Sabado, Nobyembre 1, 2014

MALI NGA BA NA MAY KOMPISAL ?

m · 
Pag-aralan natin ngayon ang tungkol sa programa sa INC na ipino-post ni Flores sa INC and catholc open forum. Ito ay ang tungkol sa KOMPISAL ng ginagawa ng mga Katoliko.
maganda ang punto ng programa nila, kung tingnan mo sila sa kanilang mga soot na amercana, pormang -porma talaga. At mukhang kapanipaniwala..at sadya namang magaling ang batuhan nila ng dialogue.
Bueno, tingnan natin kung alin nga ang tama sa mga puntong pinalalabas nila.
una, wala raw sa biblia na ang isang tao tulad halimbawa ng isang pari ay makakapagpatawad ng kasalanan.
. Isa.43:25- Ang Dios mismo ang naglilinis ng ating mga kasalanan, para sa Kangyang karangalan.
Mar.2:7- Dios lang ang makakapagatawad ng kasalanan.
1 Juan 1:9- Sa Dios tayo magtatapat ng ating mga kasalanan para sa Kanyang kapatawaran..etc...

Tama po ba ang mga texto na iyan ? 100% po na tama iyan. Pero mayroon silang nakaligtaan... o sadyangh hindi lang nila alam.. Dahil sa turo po nila ( INCM ) si Kristo ay tao at hindi Dios.
At ang taong si Kristo ay may kapangyarihang magpatawad ng ano mang 
kasalanan
Matt 9:6 ( KJV )-But that ye may know that the son of man hath the power on earth to forgive sins.....
O! di hindi lang Dios ( ayon sa turo nila ha ? na si Kristo ay tao lang ) ang nagpapatawad kundi ang tao ring si Kristo ? di ba ?
Ngayon tungkol naman sa pagpapatawad raw na ginagawa ng isang Pari.. Si Kristo ba ay Pari ?
Heb. 7:26 ( KJV ) -.For such a high Priest became us, who is holy,....
O ayan maliwanag na ang tao ay nakakapagpatawad ng kasalanan at mismong pari, a high Priest o Pangulong pari sa tagalog.
Baka naman sabihin nila bukod tanging kay Kristo lang iyon hindi para sa ibang tao o ng paring Katoliko ? at dahil wala na si Kristo kaya iyong mga pagpapatawad na iyon ay wala na rin ? he..he..he..
Bueno, bago natin sagutin iyan bibigyan muna natin sila ng logic, hindi ko sinasabing walang ka logic-logic iyong kanilang pangangatuwiran, mayroon naman, pero hindi logic ang tawag roon logic-logican.he..he..Kaya laging paltos ..he..he..
Una ,pwede bang sabihin ng Dios doon sa langit na ikaw ministro F.Manalo pinatawad ko na, dahil ikaw ay isang anghel sabi mo..he..he..he..pwede ba? pweding -pwede, bakit hindi ? Eh Dios nga siya, at kahit ano ay pwede naman niyang gawin lalo na sa isang anghel, di ba?walang hindi magagawa ang Dios. o bigyan natin ng texto Luc. 1:37..
Pero bakit ginawa pa niyang tao si Kristo at pinapunta rito para magpatawad? bakittt...? BAKIT mga INCM..?
Hindi niyo alam ? o di wag na muna nating pag-usapan..Ang pag-usapan natin ay iyong ginagawa ng taong Kristo na sinasabi niyo..OK ?
Samadaling salita ginusto ng Dios na magkakaroon ng taong gagamitin niya para sa ating kapatawaran, maliwanag ba ? ito, basa..
Mat. 9:6- Ngayon ipapakita ko sa inyo na ang anak ng tao ay may karapatang magpatawad ng mga kasalanan dito sa lupa.....
NOTE: ang sinabi niya " ay ang anak ng tao ay may karapatan magpatawad dito sa lupa " Tandaan po natin na hindi Niya ginamit ang salitang AKOY KAISA-ISANG ANAK NG DIOS KAYA PWEDING MAGPATAWAD NG KASALANAN.o di malinaw na ang tao ay pwede ng magpatawad ng kasalanan dito sa lupa.. AT KUNG ANG ANG ANAK NG TAO AY PWEDING MAGPATAWAD, KUMUSTA NAMAN KAYA ANG INA AT AMANG TAO NA SIYA NIYANG PINAGGAGALINGAN, BILANG ISANG TAO DITO SA LUPA, PWEDE RIN BANG MAGPATAWAD NG KASALANAN ?  DAHIL SA ANG KANILANG NAGING ANAK AY PWEDE MANG-MAGPATAWAD ? Siguro.. sasabihin niyo kay Kristo lang iyon, hindi kasali iyong mga Pari..at iba pa riyan,he..he..
O sige, tingnan naman natin kung ano ang ginagawa ng taong Kristo.ito basa..
Jn. 17:14 -Ibinigay Ko sa kanila ang Iyong mga salita.Kinamuhian sila ng mga taga -mundo. Dahil sila ay hindi na taga-mundo, tulad ko hindi taga-mundo. 18- Isinugo Ko sila sa mundo gaya ng Ako ay isinugo Mo sa mundo..
O ayan maliwanag na buhay pa ang mga apostoles pero allien na, dahil hindi na raw sila taga mundo, at ang maliwanag pa ay ito na rin ang gumagawa ng mga gawain ni Kristo na siyang pinagagawa ng ama sa Kanya. di ba? Gaya ng siya ay pinadala ng Ama itong mga apostoles niya ay siya na ring pinadadala, at ibinigay Niya roon ang mensahe ng Ama..
Ngayon, ano -ano ba talaga ang gawain ni Kristo ? marami di ba? pero iyong pagpapatawad ng ating mga kasalanan ang pinaka- sentro in particular di ba?
Ngayon, iyon bang karapatan niya sa pagpapatawad ng kasalanan na siyang mensahe ng Ama para sa atin ay hindi ba nakasama sa gawain ng mga apostoles ? at siyang sentro ng pakay ni Kristo dito sa mundo ?
Sa umpisa palang ng itatag niya ang Iglesya ay malinaw na iginawad na niya ito kay Pedro at sa mga apostoles.
Mat. 16:19-at ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng langit, ang tatalian mo sa lupa ay nakatali rin sa langit at pawawalan mo sa lupa ay gayon rin sa langit.
Mat> 18:18-sabihin ko sa inyo na ano mang ipagpatawad niyo rito sa lupa ay pinapatawad roon sa langit at hindi niyo pinapatawad dito sa lupa ay hindi rin doon sa langit.
Alam naman nating lahat na ang makakapunta lang ng langit ay yaong napatawad na ng kanilang kasalanan..
Ito pa isang logic.. ang sakit at kamatayan ay dahil sa kasalanan, ( Rom. 5: 12 ) kaya ng sabihin ni Kristo sa isang may sakit na pinatawad ka na..ibig sabihin po ay gagaling na siya, dahil ang kapatawaran ang ating kagalingan..
Mat. 9:6-Para malaman niyo na may karapatan akong magtawad ng kasalanan dito sa lupa, sinabi niya sa paralitiko bumangon ka at buhatin mo ang iyong higaan..
Ayon maliwanag po na kaya ka gumagaling dahil sa pinatawad ang iyong kasalanan..ngayon nagagawa ba o ginagawa ba ito ng mga apostoles? Nagagawa po nila ang pag-papagaling dahil ibinigay rin sa kanila ang karapatan ng pagpapatawad.
Juan 20: 23-Kung patatawarin niyo ang sala ng mga tao ito ay pinapatawad, pero kung hindi ito ay hindi rin pinapatawad,..
Samadaling salita iyong karapatan ni Kristo na magpatawad ay ibinigay rin doon sa mga taong sumunod sa kanya bilang mangangaral..
Ngayon ang sabi ng magaling na INCM na hindi raw ito naintindihan ng mga katoliko, dahil iyon raw kapatawaran na iyon ay nagagawa lang daw ng mga apostoles sa panahong sila ay nagbinyag.. ASUUSSUSS..
Bueno,pagbibigyan ko kayo.. ito ilalahad ko ang mga texto sa biblia para makapag-aral naman kayong muli at tumama man lang ang palsong pangangatuwiran niyo.
Ito ang mga texto ng kapatawaran :
Mat. 16:19-ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng langit at ang tatalian mo dito sa lupa ay ay nakatali rin doon sa langit, at ang pawawalan mo dito sa lupa ( meaning forgiveness ) ay pawawalan rin doon sa langit.
Mat. 18:18- Ang patatawarin niyo sa lupa ay patatawarin rin sa langit at hindi ay hindi rin sa langit..
Juan 20:23- ang patatawarin niyo dito sa lupa ay patatawarin rin sa langit at ang hindi ay hindi rin sa langit.
Ito naman ang sa binyag..O bautismo..
Mat. 28: 19-Kaya humayo kayo sa sanglibutan at gawin niyo silang aking mga alagad at bawtismohan niyo sila sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo.....
mar. 16:16-maliligtas ang lahat na sumampalataya at magpabautismo ngunit ang hindi sumampalataya ay hindi.
Juan 3:5- Sasabihin ko sa inyo na walang makakapasok sa kaharian ng Dios liban na lang kung siya ay isinilang muli sa pamamagitan ng tubig at Espiritu.
Ngayon, kung ang binyag ay iyon ang karapatan ni Kristo ng pagpapatawad, di ba dapat sinabi niya doon sa may sakit na hala punta ka rito para mabinyagan ka at ng gumaling ka na... o kaya ganito nalang , Ang inyong binyagan ay napatawad na at ang hindi ay hindi, di ba ? he...he... he...ano ba kayo mga mini=istro..o kaya ganito na lang ang inyong binyagan dito sa lupa ay binyagan doon sa langit at hind niyo na binyagan ay hindi rin binyagan doon sa langit, ngeee ang sagwa naman.. tingnan nga niyo iyong turo .niyo.. kung alin ang tumatama...
Alam niyo po hindi po Pari ang nagpapatawad kundi ang Dios rin. instrumento lang ang Pari tulad ng mga apostoles, kaya pag-sinabi ng pari na pinapatawad na kita, iyan ay dahil kay Kristo o sa pamamgitan ni Kristo hindi ng sarili nila.
ITO HALIMBAWA;
Gawa 3:6-Ngunit sinabi ni pedro,"wala kaming pilak o ginto na maibibigay sa iyo.ngunit ibibigay ko sa iyo ang nasa akin sa pangalan ni Hesu-Kristong taga nazareth, lumakad ka.
Ayon, gumaling iyong tao, bakit gumaling?, dahil tulad ng sinabi ni Kristo, Mat. 9:6 ang kapatawaran ay ang pagaling mo mula sa iyong kasalanan. at iyon ay naka kay Pedro na rin. Masasabi nating si Pedro nga ang nakita nating nagpagaling ngunit tama ang sinabi ni Pedro na iyon ay nasa kanya nga pero kay Kristo iyon na taga nazareth.. ayon naintindihan niyo ba iyon..
Ganoon ang KOMPISAL NAMING MGA KATOLIKO...nasa biblia, hindi lng niyo gustong unawain.. kaya nagpapalusot pa kayo. ngeee....... iyong binyag raw ang ibig sabihin ni Kristo na karapatan sa pagpapapatawad.. ngeekkk.. tamang sa pamamagtan ng pagtanggap ng binyag ay malilinis ka sa pamamagitan ng dugo ng Panginoong Hesus.dahil sa ikaw ay naniniwala.. Pero iba ang bingyag sa pagpapatawad. dahil kung sasabihin niyo na ang binyag ang siyang karapatan ni Kristo sa pagpapatawad ng sala, ibig sabihin si Juan bautista ay matagal ng nagpapatawad ng sala.. bago palang si Kristo..ngeekkk ano ka...
LikeLike ·  · 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento