Sabado, Nobyembre 1, 2014

ANG PANGINOONG HESU-KRISTO NA TAGAPAMAGITAN NG TAO AT DIOS

ANG TAGA-PAMAGITANG NG TAO AT DIOS NA SI HESU-KRISTO
Pag-aralan naman natin ngayon, ang puntong madalas talakayin ng mga kapatid nating INCM. Ang tungkol sa taga-pamagitan raw ng tao at ng Dios na walang iba kundi ang taong si Hesu-Kristo.
1)PUNTO: 1 Tim. 2:4-5-Sapagkat iisa ang Dios at iisa ang taga-pamagitan ng Dios at ng tao, at ito ay walang iba kundi ang taong si Hesu-Kriso.
Kaya kung siya ( Kristo ) ay Dios, Siya rin ang namamagittan ng tao at sa Kangyang sarili?
2) ANG DIOS AY HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?” (Bilang 23:19)
3) “NGUNIT SA GANANG ATIN AY MAY ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya.” (1 Cor 8:6)
4) Juan 20:17 “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, aakyat ako sa AKING AMA at INYONG AMA, at AKING DIOS at INYONG DIOS.”
KAYA MALIWANAG PO NA SINASABI RAW SA BIBLIA NA ANG DIOS AY HINDI TAO, AT ANG KRISTO AY ISANG TAO NA TAGAPAMAGITAN NG DIOS AT SA TAO. NA SIYANG NAGPAPAKILALA SA IISANG DIOS NA AMA..
Tama ba ang lahat na ng textong ito? Malinaw na tamang-tama po ang mga textong iyan.. dahil lahat na iyan ay pawang nakasulat sa biblia.. Ang hindi lang po tama ay ang kanilang batayan na sapat na ang mga textong iyan para mag disisyon na ang Dios ay hindi pweding maging tao O si Kristo ay isa lang tao at hindi Dios. At para malinaw umpisahan natin sa pag-gawa ng Dios sa tao.
GEN.1:26-At sinabi ng Dios gagawin natin ang tao na kawangis natin…..
NOTE: Ang sabi po ay kawangis natin, sa madaling salita may kasama po ang Dios ng gawin ang tao, dahil sa gawin natin ang sinabi Niya. ( kung sino man ang kasama ng Dios nilalahad ko na rito iyan noon, pero sa ngayon at saka na natin pag-uusapan ) at mahihinuha natin na ang Dios pala ay may anyo at tayo ay doon naka-patern sa anyong iyon. Dahil malinaw naman ang pagkaka-sabi, na gawin natin ang tao na kawangis natin.
So in the near future, mababalangkas po natin na pwede rin sigurong Makita natin ang Dios dahil sa Siya’y kawangis nga natin. Totoo bang may anyo ang Dios at tayo’y kawangis nga Niya ? Ito sasagutin iyan ni Kristo.
JUAN 14:7- Nyayon nakikilala na ninyo Ako, at makikilala na rin ninyo ang aking Ama, at mula ngayon nakikilala na ninyo Siya at nakikita. 8-sabi sa  Kanya ni felipe,”Panginoon, ipakita ninyo sa amin ang Ama, at kami’y masisiyahan na.9-“Matagal na ninyo Akong kasama” sagot ni Hesus, “ ngunit hindi mo pa Ako nakikilala Felipe”? Kung nakikita ninyo Ako , nakita na rin ninyo ang Ama. Bakit mo sinasabing ipakita Ninyo sa amin ang Ama ? 10-Hindi kaba naniniwalang Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa Akin? Hindi galing sa Akin ang sinasabi Ko sa inyo. Ang Amang nasa Akin ang gumagawa ng mga ginagawa Ko.
Ayon…. ditto marami po tayong mapag-aralan at matotohan. Una, ang mukha pala ni Kristo ay mukha rin ng Ama, hindi lang mukha kundi ang buong Siya ay ang anyo rin ng Ama.di ba ? pangalawa, na ang kasama pala ng Ama ng gawin Nila ang tao ay si Kristo mismo, dahil ng sabihin Niya na gawin natin ang tao na kawangis natin, nakikita natin ang kawangis natin na si Kristo mismo, samadaling salita si Kristo at ang Ama ang magkasama ng gawin Nila ang tao na kawangis Nila, na siyang pinagkopyahan ng Dios ng gawin Nila ang tao. O di ba ? Pangatlo, sinabi rin ni Kristo na matagal na nila Siyang kasama ngunit di pa rin nila kilala, di parang ang mga INCM hanggang ngayon hindi pa rin nila kilala si Kristo, he..he.. Ang sabi ni Kristo “Ako ay nasa Ama, nasaan ba ang Ama? Kung naroon ang Ama sa langit o nasaan man dako tiyak naroon rin si Kristo, O di ba? At sinabi rin ni Kristo na ang Ama ay naroon rin sa Kanya, eh tama lang, alangan namang Siya lang ang nasa Ama tapos iyong Ama ay wala sa Kanya. He…he.. hindi naman tama iyon..di ba ? na ibig sabihin asan man si Kristo naroroon rin ang Ama.May katotohanan ba itong sinabi niya ? Juan 10:30 ang Ama at Ako ay iisa.
Dito pa lang, lahat na dapat nating maunawaan ay masasagot na ang mga katanungan nila.(INCM ). Maliwanag po na sa pamamagitan ng pagiging tao ni Kristo Siya ang namamagitan ng Dios at ng tao, At ang lahat na ginagawa Niya ay siya ring ginagawa ng Ama, at ang taong ito ay ang anyo ng Ama..
HALIMBAWA : kaharap mo ang larawan mo, masasabi mo bang hindi ikaw iyon ? Syempre hindi ikaw iyon dahil larawan mo lng naman iyon. Malabo ano?he..he..ganyan talaga iyon dahil mahiwaga ang Dios. Syempre si Kristo iyon na nakikita natin bilang tao,Subalit, maliwanag na ang nakikita natin ay ang anyo ng Ama.At ang Ama na gumagawa ng mga ginagawa Niya, ay tahasang hindi natin nakikita.Pero dapat pong tandaan na sinasabi rin Niya na ang Ama na nasa Kanya ang gumagawa ng lahat ng ito.
Siguro sa pagkakataong ito pwede na nating sabihin sa kanila (INCM ) NA ANG NAMAMAGITAN SA TAO AT NG Dios ay ang larawan ng Ama na si Kristo. Larawan lng muna ha..he…he…
Pero dagdagan po natin, Ang sabi nila ang Dios raw ay hindi tao. Tama po yon, mahirap naman na ang tao ay Dios rin, di pariho na tayong Dios asan na tayo magdadasal, sa ating sarili..? Pero ang Dios ba pweding mag-anyo ng tao O magkatawang tao? Ah..pweding –pwede, kung gusto ba Niya bakit makikialam tayo sa gusto ng Dios ? Eh,… sa kaya naman niyang gawin.. di ba ? Pero baka naman sasabihin nilang guni-guni lng ni boy iyon ? Ito umpisahan ko muna sa Anghel. Ang anghel ba pwede maging tao ? O mag-anyong tao ? pwedeeeee….
JOSUE 5:13-Nang malapit na si Josue sa Jerico nakita siya ng tao na may hawak na espada at tinanong niya ito, sundalo ka ba ba namin O kalaban ? 14-Sumagot ang lalaki, “ hindi niyo ako sundalo O kalaban,kumander ako ng sundalo ng Panginoon” dumapa si Josue bilang pagsamba at nagtanong,” Panginoon ano po ang gusto ninyong ipagagawa sa akin na inyong lingkod? “
TOBIT 12:19-Nag-iisip kayo habang tumitingin sa akin na kumakain, pero sa totoo lang, sa tingin lang niyo ako kumakain..pero sa totohanan hindi.
Ayan.. marami pa iyan pero iyang dalawa lng ay sapat na.. na ang anghel ay pwede ring mag-anyong tao at magpapakita sa atin, at ang anghel na si Rafael ay tuwirang sinabi na sa anyo niyang tao nakikita siyang uminom at kumakain sa tingin ,pero sa totoo lang hindi naman siya kumakain..
Ngayon, ang Dios kaya ay nagagawa rin ang ganito? Ah..nagagawa nga ng anghel ang Dios pa kaya.?
ITO PA ISA : GEN.32:28-Sinabi ng tao,” simula ngayon hindi na Jacob ang pangalan mo kundi Israel na dahil nakikipagtagisan ka sa Dios at sa tao at ikaw ay nanaig..
NOTE : Ang salitang gamit dito ay Dios at tao. ( nakikipagtagisan ka sa Dios at sa Tao ) na ang tilulong Dios at tao kay Kristo na ginagamit ng mga Katoliko ay ginagamit na noon pa man. Na maliwanag na ang Dios ay pweding maging tao, pero tamang ang tao ay hindi pweding maging Dios.
ITO PA: GEN.18:17-Sinabi ng Panginoon “hindi ko itatago kay Abraham ang gagawin Ko.18-maging malaki at makapangyarihang bansa ang lahi niya sa hinaharap, at sa pamamagitan niya makakatanggap ng pagpapala ang ibang bansa.Pinili ko siya para maipatutupad niya sa kanyang mga anak at mga lahi niya ang mga utos ko na gumawa sila ng tama at matuwid.Sa ganoong paraan matutupad ang pangako ko sa kanya.
NOTE: Dapat pong malaman natin na ang nagsasalitang iyan, sa talata pong iyan ay kaharap mismo ni Abraham at ang ginagamit niya ay ang SALITANG KO, at iyan po ang taong kinakausap ni Abraham na sana hindi itutuloy ang parusa sa Sodoma at Gomora kung may matatagpuang iilan na mabuting tao sa lugar nila.(GEN: 18:20-33 ) na sa talata pong ito malinaw na sinabi ng taong kausap ni Abraham na SIYA ang pumili at nanalangin kay Abraham.. balikan natin ng kaunti ang GEN 17:5-6-Mula ngayon hindi na Abram ang itatawag sa iyo kundi Abraham na ,Dahil gagawin kitang Ama ng maraming bansa……
Kaya malinaw po na ang Dios na nanalangin kay Abraham ay nakakausap mismo ni Abraham sa anyong tao. Na siya mismong nagsasabi na pwede pang manganak si Sara kahit itoy matanda na.At mismo SIYA rin MISMO ang pinakikiusapan ni Abraham alang-ala sa Sodoma at Gumora.
Ngayon tama ba ang sinabi ni Kristo na wala pang nakakakilala O nakakakita ng Dios bukod sa Kanya? Juan 7:20 / Juan 3:13. Tama po yon dahil ang Dios ay Espiritu Juan 4:24..Sa kalagayan ng Dios bilang Espiritu ay hindi talaga natin nakikita ngunit kung ginugusto niyang mag-anyo ng tao tulad rin ng ginagawa ng mga anghel, nakikita nating siya sa anyong tao, hindi sa pagiging Dios..Ngayon pwede bang ipanganak ang Dios,? Hindi po ang Dios ang ipinanganak, kundi iyong pagiging tao niya..Katulad ng kay Kristo, nariyan na siya bago ipinanganak Juan 17:5 /Juan 3:13.. pero ang pagiging tao niya para sa kapatawaran ng ating kasalanan iyon ang ipinanganak para may roong ipapako sa krus. At iyon ang sagot sa tanong ng mga apostoles na sino nalang ba ang maliligtas ? at ang sagot ni Kristo ay hindi iyan nagagawa ng tao pero nagagawa ng Dios.Mat. 19:25-26. At ang kaligtasan na iyan ay ang mismong sinabi ni Pablo sa sulat niya sa taga Efeso, Efe.2:8-9..na huwag tayong magyabang dahil ang ating kaligtasan ay hindi natin kagagawan. At ang kaligtasan ito na para sa atin na hindi tayo ang gumugawa,ay ang kamatayan niya sa Krus,2 Cor. 5:15… Ang kaligtasan po ay kagagawan ng Dios at participation ng tao,( DIOS AT TAO ) ang kay Kristo,bilang tao at Dios ay natapos na. Ang sa atin ay gagawin pa.At patuloy pa nating gagawin..
Iyon ang tao at Dios at ang tagapamagitan na si Kristo Hesus..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento