Martes, Agosto 12, 2014

NAMAMATAY BA ANG DIOS ?

Kung minsan kasi, may mga katanungan tayo na kahit tayo mismo na siyang nagtatanong, hindi alam kung tama  ba ang naging katanongan natin.

Tulad na lang halimbawa ng mga Iglesya ni Kristo ( Iyong 1914 na tinatag ni Manalo.) at ng iba pa nating mga kapatid na muslim...madalas nilang sabihing, " may Dios ba na namamatay?" O kaya, tatanungin nila ang mga Katoliko na kung tototong Dios si Kristo, bakit siya namatay ? May Dios ba na namamatay ? tapos susundan na ng kung anong mga verses na kahit si Kristo ay nanalangin sa Kanyang Ama bilang Dios, na siya mismo ay humihingi ng tulong doon sa Dios na kanyang Ama... Kaya papaano siya naging Dios ?

OK!.. bago ko sagutin iyan, magtatanong muna ako doon sa kanila kung may mababasa ba sila sa bibliya na ang Dios ay hindi pweding mamatay ?

Sa totoo lang po, wala kang mababasa na sinabi ng Dios na hindi siya pweding mamatay. At kahit kailan, wala siyang itinuturo, na siya ay hindi pweding mamatay..

Ganito ang mababasa natin sa SALMO 118 : 17---I shall not die.but live, and declare the works of God..
Ang tanong sino ba itong nag-sasabing hindi pa siya mamamatay, O sabihin na nating hindi Siya mamatay..?
Kung babalikan natin ng kaunti ang mga naunang verse bago ang 17- ganito po ang nakasaad sa verse 5 ng Psalm 118, I called upon the Lord in distress: The Lord answered me, and set me in a large place.

Samakatuwid, sa unang sulyap, parang ang itinuturing nitong tao ay ang sumulat nito na si David, dahil ang Salmo naman po ay ang mga nakasulat na mga awitin ni david, tungkol sa ginagawa ng  Dios sa kanya at ang kanyang ginagawang panalangin at hiling sa Dios, sa darating pang mga gawain O pangyayari...

Sa ikalawang banda po, namatay na po si David, kaya ang mangyayari po ay hindi na siya kundi ibang tao na po ang naturingan nito, ang itinuturing na hindi muna mamatay dahil, gagawin pa nito ang mga ipinagawa ng Dios ( "declare the works of the Lord..")

ANG SALITA NG DIOS BILIA ( BILICA ) Salmo 118:17.. Hindi ako mamamatay,ako'y mabubuhay, at isasaysay ang ginagawa ng Panginoon..

Dapat tandaan, na ang nagsasabing hindi siya mamamatay ay may kinikilalang Panginoon na siya niyang isasaysay.. Kaya hindi rin ito repirado sa Dios O sa Panginoon.. Kaya maliwanag po na ang Salmo 118:17, ay hindi tungkol kung ang Dios ay hindi ba mamatay.. kung sino ito, iyan ang ating aalamin...

Ito po ay tungkol kay Kristo,  Sal. 118:22.. The stone which the builders refused is become the head stone of the corner. ( 1 Pet. 2:7-8 )..

Samakatuwid ang mga hulang ito ay patungkol kay Kristo..

Ngayon ilang beses na ba siyang ( Kristo ) pinagtangkaang patayin ? Maraming beses po, ito ang mga iilan, Likas 4:29, na gusto nilang ilaglag si Kristo sa bangin, ngunit hindi pa sila nagtagumpay dahil hindi pa niya oras para mamatay..John 8:40..sinasabi ko lang sa inyo ang mga katotohanan mula sa Dios, pero ninais niyo na akong patayin.. John 5:18.. pinagsisikapan siyang patayin ng mga Hudiyo.. pero dahil sa hindi pa niya oras kaya hindi nila nagagawang  Siya'y patayin sa mga pagkakataong iyon..

Iyan po ang maliwanag na katibayan doon sa sinasabi niyang hindi pa siya mamamatay ( Sal.118:17 ) At iyon naman pong karugtong na nagsasabing Siya'y mabubuhay para ipag-adya pa ang mga salita ng Dios.. ( Sal.118:17 ) Iyan ay nangyayari matapos niyang maganap ang mga ipinagagawa sa Kanya ng Ama.. John 2:19.. Gibain niyo ang templong ito at itatayo ko sa loob ng tatlong araw.. At maliwanag po niyang sinasabi na wala ni isa mang tao ang pweding pumatay sa kanya, magpapakatay siya sa kangyang sarili at bubuhayin rin niya itong muli iyan ang utos sa kanya ng kanyang Ama.. John 10:18.

Sa tanong na may mababasa ba na ang Dios ay hindi pweding mamatay ?Ang sagot ay wala pong mababasa, ngunit wala rin po tayong mababasa na ang Dios ay hindi pweding mamatay..

Ngayon kung ang Dios ba ay gustong mamatay at bubuhayin niya muli ang sarili, may magagawa ba tayo kung ito ang gustong gawin ng Dios ? wala po tayong magagawa. Dahil nagagawa po ng Dios ang ano mang gusto niyang gawin Luk. 1:37.

Ngayon, ang namatay ba na Kristo ay kamatayan ng Dios? ( Kristo bilang Dios ) ? Hindi po. Hindi po Dios ang namatay dahil ang Dios ay hindi mo nasasampal ,hindi mo naduduraan, hindi mo nahihipo, dahil ito ay Espiritu, John 4:24, kaya hindi ito mapapatay ng sino mang tao..

Ang namatay po ay ang katawang tao ni Kristo, na binuhay naman muli NIYA ( Kristo ), na siyang inutos ng Ama sa Kanya. Hindi ang pagiging Dios niya.

Ngunit iyong pagiging Dios niya kailan man ay hindi namamatay.

Ito ang maliwanag na halimbawa, man si composed of body and soul, at ang sinasabi ni Kristo ay ang napapatay ng tao ay iyong katawan lang natin na lupa, pero iyong kaluluwa ay hindi, Mat. 10:28. Kaya ng namatay si Lazaro at iyong Dato ay nagkakaroon parin sila ng mga pag-uusap kasama si Abraham na isa na ring patay, Luk. 16:22-29..

Kaya, pag-sinabi niyo na namatay si Kristo, at hindi dapat siyang mamatay dahil Dios siya, iyan ay isang kamangmangan at malaking katangahan..



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento