Martes, Disyembre 24, 2013

TUMALIKOD NGA BA?

Ako, marami na ring nakaka-usap na kaibigang INC, iyong iba ok naman pero iyong iba, tulad rin ng ibang katoliko hindi rin ok.. he...he...he.. tulad ko kung minsan hindi rin ok.. ngyek..

pero ito pa rin tayo, bangayan pa rin ng bangayan... pero maganda naman di ba ? ang hindi lang maganda iyong sobra na ang salita at medyo may kahalo ng murahan, syempre parihong nangagaling sa kapuwa at walang itulak kabigin

pero.. dito pa rin tayo sa walang katapusang isyu;

ok, balik tayo sa turong KATOLIKO at turong INC,..

Sabi ng INC tumalikod ang totoong Iglesya na itinayo ni Kristo dati..

Sooooo... tingnan natin kung ano ang gusto nilang palabasin sa sinabi at itinuro nilang (INC) ito.

Ang sabi ni Kristo, na itoy hindi niya iiwanan, at mananatili siyang kasama nito ( ng Iglesya ) hanggang katapusan ng mundo.

kung, totoong tumalikod ang Iglesya na itinayo ni Kristo, ibig sabihin iyong katawan niya lang ang tumalikod dahil siya naman ang ulo ng Iglesya, (Col. 1:18 ) at ang katawan niya ang kanyang Iglesya na siya nga mismo ang nagtatayo..

Pero, itoy hindi niya iiwanan at hindi naman maaaring kasama siya sa tatalikod di ba?

Ngayon tingnan niyong maige ngayon ang Iglesya ng Panginoong Hesus, ayon sa turo nila.. kung tumalikod ang katawan, tapos nananatili ang ulo, dahil hindi naman maaring tatalikod kasama ang ulo na mismong si kristo, di ba? ang mangyayari iyong mukha ni kristo ay nasa likod na ng kangyang katawan na tumalikod nga.. o di ba, iyon ang turo nila? dahil sabi naman ni Kristo na kahit kailan hindi niya iiwanan ang kanyang Iglesya.

O, di ginawa nilang katawatawa si Kristo, patawarin sana kayo ni Kristo, sa kagaguhan niyo..

Ngayon, sabihin naman nilang, hindi bro, tuluyan talagang nawala iyang Iglesya na iyan.. APOSTACY raw..

O kita mo, iyon lang salitang nawala, ay hindi mo makikita sa bibliya? pero, napapaniwala nila ang mga tao sa totoo raw turo ni manalo..

Tapos iyon pang salitang apostacy, na imbento rin ni MANALO, asan ba mababasa sa biliya iyon? tapos ang lalaki ng litid na magsasabi na kailangan
ang maging aral ay kailanganpawang nasa bibliya.. bulaan talaga..

O, di CG, ipagpalagay natin na tama sila sa salitang apostasya, ( hindi iyan mababasa sa bibliya ha? pinagbibigyan ko lang kayo ) o talagang nawawala na kay Kristo ang tamang Iglesya, dahil naligaw nga raw at hindi totoong kanya pa rin dahil iba na raw ang itinuturo..

Ngayon, tingnan naman natin kung ano, ang nangyayari kay Kristo ayon sa turo nila....

Ang sabi ni kristo. siya ang ulo ng Iglesya, Col. 1:18, at ang iglesya ang kanyang katawan Epeso 5:23, na siya niyang ililigtas.. at ipinapangakuhan na sasamahan niya hangang sa katapusan ng mundo, Mat. 28:20..

O di ang nagyayari, ay iniwanan siya ng kanyang katawan, na siya niyang Iglesya, kaya si Kristo ay pinagagala nila ng mahabang panahon sa mundo na puro ulo lng ng Iglesya at walang katawan, dahil iniwanan siya ng kanyang katawan, he..he..he.. di ba? O eh..iyan naman ang turo nila di ba?

At nagkaroon lang ng katawan si Kristo noong 1914, dito sa Pilipinas, at pasalamat si Krieto kay MANALO dahil kung hindi naging SUGO si MANALO hindi na magkakaroon ng katawan si KRISTO..

SUSSSS.... kilabutan kayo sa mga itinuturo niyo.. parang mas-matindi pa kayo sa DIOS, ..

IYAN BANG TURO NA IYAN SIGURADO KAYONG MALILIGTAS KAYO?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento