINGISDA. (
FISHERMAN ) AT ANG SABI NI KRISTO, AY TUTURUAN SILA SA
PANGINGISDA NG TAO...
DIYAN PO SA TALATANG IYAN, WALA PO KAYONG MABABASA NA MAYROONG CARVER SA KANILA. AT LALO NAMANG HINDI MO MABABASA NA TUTUROAN SILA NI KRISTO NA MAGING CARVER . DAHIL ANG SABI PO NI KRISTO AY GAWIN SILANG MANGINGISDA NG MGA TAO..
ITO PA BASA , LUKAS 1:27 -- DITO NAMAN , SI MATEO NA MAY
PANGALAN RIN NA LEVI ANG SIYANG TINAWAG. PARA MAPASAMA SA 12
APOSTOLES. AT SI MATEO AY HINDI RIN CARVER. SIYA AY ISANG TAX COLLECTOR , BAKA CPA ITONG SI MATEO SA KANILANG KAPANAHONAN.. AT WALA KA
RING MABABASA SA BILIYA NA SIYA AY TINUROAN NI KRISTO NA
MAGING ISANG CARVER ...
NGAYON, PAPAANO SILA MAKAGAGAWA
NG ISANG BAGAY NA WALA SILANG KAALAM-ALAM ? NGAYON BAKIT NIYO
IPABASA SA BIBLIYA KUNG MAY MGA BAGAY BA SILANG GINAGAWA NA
GANYAN, ( LARAWAN ) GAYONG WALA SILANG KAALAM-ALAM ?
PERO SA BILIYA SISTER, MAY TAONG MAY ALAM AT MAGALING DIYAN.
ITO BASA -- EXO. 31:1-5 -- DITO SINABI NG DIOS KAY MOSES, NA
PINILI NIYA SI BESALEL, AT SIYAY PINONO NG DIOS NG KANGYANG
KAPANGYARIHAN AT KAALAM SA PAG-GAWA NG ANO MANG BAGAY SA
PAMAMAGITAN NG CARVINGS. SA KAHIT ANONG-URI, MAGING GINTO, PILAK, TANSO AT KAHOY.
KAYA DAPAT ANG TANONG SISTER, AY KUNG MAY NAGAGAWA BANG MGA
CARVINGS SI BESALEL? DAHIL, SIYA NAMAN ANG CARVER, HINDI ANG
MGA APOSTOLES... IYAN PO ANG SAGOT KO..
TANONG ULI : SA BAGONG TIPAN PO BA KAPATID NA BOY, MAY MABABASA PO BA TAYO NA MAY MGA NAGAWANG IMAHIN NG TAONG HIRANG NG DIOS NOONG ARAW TULAD NINA MOSES O ABRAHAN KAYA ?
SAGOT : ANG MABABASA PO NATIN SISTER AY GANITO.. BASA MAT.22:20-21-- DITO MABABASA PO NATIN NA NG SUBUKAN NG MGA
PARISEO SI KRISTO, KUNG NARARAPAT BANG MAG-BIGAY NG BUWIS SA
ROMA, HUMINGI PO SIYA NG PERA SA KANILA. NG MAIBIGAY NA ANG
PERA TINATANONG NIYA SILA, KUNG KANINONG MUKHA ANG NARIYAN SA PERA NG SAGUTIN NILANG KAY CEASAR, ANG SABI SA KANILA NI KRISTO,
AY " IBIGAY KAY CEASAR ANG PARA KAY CEASAR AT IBIGAY SA DIOS
ANG PARA SA DIOS..."
TATLO PO ANG ARAL NA KAPUPULUTAN NATIN DITO.
UNA -- NA DAPAT LANG TAYONG MAGBAYAD NG BUHIS...
PANGALAWA -- NA HINDI PO BAWAL ANG GUMAWA NG LARAWAN, DAHIL
KUNG BAWAL PA, DAPAT ANG SABIHIN NI KRISTO AY GANITO.." O..
BAKIT KAYO GUMAWA NG LARAWAN ? HINDI NIYO BA ALAM NA IYAN AY
IPINAGBABAWAL NG DIOS ? O..DI BA...?
AT ANG PANGATLO -- NA
KUNG GUMAWA KA NG LARAWAN AY DAPAT, IBIGAY MO ANG NARARAPAT
DOON SA MAY-ARI NG LARAWAN...
AT SI KRISTO AY ANG LARAWAN NG DIOS NA HINDI NAKIKITA.. COL. 1:15 ..
SIGURO SASABIHIN MO HINDI IYAN ANG SAGOT NG TANONG MO. DAHIL
ANG LARAWAN NA ITINATANONG MO AY ANG TUNGKOL SA LARAWAN NG
BANAL AT HINDI NG KUNG SINONG TAO..
KAYA KO INUNA
IYON SISTER, AY PARA PATUNAYAN SA IYO NA KAYA TALAGA NG MGA
CARVERS ANG KOMOPIYA NG LARAWAN NG ISANG TAO, KAGAYA NG
KUNG PAANO NILA NA KOPYA ANG MUKHA NI CEASAR SA MGA PANAHONG
IYON. AT ANG USO NOON AY ANG CARVINGS, DAHIL WALA PANG CAMERA
SA PANAHONG IYON..
ITO NAMAN ANG MASABI KO SA IYO TUNGKOL SA LARAWAN NG BALAAN ( BANAL )..
BASA -- LUKAS 9:30,33 -- DITO MABABASA NAMAN NATIN NA NG
MAGDASAL ANG PANGINOONG HESUS, BIGLANG LUMITAW SA TABI NIYA SI
MOSES AT SI ELIAS. AT ITOY LUBUSANG NAKILALA NINA JUAN, PEDRO
AT SANTIAGO.
PWEDE NAMANG SI ABRAHAM, O KAYA SI
JACOB, O KAYA SI ADAN ANG NAKAKASAMA NI KRISTO SA PAGKAKATAONG
IYON ? PERO MAGTATAKA KA... BAKIT NAKIKILALA NILA, NA YAON AY
SI MOSES NGA AT SI ELIAS ?
AT ANG PATOTOO NA HINDI SILA NAGKAMALI, AY NG SABIHIN NI PEDRO NA GAGAWA SIYA NG TATLONG KUBO PARA SA KANILANG TATLO. ( KAY MOSES , KAY ELIAS , AT KAY HESUS )
KUNG NAGKAMALI SANA SILA NG PAGKAKAKILALA, DAPAT SABIHIN NA NI
KRISTO, NA MALI SILA, DAHIL ANG NAKASAMA NIYA AY, SI SAMSON
AT SI DELAYLA.... ( HALIMBAWA LNG PO ANO.. )
ANO
BANG KAPUPULUTAN NATIN DITO ? ANG KATOTOHANAN PO, NA KUNG HINDI
NAKIKITA NI PEDRO, ANG LARAWAN NI MOSES AT NI ELIAS AY
HINDI NILA ITO MAKIKILALA DAHIL ANG DALAWANG ITO AY LIBOANG
TAON NA, NA NAMATAY BAGO ISINILANG ANG KRISTO..
IYAN PO
ANG TINATAWAG NATING IMPLICIT.. ANG PAGKILALA SA KATOTOHANAN
NA ITINURO SA BIBLIYA, KAHIT ITOY HINDI TUWIRANG NABABASA LETRA
POR LETRA.. ( IMPLIED TRUTH IN THE BIBLE )
KAGAYA PO
NG AWITING " LARAWANG KUPAS " NA KAHIT ITOY KINUPAS NA NG
NAGDAANG PANAHON, PERO NANATILI PA RIN ANG KATOTOHANAN NA ITOY PATULOY NIYANG MINAHAL, ( ANG MAY-ARI NG LARAWAN HINDI
IYONG LARAWAN ) KAHIT MAN LNG SA NALALABING LARAWANG KUPAS NA
HAWAK NIYA...
SA SUSUNOD MARAMI PA...
sablay ka na naman Gador! ang nakita ng mga apostoles ay hindi larawan ni Moses at Elias kundi sila mismo in the form of glorified body!
TumugonBurahinTama ka kaibigan, ang nakita nila ay mismong si Moses at si Elias, kaya nga malinaw na sinasabi nila ang mga pangalan nito, dahil hindi nga si Abraham iyon, O kung sino paman.. Ang punto, ay papaano mo ito, O nila makilala, dahil hindi naman nila ito nakikita ng personal. Ang mga taong ito ay ilang daan ng taon ng patay .maliban nalang kung ang mga ito ay nakikita mo sa kanilang naiiwang larawan, Iyan po ang logic niyan.
TumugonBurahinBesides, kaibigan capricorn aalamin natin ang ibat-ibang uri ng larawan. picture, ay larawan, ang carvings ay larawan, ang tao ay larawan ( Col.1:15/ Gen. 1:26 )kahit ang iyong imakinasyon ay lumilikha ng larawan.
TumugonBurahin