Martes, Hunyo 14, 2016

ASAN BA TALAGA NAKATIRA ANG DIOS ?
O ASAN BA NAKATIRA ANG DIOS BAGO NIYA GINAWA ANG LANGIT ?
Ang ADD ( mga kasapi ni Soriano ) ay tahasang nagyayabang na si Soriano lang talaga ang nakakasagot sa tanong na ito . Maaring may sumasagot rin na kahalintulad ni Soriano pero lumalabas na nangongopya na ito kay soriano..
It's been years, na ayaw kong pakialaman ang isyung ito. Sa totoo lang ke.. mali o tama, si Soriano, ipinaubaya ko na sa Dios, ang kanyang kasagutan.
Alam niyo kasi, naniniwala kasi ako na kapag sinasabi mong ito ay tama, aayon ka sa kanyang katuwiran. At pagsinabi mo naman na mali siya, sasabihin mo naman kung bakit siya mali, at syempre alam mo ang katotohanan. ( ikaw na ang magsasabi sa tamang tirahan ng Dios para patunayang mali ang kanyang tinuran )
Actually hindi ako sang-ayon sa kanyang sagot, kaya lang hindi ko rin ito masabi noon ,kasi baka ako na naman ang tatanungin kung nasaan gayong hindi ko naman talaga alam, kaya hindi ko na ito pinakikiaalaman.
Pero ngayon dahil sa nakalkal ito, minamabuti ko, na ma-share ang aking kadahilanan..
Umpisahan natin sa ganito, ang aming kaparian, ( Catholic Priest)
ay madalas raw sumagot na MISTERYO IYON BROTHER, kaya kinakantiyawan nila na ang mga pari ay wala raw alam, na kapag hindi masagot, sinasabi agad na MISTERYO IYAN, MAHIRAP IYANG UNGKATIN, DAHIL IYAN AY TUNGKOL SA PAGKA-MATALINGHAGA NG PANGINOON.
Ngunit sa kanila lalo na si Soriano, lahat raw ay nasasagot, lahat raw ay alam.
Ito ang isa sa hindi ko gusto sa kanilang mga kayabangan. Kasi pag ang isang tao ay nasasagot mo ang lahat tungkol sa kanya, ibig sabihin wala siyang maitatago sa iyo. Na kaya mo siyang hubaran, at isiwalat ang lahat-lahat sa kanya, dahil alam mo na nga ang lahat tungkol sa kanya. di ba ?
Ganoon ba sa kanila ang Dios ? Alam nila lahat ang tungkol dito ? Na kapag sinasabi ng pari na ito ay hindi kayang sisirin ng isip ng tao, dahil ito ay ang misteryo ng kadakilaan ng Dios, sasabihin nilang bobo iyong pari at sila ang matalino dahil alam nila lahat ito?
Sa biblia pinatutunayan mismo ng Dios na may mga bagay siyang itinatago at ayaw niyang itoy ating malalaman, bukod pa sa Kanyang pagiging mahiwaga.
Dan. 12: . 4 Daniel, ingatan mo muna ang mga pahayag na ito at isara ang aklat upang hindi ito mabuksan hanggang sa katapusan ng sanlibutan. Marami ang magsasaliksik at magsisikap na maunawaan ang maraming bagay."
Rev. 7: 4 Isusulat ko sana ang aking nasaksihan nang matapos ang dagundong. Ngunit narinig ko mula sa langit ang isang tinig na nagsabi, "Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog, huwag mo nang isulat!"
Ngayon, papaano mo sasabihin na alam mo sagutin ang lahat na katanungan ? Papaano kung ang sagot ng katanungan mo ay naroroon sa itinatago ng Dios?
Si Kristo nga, may tanong na hindi niya kayang sagutin, si Soriano pa kaya ?
Palagay niyo ba, pagtinanong ninyo si Kristo kung kailan ang katapusan, sasabihin niya sa inyo ito alam ko ? hindi ah, Dahil sinabi niya na hindi niya alam ( O ayaw ipaalam ) .
Mar. 13:32 But of that day and that hour knoweth no man, no, not the angels which are in heaven, neither the Son, but the Father.
Ngayon, sasabihin mo bang bobo si Kristo dahil hindi niya alam tulad ng tinuran ng mga kaparian na sasabihin nilang Dios lang ang nakakaalam niyan brother.
Ngayon punta tayo sa nagiging sagot ni SORIANO na ipinagmamalaki nilang tama at siya lang ang nakakasagot.
Prov. 8: 30 Then I was beside Him, as a master workman; And I was daily His delight, Rejoicing always before Him, 31 Rejoicing in the world, His earth, And having my delight in the sons of men.
Hindi ko mawari kung ano ang ibig niyang sabihin sa sagot niyang ito, Kesyo may naunang tinatawag ang Dios na mundo na Kanya ( sa Dios ) bago pa ang daigdig ng mga tao. O naririto na sa daigdig natin na ginagawa na ng Dios..
Pero ang tama po, ito ay tungkol kay Kristo, at hindi ito sumasagot kung asan naninirahan ang AMA.
Mainam na umpisahan natin, sa Prov. 8; 11 "Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas,
anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.
Ngayon sino ba ang karunungan na ito ? 1 Cor. 1:24 but to those whom God has called, both Jews and Greeks, Christ the power of God and the wisdom of God.
Col. 1:2-3 Ginagawa ko ito upang palakasin ang kanilang loob at upang mabuklod sila sa pag-ibig. Sa gayon, mararanasan nila ang ganap na pagpapala ng tunay na pagkaunawa at kaalaman patungkol sa hiwaga ng Diyos, na walang iba kundi si Cristo. a 3 Sa pamamagitan niya nahahayag ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman ng Diyos.
Prov. 8:22 "Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una,
noong una pang panahon ako ay nalikha na.
23 Matagal nang panahon nang anyuan niya ako,
bago pa nalikha at naanyo itong mundo.
24 Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw,
wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.
25 Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok,
nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
26 Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid,
nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.
30 ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw.
So it is pertaining to Christ. kung ang tanong asan si Kristo bago siya naging tao tama ang sagot na ito, pero hindi ito ang sagot kung nasaan ang tirahan nila ng Ama. O ng Dios.
Ang tanong nakikisalamuha na ba si Kristo sa mundo bago pa siya naging tao ? DEFINITELY ,YES.
ISA. 52:12 But you will not leave in haste
or go in flight;
for the Lord will go before you,
the God of Israel will be your rear guard.
Nuuna raw ang LORD sa unahan at ang Dios naman ay nasa huli.
Sino ba itong Lord na ito ?
John 13:13New International Version (NIV)
13 “You call me ‘Teacher’ and ‘Lord,’ and rightly so, for that is what I am.
1Cor. 13:13 Therefore I want you to know that no one who is speaking by the Spirit of God says, "Jesus be cursed," and no one can say, "Jesus is Lord," except by the Holy Spirit
At ang Lord na ito ay pinatutunayan ng mga apostoles na naririto na sa mundo at nakakasma ng mga tao ( Prov. 8: 31 / as a wisdom and a spirit ) . bago pa ito naging tao,
1 Corinthians 10:4New International Version (NIV)
4 and drank the same spiritual drink; for they drank from the spiritual rock that accompanied them, and that rock was Christ.
So ngayon tama ba ang sagot ni Soriano, napakalaking mali po. kung ang tanong ay naririyan na a si Kristo bago naging tao, at asan siya sa panahong iyon, tama po ang sagot.. Pero napakalayo sa tanong kung asan naninirahan ang Dios.
Alam niyo kasi, we are dealing God transcendence, eh.. Dios iyon eh... hindi natin abot ang lahat sa Kanya..
Ganito po iyon ,para sa akin, para sa akin lang ha..nililinaw ko iyan..
Kung ang Dios ay walang simula at walang katapusan, asan iyang wala at iyong walang katapusan na kangyang kinalalagyan, na, naroroon na siya at doon nanirahan. Nasaan iyong lugar, na kinalalagyan niya ? gayong sinasabi nating naroon na siia sa wala pang panahon at lugar.. KAYA MO BANG SAGUTIN IYON ? ABA PAG NASASAGOT MO IYAN PARA KA NA RING DIOS.
ang totoo pong simbahan ay nagsasabi ng katotohanan na hindi lahat ng tungkol sa Dios ay kaya at alam.. May itinatago at hindi ipinaaalam.. Ngayon kung alam lahat ni Soriano iyon, eh.. di.. mabuti..... he...he....

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento