Linggo, Pebrero 9, 2014

IYAN PO ANG SAGOT KO...

Juan Carlo'sJuan Carlo's
Si Cristo po ba tao o Diyos?

pakisagot mga kaibigan naming katoliko:

Sagot: Pareho, Siya'y tao at Siya rin ay Dios.

Sa pagiging tao, hindi ko na ipaliwanag, dahil alam ko naman na naniniwala na kayo rito. Kaya sa pagiging Dios, na lang ang ipaliwanag ko, OK lng siguro iyon..

Unahin ko ang sinabing ito ni Kristo, "Kung Ako lamang ang sumasaksi sa
aking sarili, hindi matimbang ang Aking sinasabi. Subalit may ibang sumasakasi tungkol sa Akin, at totoo ang kanyang sinasabi tungkol sa Akin."(John 5:31-32)

Ngayon sa puntong ito aalamin natin ang mga pagsaksi ng mga propeta at ng Amang Dios tungkol sa Kanyang Anak na si Hesus Kristo.

Unahin ko itong pagsaksi ni Pablo," hindi nagbabago si Jesu-Kristo-kahapon, ngayon, at magpakailan man.
HEB.13:8

Samakatuwid baga, kung ano si Kristo noon, ay ganoon rin siya ngayon at maging magpakailan man, di ba? maliwanag naman po ang pagkakasabi ni Pablo riyan.

Kaya hindi po mangyayaring si Kristo ay ang plano ng Dios, o si Kristo ay ang plano
lang ng Dios na gawing tao.

Dahil kung aayunan natin na si Kristo ay wala pa dati (iyong pagiging siya sa kabuohan) at siya ay plano lang ng Dios na isinakatuparan pag-dating ng panahon,lalabas po na ang plano noon, ay plano pa rin ngayon, at plano parin siya magpakailan man, iyan ay kung ang pag-babasihan natin ang pagkakasabi ni pablo sa Heb.13:8..

Tama pong, may plano na ang Dios, na papuntahin Siya sa sanlibutan, o makita siya sa sanlibutan bilang tao, ito ang mga patunay..

Gal. 4:4-Subalit ng dumating ang takdang panahon, pinaparito ng Dios ang Kanyang Anak. Ipinanganak Siya ng isang babae at isinilang na sakop ng kautusan..

Dapat po nating pansinin ang salitang "pinaparito Niya ang Kanyang Anak" (kaisa-isang
Anak, Juan 3:16)

Samakatuwid po, nariyan na po ang Kristo at ito nga ay ang Kanyang kaisa-isang Anak. At ito nga ang binabalak Niyang papuntahin sa lupa sa katawang tao naman sa pagkakataong ito.

Isa pang patunay, 1 Tim.3:16-Hindi mapasubalian na malaki ang hiwaga ng ating
pananampalataya: naparito Siya (Kristo) sa anyong tao....

Dito maliwanag po diyan sa salitang SIYA o naparito SIYA samakatuwid baga nariyan na SIYA at pumunta lang sa atin sa anyong tao..

Ito po ay pinanatutunayan mismo ni Kristo, ganito po ang sinabi niya,"Kaya't luwalhatiin Mo Ako ngayon ng Iyong sarili, Ama-sa kaluwalhatiang taglay ko sa iyong piling bago pa man nilalang ang Daigdig.(Juan 17:5)

Malinaw po sa pagkakasabi ni Kristo rito na kasama na Siya ng Ama, bago pa man nilalang ang daigdig.

Dito, malalaman na po natin, kung sino ang kinakausap ng Ama bago pa Niya lalangin ang tao. (Gen. 1:26) Dahil hindi naman po lohikong, sabihin natin na kinakausap ng Dios ang Kanyang plano. Samakatuwid baga, kausap ng Ama ang Kanyang Anak na si Kristo, dahil kasama na Niya ito lagi,sa panahon ng Kanyang paglalang.

Iba pang patunay, 1 Juan 4:1-2- Mga minahal, huwag kayong maniwala sa lahat ng espiritu. Subukin niyo muna sila kung sa Dios nga sila galing. Sapagkat maraming palsong propeta ang nagkalat sa mundo. 2- Sa ganito ninyo makikilala ang Espiritu ng Dios: bawat espiritung nagsasabing si Jesu-Kristo ay naparito sa katawang-tao, ay mula sa Dios.

2 Juan 7-Maraming manglilinglang na lumilitaw sa mundo-mga taong ayaw kumilala na si Kristo ay naparitong nasa katawang-lupa. Manlilinglang at anti-Kristo ang ganyang tao..

Samakatuwid po,si Kristo sa pagkakasabi, dito ay maliwanag na nariyan na at ng pumunta Siya sa lupa Siya ay nagkatawang lupa lang..(o bilang isang tao sa anyo)

Iba pang patunay na ang Kristo ay nariyan na, bago siya naging tao.

1 Cor.10:3-4-Lahat sila'y nakalasap ng pagkain at inumin na mula sa Dios, Sapagkat
uminum sila sa Batong Espiritwal na sumusubaybay sa kanila, at ang Batong iyon ay si Kristo

Ngayon po, tingnan naman natin ang katayuan ni Kristo bago siya naging tao.

Ito naman po ang ginawang pagskasi sa kanya ni propeta isaias,"Lalo pa silang matutuwa, dahil ipapanganak ang isang batang lalaki na maghahari sa amin. Tatawagin Siyang,

Kahanga-hangang taga-pagpayo;
Makapangyarihang Dios;
Walang hanggang Ama;
at Prinsipe ng kapayapaan. ISA.9:6 (ANG SALITA NG DIOS BIBLIYA)

Dito maliwanag po na isa sa turing ni Isaias sa mga katangian (adjective) ni Kristo ay ang pagiging Dios Niya..

Nakikita na po natin ang pagsaksi ni Pablo at ni Isaias, kung ano nga si Kristo bago pa siya naging tao, ngayon dito naman po tayo sa pagsaksi ng Ama tungkol sa Kanyang Anak.

Heb. 1:6-8...

6-Subalit nang dalhin ng Dios ang Kanyang Panganay sa mundo,sinabi niya; Kailangang sambahin siya ng lahat ng anghel ng Dios!

7-Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:Ginawa niyang hangin ang Kanyang mga anghel at ningas ng apoy ang kanyang mga utusan, at ningas ng apoy ang Kanyang mga utusan.

8-Subalit tungkol sa Anak ay ito ang sinasabi ng Dios: Ang Iyong trono, o Dios, ay mamamalagi mag-pakailan man! Ang setro ng Iyong kaharian ay setro ng kabanalan.

Ang madalas po na katuwiran ng mga Iglesya ni Kristo (yaong itinatag ni Manalo) na ito raw ay paturing sa Ama na ito raw ay ang trono ng Ama at ang Ama raw po rito ang tinuturing na sa Dios sa talatang ito.

Mali po iyon, iyan po ay isang panglilinglang: Dahil kung ito ay paturing sa Ama dapat po ang sasabihin Niya ay ganito "ang Aking trono, hindi ang Iyong trono, di ba? At dapat, at bigyan rin ng pansin ang salitang "Subalit tungkol sa Anak ay ito ang sinabi ng Dios" samakatuwid lahat ng sasabihin ng Ama ay patungkol sa Anak Niya at hindi para sa sarili Niya (Ama)

Isa pa pong dapat bigyan ng pansin ay ang salitang,"ang setro ng iyong kaharian" ibig pong sabihin na ang Kristo po ay pinaghahari ng Ama kaya maliwanag na si Kristo man ay may trono rin bilang isang hari. dahil kung ito'y paturing naman tungkol sa Ama gaya ng kanilang (INCM) paliwanag, dapat po ito ang sasabihin ng Ama," ang setro ng Aking kaharian, hindi ang salitang Iyong kaharian.

Kaya malinaw na malinaw po rito na ang Ama ang nagpakilalang Dios ang kaisa-isa niyang Anak na si Kristo.

Ngayon, may mababasa ba sa bibliya na sinasabi ni Kristo na Siya ay Dios?

May roon po:

uunahin ko muna ang talatang ito, Juan 4:13-Sumagot si Jesus,"Ang umiinom sa tubig na ito ay muling mauuhaw,14-Subalit ang iinom ng tubig na ibibigay Ko ay hindi na muling mauuhaw.Ang tubig na ibibigay Ko sa kanya ay maiging isang bukal sa loob niya at patuloy na bubukal magpakailanman.

Paghahayag 22:12-Masdan niyo malapit na Akong dumating,at dala Ko ang Aking gantimpala upang bigyan ang bawat isa ayon sa kanyang mga ginagawa. 13-Ako ang ALPHA at ang OMEGA ang una at huli ang pasimula at ang wakas.

Paghahayag 21:6-Natapos na! Ako ang ALPHA at ang OMEGA ,ang pasimula at wakas.Bibigyan Ko ng walang bayad na tubig ang nauuhaw, mula sa bukal na tubig.7-ang magtagumpay ay magmamana ng mga ito. Ako ang magiging Dios niya at siya'y magiging anak Ko.

Dito maliwanag po ang pagkaka-sabi ni Kristo sa Juan 4:12-13 na magmumula sa Kanya ang bukal ng tubig na ibibigay Niya sa atin,( Paghahayag 21:6-7) at maliwanag po ang sinasabi niya sa dalawang talata na Siya ang ALPHA at ang OMEGA ( Pag. 22:12-13 ?/ pag. 21:6-7) at dito, dahil naroroon na Siya sa kaluwalhatian ay malinaw na sinasabi at inaamin Niya na Siya man ay Dios. (pag.21:7)

Marami pa pong mga texto sa Bibliya na nagsasabing si Kristo ay Dios:

1 juan 5: 20 / Tito 2:13 / Juan 1:18 MBB ito ang iba pang mga texto sa bibliya at marami pa,na magpapatunay na si Kristo ay Dios bukod sa Siya ay tao rin.

Ngayon sa mga maraming kinakatuwiran nila na maaring dumadami na ang Dios, ito po ang masasabi ko, kaming mga katoliko ay naniniwala sa lahat ng kapadayagan ng Dios dito sa bibliya at tradition, Pag sinabing isa lang ang Dios ,eh, di isa lang at iyon ay amin ring pinaniniwalaan, pag-sinabing ang Dios ay Espiritu, naniniwala kaagad kami, eh, d' ang Espiritu nga ay Dios, pag-hinahayag na si Kristo ay Dios, naniniwala rin Kami.. hindi kami nakikipag-ergo sa Dios.. Pag sinabi ni Kristo na Siya ay nasa Ama at ang Ama ay nariyan sa kanya  eh.. d' ganoon.. Pag-sinabing ang Ama at ako ay iisa, naniniwala rin kami ,kahit parang mahirap dahil lalabas nga na dalawa na Sila. Ngayon,Pag sinabing " for there are three that bear records in heaven, the FATHER,the SON, and the HOLY ESPIRIT and this three are ONE, 1 John 5:7-8 KJV, naniniwala rin kami, dahil kaming mga katoliko ay hindi nakikialam kung ano man ang mathemathical equation ng Dios.

At kung sabihin ng Ama na gawin Niya ang lahat bilang tao, namatay, kumain, nagdasal at kung ano-ano pa para sa ikaliligtas nating mga tao, nag-papasalamat kami sa Dios pero hindi namin kinukwestion ang kagustuhan ng Dios..

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

HINDI LANG PURO SA BIBLIYA DI BA?

Paano ba natin malalaman ang totoong IGLESYA ?

O sa papaanong paraan mo malalaman na ang IGLAESYA na iyong kinasasapian ay totoo ?

Sagot : Simply lang po...

Una, kung mismo ang mga turo nito ay nagmumula sa DIOS at hindi lang sa bibliya..

Ganito po, ang itinuro sa ating ng Panginoong Hesus," Ang tao lang na sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit ang mapabilang sa kanyang kaharian" (Mat.7:21)

Ngayon ang tanong po, kaloob ba ng Ama na tayo ay matototo ng lahat ng Kanyang mga turo sa pamamagitan ng mga nakasulat lang sa bibliya?

Ang sagot po ay maliwanag na hindi. Bakit 'ka ko? Dahil umpisa palang, ginusto na ng Ama na sa Kangyang anak tayo mananampalataya at hindi sa bibliya.

Ganito naman po ang nakasulat,"Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao
sa sanlibutan: Ibinigay niya ang Kanyang kaisa-isang anak upang ang sino mang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggang" ( John 3:16 )

Dapat pong tandaan na ang unang pagbobuo ng bibliya ay nangyayari lang po noong 382 AD sa utos ni Papa Damasu, itoy tinatawag na LATINA VULGATA at unang maramihang imprenta po nito ay nangyayari lang po noong 1450's sa Germany, ng maimbento nila ang unang printing press.

Ang katotohanan pong ito, ang makakapagpaliwanag na mali ang salitang, bibliya lang po ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios..

Dahil, maitatanong po natin sa sarili, paano ba ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios bago nabuo ang unang biliya?

At ano ba ang basihan ng totoong aral ng Dios para sanlibutan bago na-imprenta ng maramihan ang bibliya noong 1450-1454 sa Germany? Sa kabila ng katotohanan na itong GUTENBERG BIBLE na ito ay pawang limbag lang ng Alimanyang lenguahe at hindi pweding maunawaan para sa pangkalahatan?

Ganito po ang tagu-bilin ng Panginoong Hesus sa itinatag niyang IGLESYA, "Humayo kayo sa sanlibutan at gawin niyo sila na mga tagasunod ko. Bautismuhan niyo sila sa ngalan ng AMA ng ANAK at ng ESPIRITU. Turoan niyo silang sumunod sa mga iniutos ko sa inyo." ( Mat.28:19-20 )

Dito, maliwanag po na ang mga aral ng Panginoong Hesus ay iyong mga itinuturo niya sa IGLESYA, na dapat siya ring ituturo sa sanlibutan o sa mga tao. noong hindi pa naisusulat ang bibliya.

Isa pang patunay, ng tawagin ng Kristo si Pablo upang maging Kangyang apostol
(1 cor. 1:1 ), ganito naman po ang naging pahayag ni Pablo"ibig Kung malaman niyo
na hindi sa tao nanggagaling ang ebanghelyong ipinangangaral ko. walang taong nagbigay o nagturo nito sa akin. Si Kristo mismo ang naghayag nito sa aking. ( Gal. 1:11-12 )

Sa makatuwid po, hindi mula sa bibliya ang nagiging aral ni Pablo sa kanila, kundi mula kay Kristo mismo..

Dahil, ang sabi po ng Panginoong Hesus ay marami pa sana siyang aral na sasabihin sa kanila, ( apostoles ) pero mahihirapan pa silang unawain ito, ( John 16:12 ) pero
sa pagdating ng pangakong Espiritu Santu, ito na ang siyang taga pagpaliwanag at,magiging gabay sa kanila ng kanilang mga gawing turo at sasabihin. (John 16:13 )

Sa ganito pong kaparaanan, ay malinaw pong sinabi ni Pablo na ang IGLESYA ang siyang saligan at suhay ng katotohanan ( 1 Tim 3:15 ) at hindi ang bibliya.

Dahil marami naman po ang turo na hindi naiisusulat sa bibliya. ( John 21:25 )

Pati na nga ang kaisa-isang sulat ni Kristo na sinulat niya mismo ng sarili Niyang mga daliri ay hindi rin mababasa sa biliya.( John 8:6-8 )

Isipin na lang kung gaano iyon ka importante, dahil si Kristo mismo ang sumulat nito
at minsan lang niyang ginawa ito sa kasaysayan ng Kanyang buhay.

Ngayon, paniniwalaan ba natin ang mga turo na nakasulat sa biliya?

Syempre naman po, dahil iyan ay mga utos rin ng Dios na naisulat na nga..

pero ang sabihing ito lang ang basihan at wala ng iba iyan ay buong katangahan, at ang mismong salita "na ang bilbiya lang ang basihan ng ating kaligtasan" ay hindi rin mismo mababasa sa biliya.

Samadaling salita, ang bibliya po ang naging produkto ng IGLESYA, ito iyong mga aral na naisusulat na ng tao, sa mga nagiging pangangaral nila.

Samantalang ang lahat ng sekta naman ay ang nagiging bunga ng pagbabasa at maling interpretasyon sa biliya.

Kaya po labis-labisan ang pangangatuwiran nila na bibliya lang po ang basihan na kung wala sa bibliya ay hindi dapat paniwalaan...

Iyan po ay bunga ng pagdudunongdunungan, dahil sa bibliya ay hindi mo mababasa
na kailangang ang karapatan at kaluwalhatian ng Dios ay dito na Niya ipnagkakaloob.

Kaming katoliko, ay hindi kinukulong ang Dios sa apat na kanto ng biliya. at naniniwala kami na kung ano man ang gustong gawin ng Dios itoy Kanyang gagawin, itoy nakasulat man o hindi sa biliya.

At dapat tandaan, KATOLIKO lang ang hindi naniniwala sa salitang " BIBLE ALONE"...

At ang buong katotohanang ito ay tuwiran namang naipapaliwanag namin sa pamamagitan ng biliya mismo..

GOD BLESS...