Martes, Marso 13, 2012

anecdote "tagalog"



story:1 Kakainin pa rin

Dalawang matandang lalaki ang magkatabi ng  higaan ng isang pangpasaherong barko papuntang Manila mula Cebu. Ang isa nagbabasa ng bibliya at ang isa ay kinakausap ang isang makulit na apo.

Lolo 1:
 Tandaan mo lagi ang sasabilin ko sa iyo  na oras na makatulog ako ay wag kang maglalapit sa tabi ng  barko at baka ka mahulog,dahil pag-nahulog ka kahit marunong kapang lumangoy tiyak pagpipistahan ka parin ng mga pating, ( ang ,ika nito sa apo.)

Lolo 2:
 Iyan ang hirap sa mga katoliko, pati pating pagpipistahin pa niyo,ako brod,kahit malunod pa itong barko buo ang paniniwala ko na hindi ako kakainin ng pating dahil lagi kong kasama ang Panginoong Hesus
,iyan ang nasasabi dito sa bibliya.

Lolo 1: Mawalang galang na po, ano po bang relihiyon niyo?

Lolo 2: Ah...Akoy Saksi ni Jehova at...( magsasalita pa sana ito pero sumingit ang batang makulit ).

Apo ni lolo 1: Bakit lo,sino ba iyong Hesus na sabi niyang kasama niya, eh...nagiisa lang naman siya?

lolo 1: Hindi iyong nakikita espiritu lang iyon.

apo : bakit  iyon bang pating lo, kumakain ba ng espiritu?

lolo 1: Syempre hindi, eh hindi nga nakikita iyon papaano kainin?.

apo ; Pero iyong pating lo, kumakain parin ng tao?

lolo 1: Syempre..

Apo : Eh di kainin parin siya ng pating lo?,..

Lolo 1; Tumingin muna sa katabing matanda na medyo nakangiti bago sumagot,"ah..sigurado".




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento